KABANATA 11

63.8K 1.3K 101
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Tumigil ka na nga sa kaaatungal mo, Jordanna!" Singhal sa akin ni Andre. "Susungangain na kita ng labakara gusto mo?!" Umirap s’ya; nakapamaywang. "Nakakaloka ka! Sasagot-sagutin mo agad, tapos ngangawa-ngawa ka r’yan ngayon?!"

"Eh pa'no naman, Drey. Ang plano ko talaga pahihirapan ko muna s’ya dahil sa mga lintek na atraso n’ya sa akin, pero..." muli akong umatungal nang todo. Mabuti na lang talaga't walang tao sa classroom na tinambayan naming dalawa.

"Pero ano?"Nakataas ang isang kilay n’ya, "Hinalikan ka n’ya, nasarapan ka, kaya sinagot mo s’ya in two days?” humalakhak s’ya na tila nang-aasar.

Lalo akong umatungal.

"Ano ba 'yan Jordanna?” tila naiirita na s’ya; tumitingin-tingin sa labas ng classroom. "Tumigil ka na nga sa kangangawa d’yan! Mamaya n’yan may makarinig pa sa  ‘yo at mapagbintangan pa ang byuti ko na minumolestiya kita! Kakaloka ka, batukan kita r’yan eh!" Bago n’ya binulatlat ang kanyang chinese hand fan para magpaypay.

"Anong gagawin ko, Drey?” humihikbi ako, "Babawiin ko ba?"

"Gaga ka ba?!" Pinandilatan ako ng mata ng g’wapong bakla, "Bakit mo naman babawiin? Bakit? Hindi mo ba s’ya mahal?!"

Natigilan ako. Napatanga sandali.

"Hoy!" Bulyaw n’ya; napa-iktad ako. "Ang tanong ko, kung hindi mo ba s’ya mahal?!"

"M-mahal." Napapayuko ako.

"Oh eh 'yun naman pala eh. So, ano ang inaarte-arte mo r’yan?"

"Eh baka sabihin n’ya easy to get ako eh."

"Ewan ko sa 'yo!" Umirap s’ya, "Halika na nga do’n sa parking lot, at baka naro’n na ang...boyfriend mong...ayyyy! Talaga naman oo! Kung ako sa 'yo, nanamnamin ko na lang s’ya every second of every day." Pumilantik na naman ang kanyang mga galamay.

"Ayoko." Sambakol ang mukha ko.

"Anong ayaw mo?"

"Ikaw na lang ang maghatid sa akin pauwi."

"Gagang 'to!" Binatukan n’ya ako. "At ano? Pagmumukhain mo s’yang tanga sa kahihintay sa parking lot?"

"Ah basta!"

"Umayos ka Jordanna ha? Ang arte-arte mo, Kalurkey ka ha! Kung kaladkarin kaya kita r’yan, gusto mo?"

"Eh paano kung dahil sa mabilis ko s’yang sinagot, mabilis din n’ya akong iwan?” animo’y ginusamot na papel ang mukha ko, "Uunahan ko na lang s’ya, makikipag-break na 'ko mamaya."

"Gaga! Sino ka? Si Brittney Spears?” muli n’ya akong pinamaywangan at pinandilatan.  "Tumayo ka nga d’yan, ayusin mo ang sarili mo! Harapin mo ang nobyo mo 'no! Kapag hinalikan ka ulit, pumikit ka! Kapag hinawakan ulit n’ya ang dibdib mo, dakmain mo rin 'yun 'ano' n’ya! Ewan ko na lang kapag hindi pa kayo nag-enjoy!" Muli s’yang humagalpak ng tawa.

"Ang bastos mo." Hinapas ko ang kanyang maskuladong braso.

"Anong bastos? Ganun talaga 'yon no? Ang hirap sa 'yo wal—"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon