Chapter -- - countdown to real fight

26.3K 706 15
                                    

 

"The good thing is that we will not tackle quantum anymore. Maybe you'll encounter that when you take up college but as of now let's discuss Bouyancy." Some just yawned at her. Sino nga ba namang matinong teacher magkekwento ng mga topics na hindi naman pala namin ididiscuss. Nasayang lang tuloy ang oras. Mamaya din naman ay time na at wala syang nadiscuss na bago.

It didn't take half an hour and the bell rang. Guess what? Hanggang meaning lang ang naituro nya. Kaya naman tinulugan na lang ni Xander at ang iba naman ay nagkekwentuhan lang ng kung anu-ano.

"Good morning" Napukol ang attensyon namin sa isang kagalang galang na tao na pumasok sa classroom namin. Sa ilang buwan kong pananatili dito sa school ito pa lang ang pangalawang beses na nakita ko si Mr. Montgomery. Hindi ito gaanong kahawig ni Xander dahil mas kamukha ni Xander ang mama nya. Ngunit hindi rin naman maitatanggi ang pagkamatipuno ni Mr. Montgomery.

Walang tumugon sa bagong dating sa halip ay umuli lang ang mga mata nila kay Mr. Montgomery at kay Xander. I wonder what will be this very important announcement is na talagang personal pang tinungo ng may-ari ng paaralan.

"Exactly two weeks from now will be the awaited National Exam. As a preparation to that, you will be given a pre-National exam next week. I am expecting a good result from that for it will also be a hint on what will be the result of the official exam. And Ms. Hanston I hope you still remember our contract. Any questions?" No one asked question. They remained silent which is so unusuall. Kapag si Mr. Perez ang nandito at kinakausap sila kung makapag-ingay sila at makapag-away ay para silang mortal na magkaaway but this time they behave like they really respect the one in front. Mababakas sa itsura nila ang pagtataka at pag-iisip kung anong kontrata ba ang tinutukoy ni Mr. Montgomery.

"That's all, I hope you'll prepare for the upcoming exam and don't cause any trouble." Umalis na din kaagad si Mr. Montgomery. He's really authorative, kahit ang delinquents' ay tumiklop sa kanya.

"And what fuckin' contract was that?" Inis na tanong ni Xander sa gitna ng nakabibinging katahimikan. I wonder why Mr. Montgomery mentioned that one when it should be only between the two of us.

"If we got the first place I'll stay and graduate here and be a scholar until college and I can go to any university that I want but if we don't I'll leave the school." That the simplest way to summarize our contract. It's actually all or nothing. Xander just tsk-ed as if we've lost kahit wala pang nasisimulan.

"And why the hell did you agree to that?" Napatingin ako sa kanya. What kind of question was that?

"And why the hell should I not?" Balik na tanong ko. Hindi ko alam kung anong rason ang dapat sabihin kung bakit hindi ko dapat iyon tinanggap. Kahit na alam ko na noon na last section ang makakasama the moment na malaman kong andito ang top one ng school ay naging confident na ako namagagawa namin. Nagduda man ako noong una nab aka hindi naming magawa lalo na noong makita ko ang mga scores nila ay agad ding nagbago at nawala lahat ng pangamba ko dahil may tiwala akong malalampasan namin lahat ng ito.

"Simply because we can't. Hindi man lang ba nila sinabi kung saang grupo ng mga estudyante ka sasama? Hindi mo man lang ba tinantsa kung makakaya ng mga kasama mo o hindi? Hindi ka na ba nag-isip?" He said out of frustration. Pati ang iba ay nagulat din sa sinabi nya.

"They did. They told me na last section ang sasamahan ko. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong naging confident pa din ako ngunit tinanggal ko ang pangamba na yun at lahat ng mga negative thoughts dahil gusto ko pa ding sumugal. At lalo kong pinanindigan ang desisyon ko noong makita ko kayo simply because I'm serious when I told you I trust you. I trust all of you. At saka wala ka bang tiwala sa kanila? Why did you judge your group as easy as that?" Nagbaba lang ito ng tingin ngunit hindi rin naman umangal ang iba.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Where stories live. Discover now