Chapter 5 - Knight in rusty Armor 2

33.5K 934 17
                                    

SKY's POV

Malamig ang simoy ng hangin but I can still feel his warm arms wrapping my body a while ago. Marahil ay dahil sa jacket nya na suot ko ngayon. I can say, that was one of the safest and the most comfortable place a while ago.

"Thank you" I managed to say. I stared at him kahit di sya lumingon sa akin. Magkatabi kami ngayon sa may bench sa hindi ko alam na lugar but this place is so comforting. Para itong maliit na park sa gilid ng syudad. I'm still holding this juice na binili nya kanina at nasa gitna namin ang first aid na binili din nya. Nakatingin lang sya sa nakaparada nyang motor sa bandang haparan namin at tila malalim ang iniisip. Malayo na ang itsura nya sa malahalimaw na itsura nya habang binubugbog at iwang walang malay ang lalaking nagtangkang gumahasa sa akin.

"Sino ba namang walang utak ang maglalakad ng mag-isa sa dilim sa ganitong oras at kababaeng tao pa?" Napangiti na lang ako. May point naman kasi sya napakacareless ko para hindi isipin ang sarili ko.

That was the scariest point of my life. Akala ko ay katapusan ko na. Not until he appeared and saved me. Hindi ko akalain na ililigtas nya akong muli sa pangalawang pagkakataon.

"Thank you ulit, pero teka bakit ka nga pala napunta doon?" if it wasn't because of him baka natuluyan na nga ako. Pero kasama sya nina Drew kanina kaya malabong maligaw sya dito.

"Can't you just be thankful that I saved you kung iyon ang iniisip mo and stop asking irrelevant questions?" He asked at saka kinuha ang kit at lumuhod sa harap ko para simulang gamutin ang mga gasgas ko.

"I already thanked you saka masama bang magtanong?" He just tsked at pinagpatuloy na ang ginagawa nya. Hindi na din ako umangal pa dahil wala din akong lakas na gamutin pa ang mga iyan. My hands and body are still trembling because of what happened.

After nyang gamutin ang mga galos ko sa binti at paa ay sunod nyang nilagyan ang nasa mukha ko. Di ko na namalayan na nagkapasa pala ako sa natamo kong sampal at mahihigpit na kapit kanina. It's still a nightmare for me but then suddenly a knight in rusty armor appeared and saved me. Another Damsel in distress story, cliché isn't it? But made me feel so safe just like what is happening in fairy tales.

His dark brown eyes, pointed nose, kissable lips, long hair and well built body; who would have thought that this person in front of me has this side. I hope everyone will know their other side and I'm also willing to know and witness every side of them.

"What are you staring at? I would like to hear how you praise me." He then smiled. Tsk. Okay na sana self-conceited lang.

"Praise or cursed?" bawi ko naman sa kanya. Tumayo na sya at ipinatong ang kit sa bench at saka nagtungo sa motor nya para ayusin ito.

"You will not curse the man who saved you." Iniabot nya helmet sa akin at sumakay na sa motor nya.

"Suot mo to. Ituro mo na lang sa akin ang daan." Nanlaki ang mga mata ko. Una tinulungan nya ako tapos ngayon ihahatid nya ako?

"Ihahatid mo ako?"

"Bakit kaya mong umuwi mag-isa?" pagbabalik nya ng tanong sa akin.

"Sungit" Bulong ko na lang at saka sumakay sa motor nya. Kailangan ko nang magbigay ng magandang dahilan kay mama. Nadapa? Nadulas? 

Hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo nya ng motor. Amoy na amoy ko din ang pabango nya. Kahit na pinagpawisan ay mabango pa din sya. Anak mayaman talaga, samantalang pakiramdam ko amoy mandirigma na ako.

"Liko mo sa kanan tapos yung puting gate!" Sigaw ko dahil nakahelmet ako I just hope naintindihan nya yun.

Huminto naman kami sa lugar na sinabi ko at nakita ko na nga si Mama na nag-aabang sa harap ng bahay.

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon