KABANATA 12

63.6K 1.3K 117
                                    

Jordanna's P.O.V.

Hindi ako nakapagsalita. Ang tanong ko lang sa sarili ko, kung kaya ko bang gawin 'yun sa kanya? Pinalaki ako ng mga magulang ko nang maayos at may katuwiran, hindi ko naging ugali ang umabuso at magpahirap sa tao nang walang dahilan.

Ano ba 'to? Kinikilig ako pero nahihiya naman ako. Hindi pa rin kasi ako maka-get over na napasagot n’ya ako sa loob lamang ng iilang minuto. Hindi ko masasabi na dalawang araw, dahil, sa dalawang araw na 'yun, mas marami pang pagkakataon na nagbabangayan kami at nilalait n’ya ako. Tapos loob lang ng ilang minuto na nag-I love you s’ya, bumigay na agad ako?

(Atungal mode inside)

How could I?  How could I end up getting so close to promiscuity after 17 years of virtuous lifestyle? Why o why, Delilah? Why o why, Samson? Why o why David and Goliath? Why o w-weh?!

"Hun, sa bahay tayo ngayon ha?” tila nakuryente ang aking puso. Buwisit na lalaking 'to! Bakit kasi napaka-sweet ng pagkakasasabi n’ya? "Sinabi ko na kasi sa parents ko na sinagot mo na 'ko kaya gusto nilang mag-celebrate sa bahay namin with..."

"With?” kinakabahan ako.

"With my parents, my sister, my Lola, your parents and your brothers."

What?! Oh no! This can't be happening!

"H-ha? Ba't naman sinabi mo agad?"

"Bakit naman hindi? Eh 'di ba ito naman ang gusto nila? Ang magkasundo tayo? Ang magkalapit? Heto na nga o. May bonus pa, dahil tayo na." Kumindat pa ang lintek.

Tila nagrambulan na naman ang iba't-ibang emosyon sa aking dibdib.

Oh no! I don't want to see kuya Josh's face.  Nakasisiguro akong aalaskahin ako ng lokong 'yon. I so hate myself for putting myself in this predicament. I so hate myself for being so easy to get. I so hate myself for wa—

Naputol ang aking pag-eemote nang biglang may pumatak na animo'y matigas na bagay sa front windshield; lumamat ito sa bahaging nasa aking tapat.

"Anak ng—!" Bulalas ni Jasper, na halos kasabay ng kanyang pagpreno. Hindi s’ya nakapagmenor, kaya't kung hindi dahil sa aming seatbelt, malamang, napasubasob na kami sa dashboard, or worse, tumalsik kami sa unahan ng sasakyan.

"What the f—?!" Muling sigaw ni Jasper.  

Nakita na namin kung ano ang sumalampak sa windshield. Isa itong life-sized na istatwa ng isang Anghel na mandirigma; may damit itong yari sa mamahaling tela. Nakapatong ito sa nayuping nguso ng kotse. Mabuti na lang at wala na kami sa main road; kung nagkataon, makalilikha pa kami ng traffic.

"Stay here, Hun." Habang tinatanggal n’ya ang kanyang seatbelt, "I'll be right back," Umangat s’ya—akmang yayakap sa akin, "I'll just check th—" Nangunot s’ya nang magkalapit na ang aming mga mukha.

Naramdaman kong may hinawakan s’ya sa aking noo; tiningnan n’ya ito nang malapitan. Dugo. Nagdurugo pala ang aking noo? Tumingin muna s’ya sa kandungan ko, saka n’ya dinampot ang ilan sa mga shards ng nabasag na windshield.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang nag-aalala lang na mga mata'y unti-unti nang tumalim; bumangis. Lalo na nang sa pagkiling n’ya pakaliwa, lumitaw na rin ang mga may pakana.

Isa itong grupo ng mahigit sa labing-dalawang kalalakihan. Nakahalukipkip na nakahilera ang mga ito na akala mo, kung sinong mga miyembro ng gang. Pare-parehas ang nga itong nakasuot ng itim na pang-itaas—na pawang hapit na hapit sa kanilang malalaking katawan. Marahil, ilan ang mga ito sa mga nilalang na parating nakabuntot sa 'kin.  Mga nilalang sa kabilang mundo, sa kanilang katawang-tao.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon