Chapter 1 - here comes trouble

92.3K 1.4K 88
                                    

SKY's POV

"Wow, ganda naman ng anak ko. For sure kung nandito ang Papa mo, matutuwa yun. " Maluha luhang sabi ni Mama. She sure is a very proud mom at di ko masisisi si mama. Being a commoner and be able to study in school for the elite maybe one of our biggest achievements.

"Mama naman eh. Wag ka na nga pong umiyak. Papasok na po ako. Wish me luck." Pagpapaalam ko kay Mama habang pinupunasan ko yung mga luhang nagbabantang pumatak. Kiniss ko lang siya sa cheeks at saka umalis.

"Anak, sabihin mo sa akin pag may nang-away sayo ah..reresbakan ni Mama." Pahabol niya at sinagot ko lang siya ng isang matamis na ngiti. I may not have a wealthy living but at least I got the best mom in the world. That makes my life perfect I guess.

Walking distance lang naman ang school sa bahay namin kaya hindi na ako mahihirapan pang magbyahe tuwing umaga o kaya'y makipagsiksikan sa pagsakay sa jeep. Besides feeling ko di ko rin kayang magbyahe ng suot ang uniform na ito. The skirt isn't long but not too short as well. It's just three inches above the knee at long sleeve naman ang blouse na pinapatungan ng vest at pag-ibang araw ay coat. I also wear knee high socks and black shoes but I still feel uncomfortable since I'm not used to wear such uniform.

Habang papalapit ako sa main gate ng school ay dumadami din ang pumapasok na magagarang sasakyan. May mga sports cars, vintage cars, Volkswagen, Lamborghini, name it and this school can give it. That simply defines how rich these students are. I wonder kung may pumapasok pa ba dito ng naglalakad tulad ko.

"Miss, may I see your I.D please?" sita agad sa akin ng guard nang marating ko ang kabilang gate ng school kung saan pumapasok ang mga studyante. Mas kaunti ang dumadaan dito kumpara sa daanan ng mga sasakyan. The guard swiped my I.D in a machine at saka ito lumingon sa akin.

"Miss intayin nyo na lang po yung susundo sa inyo dito mula sa office of the President." He guided me towards their office and instructs me to sit on their sofa while waiting for my tour guide. Agad namangha ang mata ko sa mga furnitures na nasa loob. Are they sure na office ito ng mga guards? Their sofa has a higher quality than the one in our house tapos fully air conditioned pa. Now I know why they use vest as part of the uniform.

Sandali din lang ay dumating ang isang babae na marahil ay nasa mid-30's na. She smiled at me, maybe she's my tour guide that they are referring to.

"Good morning po" may ngiti kong bati sa kanya at ginantihan lang din ako ng ngiti.

"Good morning, please follow me. Mr. President wants to talk to you."

Sumunod naman ako sa kanya. Kung ano anong pasikot sikot ang dinaanan namin. Kung di ko siguro sya kasama ay kanina pa akong naliligaw. I feel so uncomfortable with those eyes staring at me like I'm an alien na napadpad sa school nila. But I care less; as long as they're not harming me then everything will be fine.

We stopped in front of an intercom and she clicked some buttons before she speaks. "Sir, Ms. Hanston is here."

"Let her in" tugon naman nang nasa kabilang linya.

"Mr. President is waiting inside" Sabi nito at iginiya ako sa loob. She smiled before leaving the room.

"Good morning Sir." Magalang kong bati sa ginoong nasa harapan ko. Ngumiti naman siya at tinuro ang upuan sa harap ng table nya. Bakas sa maaliwalas nitong mukha ang pagiging mabait at may halong pagkastrikto.

"Welcome to our school, Miss Hanston." Naupo ito ng maayos ang ipinatong ang siko sa table nya. His voice suddenly brings chills down my spine. I've never been nervous for quite a long time, ngayon na lang ulit; sa harap ng presidente ng pamantasang ito.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora