KABANATA 86

20.9K 778 92
                                    

Jasper's P.O.V.

I found myself constantly banging my head against the wooded pole na kinakabitan ng tolda ko. Kung bakit naman nga kasi sa dinami-dami ng mamamana ko kay Daddy, 'yung katabilan pa ng dila; ang pagbigkas ng masasakit na salitang hindi ko pinlano—at hindi rin inaasahang masasabi ko. Naalala ko tuloy 'yung k'wento sa akin ni Daddy, about him and my Mom. Gamuntik na rin daw silang maghiwalay no'n dahil sa kaparehong problema. Matabil ang dila ni Daddy kapag nagagalit at nabubugnot—na mukhang namana naman daw n'ya sa kanyang ina—ang aking Lola sa side n'ya.

I can't believe I said those derogatory words to Jordanna; sa harap pa man din ng pamilya n'ya. I can't believe na napagsalitaan ko rin si Daddy Jon nang hindi maganda, pati na rin ang aking bayaw na si Joshua. I guess I don't know myself anymore. Mukhang tama nga si Lola. Unti-unti na nga yata akong nag-iiba. Pag-iibang hindi ko na sigurado kung nagugustuhan ko pa.

"Jasper, kailangan mong pumunta sa Laguna." Sabi ng isa sa tatlong duwende.

"Bakit?" habang inaayos ko ang aking mga armas sa loob ng aking tolda.

"Kabi-kabila raw ang sinasapian ng masasamang espirito ro'n."

Tumango ako.

"Jasper!" Bulalas naman ni Ricardo, sa mismong pagpasok nito sa akin tolda.

"Bakit?"

"Nilusob nina Lucio ang kampo natin sa isang baryo sa Roxas!"

Natigilan ako sandali. "Anong nangyari?"

"Umatras sila pero marami sa ating mga kasamahan ang namatay."

Napabuntong-hinga ako at umupo sa bangkong yari sa kawayan.

"Jasper!" Pagsugod naman ni Domingo. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakangiti ito. "Nakuha natin ang balwarte ni Lucio sa Magindanao.

"Jasper!" Si Alondra naman. "Atin na ang kampo nina Lucio sa Cotabato!"

Magagandang balita—kahit nalalagasan din kami. 'Yung mga ganitong pagkakataon na dapat ikinasis'ya ko na't ipinagbubunyi pero... bakit hindi ko na magawa? Tila may kulang na. Tila hindi ko na magawang maging masaya.

***

Pasikretong dumaan ako kina Jordanna bago ako magtungo sa Laguna. And there she was with Josh and their childhood friends—ang magkapatid na Andre at Caleb. Naroro'n sila sa labas ng tarangkahan ng kanilang gate, na tila may hinihintay. She looks different, hindi ko lang matukoy agad kung ano ang eksaktong ipinag-iba n'ya. Ah! Alam ko na. Lalo s'yang gumanda. Nakaayos na s'ya at nakasuot ng classy na bestida.

"A friendly reminder, Jordanna." Sabi ni Andre sa kanya. "Give Geoff a chance, ok."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Geoff? Who's Geoff?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may namataan akong dumarating na kotse. Huminto ito sa kanilang harapan at mula roo'y may lumabas na isang matangkad at mestisuhing lalaki.

"Hi Geoff!" Kinikilig na pagbati ni Andre sa lalaking lumbas mula sa kotse.

"Hi." Pagbati naman sa kanya ng tinawag nitong Geoff. "Shall we?" sa pagbaling nito kay Jordanna.

Umangkla sa braso nito si Jordanna; naramdaman ko ng biglang pagtaas ng presyon ng aking dugo.

Who the fuck is that? Boyfriend n'ya? Wala pa kaming isang buwan na naghihiwalay, pinalitan na n'ya agad ako? Hindi p'wede 'to.

"Please take care of my sister." Sabi ni Joshua sa Geoff na 'yun.

"Don't worry, I will. Mapapahamak muna ako, bago s'ya."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon