For You by BTS

1.3K 34 6
                                    


I proceed down the road where your fragrance remain

To this beat that's thrusting in the earphones

A certain memory awaits for me ahead

I look at you....

Then you turn your gaze to me...

My heart skip....

First time to.

Yung magkasalubong yung mga mata natin.

Madalas kasi sa iba ka nakatingin.

Ngumiti ka. Saglit akong nataranta. Ang gwapo mo kasi. Hindi ko tuloy alam kung yuyuko ba ako sa hiya o ngingiti sayo pabalik. Pinili ko yung una. Dyahe kasi eh. Nakita ko yung anino mo. Naglakad ka papalapit. God anong gagawin ko? Mariin akong pumikit. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Biruin mo nga naman sa tagal kitang tinitingnan ngayon mo lang ako napansin. Ilang minuto pa dumilat na ako. Wala kasi akong narinig na nag 'hi'. Di ba ganun naman kapag natipuhan ka ng isang lalake. Lalapit sila tapos mag 'hi' sayo then tatanungin yung pangalan mo tapos pag sobrang type ka talaga hihingiin pa yung cellphone number mo.

Natigilan ako ng mapatapat sa harapan ko ang sapatos na palagi mong suot. Ito yata yung paborito mo. Naggoogle nga ako, ang mahal pala nyan. Kahit pagsama samahin pa ang suot ko ngayon kulang pa ata pambili ng panyo mo. Grabe nasisinghot ko yung pabango mo. Hapon na pero grabe, ang bango mo pa din. Napalunok ako.

"Tabi nga..." natapos ang panaginip ko ng may tumulak sa akin. Nalaglag yung tatlong librong bitbit ko. Buti na lang di nadumihan. Mapapagalitan pa ako ng librarian nito.

"Hoy, wag ka ngang paharang harang. Ang sakit mo sa mata" napaatras ako. Sabi ko na eh. Kung may bida, asahan mo may mangkukulam na eepal. Wala sa loob na napangisi ako. Literal kasi na mukha syang mangkukulam sa kapal ng lipstick nya.

"Anong tinatawa mo dyan? Baliw ka ba" umiling ako at napatikom ng bibig. Nagpipigil na mapangiti uli.

"Tama na yan. Tara na babe" dun ako natigilan. Di makapaniwalang napatingin ako sa kanya. Bakit?

Bakit babe ang tawag mo kay witch?

Mga lapastangan.

Basta na lang syang tumalikod habang nakalingkis sa kanya si witch. How dare you? Humanda ka mamaya. Makikipagbreak na ako sayo.

Oh baby why your far away?

I cant get used to you not being here

It feels like something is missing

I just want the two of us to be together forever

"Hoy. Tulala ka nanaman kay Vice"

"Uwaaaahhhhh. Vince" yumakap ako sa bagong dating kong kaibigan. Ay hindi bestfriend ko pala. Natatawang tinapik tapik naman nya ang balikat ko. Kunwaring sumisinghot ako habang umiiyak.

"Vince magdadate sila nung witch. Nakita mo ba yun? Tinalikuran nya ako. Huhuhu" parang tangang sumbong ko sa kanya.

"Ay naku K. Hindi ka pa kumain ng lunch noh?" Tumango ako habang sumisinghot pa rin. Umiiling na pinat nya ako sa ulo.

"Panu m...mo... nalaman?" Tanong ko.

"Eh umaatake lang naman ang kabaliwan mo pag nagskip ka ng meals. Tara na. Libre na kita" nagliwanag ang mukha ko. Makakatipid na naman ako. Kung kanina para akong sirang umiiyak. Ngayon naman ay para pa rin akong sirang abot hanggang tenga ang ngiti. For sure makakatikim nanaman ako ng favorite ice cream ko.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now