Chapter 17 - cheaters?

27.3K 696 17
                                    

SKY's POV

"Two among you got perfect score in the exam, 8 passed and the rest, failed." Ipinamigay na ng teacher namin ang mga naging resulta. Somehow I feel sad, di ko kasi nakuha ang target ko na all pass. Mukhang kailangan pang pag-igihan ang pag-aaral.

"Brian ano nakuha mo?" agad silang nagkumpulan at nagkumparahan ng marka. I wonder who got another perfect score aside from Xander. I only got 98% kung di dahil sa erasure malamang naperfect ko na din.

Brian got 85, Xander is as usual 100, Drew got 87, Trevor got 69, Nathan got 74 and Drei got 68. Yung iba pa naming kaklase ang nakakuha ng higit sa 75 at sa buong klase walo lang ang pumasa pero kung makapagcelebrate sila parang naperfect nila.

"Wooo!!! Galing!! Trevor at Drei habol habol din." Mapang-asar na wika ni Brian na tinawanan lang naman nila. Huling nag-exam ng araw nay un si Drei dahil inihatid nya pa ang kapatid nya sa airport, ayun tuloy sa office sya ng principal nag-exam.

"Bakit ang sasaya na nila sa ganung grade? Di ba sila nag-eexam dati?" I asked Xande who is currently busy with his phone again. I thought din a ako papansinin but this time ibinaba nya ang phone nya at tumingin sa akin.

"50, 62, 51, 59. Dyan naglalaro mga marka nila nuon." Halos malaglag ang panga ko sa mga narinig kong marka. 50? Grade yun ng 0 ang nakuha. Ano ba talagang pinaggagagawa nila sa buhay at umabot ng ganun ang grade nila?

"What percentage did you get?" he asked without looking at me and again just staring at his phone, but I know that question was for me.

"hmm, 98" tumango tango lang naman sya. Nabaling ang atensyon naming nang magsilapitan ang lahat sa isa pa naming kaklase.

"WOW!! SYA ANG NAKAKUHA NG ISA PANG 100!!" hindi makapaniwala na pahayag nila at saka chineck ang papel. Tumakbo sila papalapit sa amin at kinuha ang papel ko at papel ni Xander para pagkumparahin.

"98 ka lang Sky?" nilang nya lang ang 98 ko kumpara sa 74 nya. Napailing na lang ako kay Nathan.

"Anong ginawa mong pag-aaral?" sari saring tanong ang ipinukol nila kay Yvo. Bakit ba ang laking issue na naperfect nya ang exam? Kung mag-aaral lang din sila ng maayos at magiging maingat malamang lahat sila ganun ang makukuha.

"50 to 100. I wonder what trick did he use?" napatingin lang ako sa mga sinabi nya. Pati ba naman sya hirap na paniwalaan?

"And, Mr. Enriquez and Mr. Montgomery please go to principal's office now. Together with your test results." Agad na nabaling ang atensyon ng lahat sa dalawang taong nabangit.

"Baka icocongratulate personally?"

"Oo nga, baka sa lahat ng nag-exam sila lang nakaperfect?" iaba iba ding suhestyon ang meron sila ngunit iba ang kutob ko.

"Sigurado ba kayong naedit nyo ang video at cctv?" muling tanong ni Drei. After that incident sa school that night ilang araw na ang nakakalipas ay ginawan kaagad nila ng paraan na maedit ang mga video sa cctv cameras upang hindi malamang andito kami sa loob ng school. Agad namang tumango sina Trevor.

Nagpatuloy na lamang ang magulo nilang usapan at pagkukumparahan ng marka habang hinihintay ang pagpila sa field para sa flag ceremony. 8 pa ng umaga iyon magsisimula at 7:30 pa lamang kaya't nagsimula na lamang ng seset ang teacher naming ng gagamitin nya para sa klase mamaya.

Hindi na bumalik pa ng klase sina Yvo at Xander at kahit sa pila dito sa field ay wala sila. Anon a kayang nangyari sa dalawang iyon?

"Good morning everyone. I want to congratulate everyone who passed the preliminary exam and to those who does not you better study harder. I have good and bad news for everyone. The good news is that we will be holding our field trip next week in Cave of the Wasps, in Belgium. But sad to say, not everyone will be able to join. One whole class will not be participating for commitng a major offence. Two of the students in that class was found out cheating in a way that they copied the key to correction of the exam. I was very disappointed for He is being on top every school year. Class 4F will not be going to field trip and Mr. Yvo Enriquez and Mr. Alexander Montgomery are suspended for a week. That's all and you may now go back to your respective classrooms." Para kaming nasabuyan ng malamig na tubig sa buong katawan. I am not disappointed dahil di kami makakasama sa field trip pero mas malaking nakakapagtaka ang masuspend sina Xander. Nagbabalikan na ang ibang estudyante sa kanikanilang classroom ngunit naiwan kaming nakatayo sa aming kinalalagyan.

"Panong nagyari yun?"yan ang tanong ng lahat. Hindi ako naniniwalang nagawa nila ang bagay na iyon. Xander can get perfect scores in any exam without cheating. Ganun sya katalino kaya't imposible ang ipinaparatang sa kanila.

Agad kong nakita ang taong sangkot sa nasabing pandaraya. I should know what is the real story behind.

"Yvo!!" tawag ko sa kanya ngunit tila wala itong narinig kaya't binilisan ko ang pagtakbo para abutan sya.

"Yvo." Hingal ko syang nahawakan sa braso. Buti naman at tumigil na sya sa paglalakad.

"Kung andito ka para pulaan ako makakaalis ka na dahil di ko kailangan ng bagay na iyon." Hindi ito lumilingon sa akin at akmang hahakabang na muli.

"Gusto kong malaman ang nangyari. Sabihin mo sa akin na di totoo ang mga sinabi ng Principal. Alam kong di nyo magagawa iyon." This time humarap na sya sa akin at may nakakapanlokong ngiti.

"Ganyan ka ba katanga? Totoo ang sinabi nya, kinuha ko ang key to correction ng exam. Masaya ka na? Nang dahil sayo, naging magulo at mas mahirap na ang lahat." Inalis niya ang pagkakakapit ko sa braso nya at tuluyan nang umalis. Kasalanan ko? Bakit ba tuwing magkakaroon ng problema parating kasalanan ko?

Nilibot ko ang campus hoping to see him. For sure others are also looking for him. Sa panahong ganito kahit na sabihin pa nating matatag o matapang ang isang tao makakaramdam pa din sila ng lungkot.

"Di ko akalain na nagta.top ! lang pala sya sa pandaraya. Basagulero na nga wala pang laman ang mga utak." Alam ko kung sino ang tinutukoy nila but this time wala akong oras na makipagtalo sa kanila.

"Nakita nyo si Xander? Asan sya?" nabigla ang dalawang babaeng nag-uusap sa pagkakahablot ko sa braso nila.

"Hands off" agad ko namang binitiwan sila at nag-intay ng sagot.

"nakita naming syang paakyat ng roof top. Baka tatalon na sa sobrang kahihiyan. He..."hindi ko na sila pinatapos at nagtungo na sinabi nilang lugar. Hindi ko ininda ang hirap ng pag-akyat sa hagdan. Malamang ay nang dahil sa adrenalin rush. Kung ano anong tumatakbo sa isip ko ngayon. Pero bakit nga ba mas higit pa akong naaapektohan sa kanila?

Nilibot ko ang paningin ko sa buong roof top at nahagip nito si Xander na nakaupo sa labas at nakasandal sa railings. I don't know what's happening to me. I can't understand myself. I just ran towards him and hug him tightly. So that he can share his sadness? So that I can prevent him from jumping? So that I can protect him? I don't know. I just want to do it.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu