KABANATA 6

66.7K 1.3K 160
                                    

Jasper's P.O.V.

"Are you trying to say na mandaraya ako?” gigil na gigil s’ya.

Just the way I want her to be.

"You heard it." Nakangising ako habang nakatutok ako sa pagmamaneho.

Nag-abot-abot ang kanyang paghinga. Galit na galit talaga s’ya.

Good.

That's the way I like it.

Para naman maramdaman n’ya, how much I hate her.

"You know what, asshole?” aniya. "F*ck you!" Bulyaw n’ya; nanginginig na rin ito.

"Oh, you absolutely should." Nakangising sagot ko. Naaninag ko s’ya sa gilid ng aking kanang mata—hindi kasi ako direktang nakatingin sa kanya. "'Cause It'll surely be your future obligation to f*ck me on our honeymoon and any time thereafter. And when that time comes," Sumulyap ako sa kanya sandali, "I'll f*ck you back real hard too, like BAM-BAM-BAM!" Sinabayan ko 'yun ng paghataw ng kamao ko sa manibela. Sinundan ko rin ito ng malakas na pagtawa. "And guess what? I'm pretty sure you'll like it!" Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ko s’ya kinindatan.

Nanlaki ang kanyang mga matang sinabayan pa ng mas mabilis na paghinga. I can't contain how delighted I am to see her shocked face like that.

Shit s’ya. Mas mabuti nga sa kanya. Uulit-ulitin ko 'to, hanggang sa magsawa ako. Ang lagay ba, ako lang ang magkikimkim ng galit? I want her to feel hate too. That G-d damned hate…my hate for her.

"Bastos ka!" Tinampal n’ya ang kanang pisngi ko."You perv!" Sinuntok din n’ya nang pagkalakaslakas ang aking kanang braso.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Masakit 'yung suntok, pero hindi ako natinag. Sa halip, tinawanan ko lang s’ya para lalo s’yang mainis. I’m visibly laughing at her, but I am laughing even harder deep inside. I can't believe I could actually enjoy her company in this manner.

"Anong bastos do’n? Either pa-cute, pakiyeme o plastic ka lang talaga. Kung hindi ba ginawa 'yun ng mga magulang mo, nandito ka ba sa mundo?!"
"Huwag mo ngang maisali-sali ang parents ko ritong hayup ka! Eh ikaw nga e, kung anong ikinabait ng mga magulang mo, s’ya namang ikinasangsang ng pag-uugali mo, demonyo!"

"Ako? Demonyo? Sa g’wapo kong 'to?” nginisian ko s’ya, "Baka kapag pinakitaan kita ng tunay na demonyo, sumiksik ka pa sa kili-kili ko."

"Ang kapal mo talaga! Di hamak naman na mas g’wapo si kuya Paolo sa 'yo, pero kung makapagsalita ka, pakiramdam mo, ikaw na ang 'pinaka' sa mundo! H’wag ka ngang feeling diyan!"

Holy…shit!

Bakit ba isiningit na naman n’ya ang pangalan ng Paol—Argh! Alam kong wala namang kasalanan 'yung tao, pero naramdaman ko ang biglang pag-akyat ng dugo sa utak ko.  Ewan ko. Pero parang nag-iba ang timpla ko. Nage-enjoy na sana akong asarin s’ya, nabawian naman n’ya ako agad?

Tangina.

Bakit ba kailangan n’yang banggitin ang pangalan ng taong 'yun? Ano bang meron ang taong 'yon na wala ako?
Ahhh! Whatever. Kung ganyan ang gusto n’yang labanan. Sige. Magkasubukan na kami.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon