Special Chapter: v ( a day without him)

23K 543 128
                                    

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? Matagal na noong huli namin syang nakita at nakasama. At  isang araw pa lang naming nalaman na wala na pala talaga sya. Kaagad naming kinontact ang lahat ng mga kakilala namin na kaibigan ni Yvo. It looks like an early reunion for all of us. But instead of talking about how we are now, our main topic is how we are, when we was still with us. 

I am sitting beside Ace while Xander is talking to Yves. Right after naming malaman ang nangyari kay Yvo, tinawagan namin silang lahat at kaagad na pinapunta sa bahay nina Yvo kung saan naganap ang burol nito noon and kung nasaan ang mga abo nya ngayon. Mag-isa na lamang si Yves sa tirahan nila ngunit hindi din ito madalas umuwi dahil may trabaho ito sa Puerto Galera kung saan ko sya unang nakita. Nasa ibang bansa naman ang mga magulang nito. We are all wearing a shirt stating "we will miss you Yvo, 'till we meet again.". Our first non-oganizational shirt na pareparehong meron kami. It looks like a class shirt maliban na lamang sa nakasulat. May extra shirt din kaming pinagawa for him.

"Thank you everyone, sa effort, sa pagpunta dito and sorry for informing you nang ganito na kalate. My brother is gone for three years already and I never thought na magkakaroon pa ng ganitong event for him. Sad to say, my parents won't make it because of the short notice pero mag-is-skype na lang tayo para makita at marinig nila. Pero ipinararating nila ang taos pusong pasasalamat for this, for my brother." Yves started. Tumayo na kaming lahat to start the program and Yves lead the prayer as well. Tumabi na din sa akin si Xander matapos silang mag-usap ni Yves kanina. 

The eulogy started with Jayson giving his message and sharing his memories of Yvo with everyone. Yvo's parents are also listening via Skype at nakaupo naman malapit sa laptop si Yves.

"Yvo is a mysterious man. Siya yung tipo ng tao na misteryoso pero napakababaw. A simple corny joke for others but I swear bentang benta sa kanya. I knew Yvo for quite long years. Kami kami pa nina Xander, Gavin, Drew at Yvo ang magbabarkada. At sa aming lahat, siya din ang pinakamahina. I mean you look at Yvo and hindi mo iisipin na may ganoon siyang side. Look at him and you might think he's a nerdy guy who doesn't even have friends. Ganoon ka-deceiving ang itsura nya. But to tell you honestly, lahat yun front act lang nya. He's a warrior, a fighter. Yvo never did tell anyone about how does he feels. Makikinig lang sya sa isang tabi at iimik kapag tinanong mo." Ace suddenly stopped and looked at the ceiling. Pinipigilan nya ang pagpatak ng mga luha. I looked around and saw everyone. Mapula na din ang mga nila kakaiyak. These young men are crying for a friend. Three years, yes, matagal na pero yung sakit nung malaman namin ay para bang kanina lang nangyari ang lahat.

Kumuha si Ace saglit ng tissue and continued. "Alam nyo ba kung ano yung masakit tanggapin, bukod sa wala na, yung fact na ang tagal ko nang kilala si Yvo pero yung hardest part of his life saka pa ako nawala. Yung panahon na sana pala hinanap ko agad siya instead of nakontento sa balitang masaya na sya. Ang kaibigan daw kasi, sa hirap at ginhawa magkasama. Kaso when we thought na ending na namin ang araw na iyon, nawalan na din kami ng contact sa isa't isa. Nakulong ako, naospital sya, akala ko noon hanggang doon na lamang ang pagkakaibigan namin kaso hindi pala. I was there noong nabaril sya pero hindi ko nagawang lumapit. Nandoon ako noong isinasakay sya ng ambulansya and the saddest part was seeing him smile at me like telling me everything will be alright. Yun na pala ang huli naming pagkikita. Kaya kung nasaan ka man Yvo, I want to thank you for everything. Hindi atin ang tipo ng pagkakaibigan na gala dito, pasyal doon. Our friendship is deeper than that. And I also want to apologize, for not being by your side."He ended hid speech at muling naupo sa tabi ko. Xander pat his back. 

I stood up and hold a paper where I wrote my message for him. Inilagay ko sa papel para sigurado kong mababasa ko lahat at wala akong malilimutan. But the moment I looked at the paper, naging blur ang lahat. I couldn't even utter any words. Rinig ko rin ang pagpigil ng ilan sa kanilang mga luha. 

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Where stories live. Discover now