special Chapter: vii

22.3K 533 125
                                    

Third Person POV

Ilang beses na paulit ulit na tiningnan ni Mich ang cellphone niya. Kanina pa nitong hinihintay ang kaibigan ngunit hindi pa din ito bumabalik. Drew and Xander excused themselves a while ago kaya't si Mich at si Sheilla ang naiwan sa upuan.

"Is everything okay?" Tila napansin ni Sheilla ang pagkabalisa ni Mich. 

"I texted Sky and hindi pa din sya bumabalik. Sabi nya may tatawagan lang sya saglit." She answered politely. Though she's aware of their issues ay pilit nitong inilalayo ang sarili sa gulo. Alam nitong tiniis din ni Sky ang init ng ulo ng dahil sa pagpunta ni Sheilla at Xander sa party. 

"I didn't know that we are attending the same party. Nabigla na lang din ako kanina na si Xander ang sumundo sa akin sa hotel. It's supposed to be his cousin." Sheilla started another conversation. Hindi man nito ipahalata ay ramdam niya ang ilang sa buong grupo. Hindi rin niya maitatanggi na hindi maganda ang naging unang impresyon niya sa grupo. 

"It's okay, it's just that it's still, you know,  awkward. Lalo pa at bestfriend ko si Sky and.." Mich was about to add something when her phone rang and luckily it's from Sky. 

She excused herself and answer the call. "Nasaan ka ba?" Inunahan agad nito ng tanong nang masagot ang tawag ngunit halip na ang kaibigan ang sumagot ay tinig ng lalaki ang narinig nito.

"Who's this? Where's the owner of the phone?" Kabadong tanong nito sa kabilang linya. Naalarma din naman si Sheilla. Hindi na nadalawang isip na hanapin ni Mich ang dalawang kasamahan matapos maputol ang linya. Nilibot nito ang paningin sa loob ng buong bar. "Bakit ba kung kailan sila kailangan saka nawawala?" Nasabi na lamang ng dalaga sa sarili. 

"Xander, Drew si Sky!" She exclaimed as soon as she found the two guys who are enjoying themselves at the back part of the bar. Halata naman ang pagkabigla ng dalawang binata lalo na at bakas sa mukha ni Mich ang pagkataranta. 

"Naaksidente si Sky." Hindi na humingi pa ng kahit anong explanasyon si Xander at agad itong tumakbo sa sasakyan ni Drew. He was about to go to the driver's seat nang pigilan sya ni Drew.

"I'll drive." Simpleng wika ni Drew at sandaling nagkatitigan ang dalawa bago tuluyang umikot papuntang passenger seat si Xander. Malalim ang pagkakaibigan ng dalawa para magka-intindihan sa tingin pa lamang. Alam ni Drew na hindi kalmado si Xander at maaring bumalik pa ang trauma nito sa sasakyan. 

Agad na pinaharurot ni Drew ang sasakyan paalis sa bar na iyon papunta sa pinangyarihan ng aksidente. 

"Explain what happened." Xander commanded. Mahigpit na napakapit si Mich sa telepono at tinitigan ang contact number ni Sky checking if it is really her number. Hindi ito makapaniwala sa mga nangyari. Kanina ay kasama pa lamang nila ang dalaga. Sa isang banda ay sinisisi nito ang sarili sa pagpayag na iwan ang kaibigan.

"I've been calling her a while ago and even sent text messages but she's not replying. Then a while ago habang kausap ko sa Sheilla bigla syang tumawag. I thought it was her but a man answered. He said na naaksidente ang driver ng sasakyan. Nagpakilala itong pulis at sinabi kung saan naaksidente. Kasalukuyan daw nilang pinag-aaralan ang aksidente at naiwan ni Sky ang cellphone sa sasakyan." Maluha luhang wika nito. Tahimik na napamura si Xander. Hindi nya akalaing hahantong sa ganitong pangyayari ang maliit na di pagkakaunawaan. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Palagay nito ay labis na naapektohan ang dalaga sa mga nangyari sa Bar at sa kanilang dalawa nitong nagdaang araw. Idinagdag pa na umalis ang dalaga at nagmaneho ng nakainom. 

Agad din naman silang nakarating sa lugar ng pinangyarihan. Nagmamadaling bumaba at tumakbo si Xander sa sasakyan. Basag ang unahang bahagi ng sasakyan ng kasintahan at ganoon din ang sasakyan na nasa harapan nito. Nasa tamang linya ang sasakyan ni Sky. It's obviously the other driver's fault. "Where's the owner of this car?" Agad na tanong niya sa pulis na naroroon. He had a glimpse of the car inside and saw a stain of blood and the phone inside. Maging ang sapatos ng dalaga ay naiwan sa loob. Tila isang alaala ang bumalik sa isipan niya ngunit sa ibang tao naman nangyari. 

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Where stories live. Discover now