Chapter 8 - the awaken monster

30.8K 846 18
                                    

SKY's POV

"You are no different from the rest." Hanggang ngayon yan pa din ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ko naman ginusto na ilaglag sila. Sabi naman ni Mr. Max at ng principal na kakausapin lang nila. Atleast ginawa ni Mr. Principal ang pinangako nya. Hindi niya sinuspend yung lima, pero kapalit noon ay ang laking galit nila sa akin.

Kanina pagpasok ko ng classroom, lahat sila nakatingin sa akin na para ba akong criminal. Parang napakalaking bagay nung ginawa ko, pero para din naman iyon sa kanila.

"Drew, pwede ba tayong mag-usap?" I approached Drew. Of all the people in the room, I think si Drew ang makakaunawa sa ginawa ko.

"Not now, Sky. Whatever your reason is, save that. Gagamitin mo din iyan, pero hindi sa ngayon." Matapos yun ay nilampasan nya na lang ulit ako. Gagamitin? Saan naman? Ngayon nga nila dapat malaman ang reason ko.

Nilibot ko ang paningin ko sa classroom only to find out na wala dito si Brian. Of course, sa laki ng galit nya sa akin hinding hindi nya naaising makita ako, or worse ako ang maalis sa school na ito. Lalaki pa din sila. Who knows what their next move will be.

I was about to sit on my chair nang dagasang bumukas ang pinto namin kaya't nabaling ang atensyon ng lahat doon."Si Brian!! Mapapatay na nya yung lalaki pag di pa sya tumigil." Hingal na sabi nung classmate namin. Ma..mapapatay? Agad na tumayo sina Drew at tinungo kung nasaan si Brian.

"GAGO KA!!! Tang*na. Puro ka salita, ANO!! HA!!" Nakaupo sa ibabaw ng lalaki si Brian at patuloy pa din ang pagsuntok nito. Di sya tumitigil kahit puro dugo na yung lalaki. Tila isa itong matapang na leon at hindi iiwanang buhay ang kanyang biktima.

"BRIAN!!! Tama na yan." Agad na umawat ang buong barkada nya pero para syang nababaliw at walang napapakinggan. Naglapitan na din ang lahat sa kanya at pilit na inaalis yung lalaki na hinang-hina na.

"BITAWAN NYO NGA AKO!! WAG KAYONG MAKISALI KUNG AYAW NYONG MADAMAY!!!" sinuntok nya na din ang humahawak sa kanya dahilan para matumba si Drew sa sahig at nagtatakbo ulit palapit dun sa lalaki. Xander blocked him and punched Brian as well but it's still not enough. Kahit si Xander ay hindi pinapakinggan ni Brian. Ibinalik lamang ni Brian ang binigay na suntok ni Xander dahilan upang mapasalampak ito sa sahig. Nathan started checking the unconscious man while other are trying to stop Brian and Xander. It's like a total turmoil. Napakagulo na ng mga gamit at maging ang mga studyante ay nagchi-cheer lamang at hindi tumutulong para matigil ang gulo.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at hinarap sya. I'm a woman and they always say I'm weak and fragile but this time I'll show them I'm not. Kung hindi nila kayang pigilan si Brian then I'll do it. Maybe I can do something. In the first place galit na naman sya sa akin kaya walang mawawala. He's uncontrollable at hindi ito magandang tingnan.

He was about to punch Xander again so I ran to him. "Stop. Please." I told him and hold him tight. He suddenly paused for a moment and I thought it was over but I'm wrong he only became more furious.

Hinawakan nya ang magkabilang braso ko at tinulak sa dingding. I cried in pain nang tumama ang likod ko sa pader. Dapat ay isinaalang alang ko ang bagay na ito, but no. Nagpadalos dalos ako. But I don't regret this. Hindi ako nagsisising makisali sa gulo nila.

"iKAW!! ISA KA PA!! ANO BANG ALAM MO?! HUH!! SAMPID KA LANG KAYA MATUTO KANG LUMUGAR." Sabi nito. Ito ang unang beses na nasigawan ako. Isa isang nagbagsakan ang mga luha ko. Sampid? Big word.

"Tama ka, wala akong alam at di talaga ako sa kasali sa problema nyo. Pero ikaw ba may alam ka din bukod sa nararamdaman mo? Natesting mo na bang tumingin sa mga nakapaligid sayo at alamin ang nararamdaman nila para sayo?" I heard Drew saying stop. At alam kong para sa akin yun. Pero matatapos pa ba ito kung walang maglalakas ng loob na ipamulat kay Brian kung ano na ba talaga?

Dealing with the Delinquents (Finally Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن