The Runaway Groom

1K 44 5
                                    

{Typos everywhere. No backread. Please check the images for additional feels 😊}
.
.
.
.
.
Napapikit ako. Hindi ko akalaing namiss ko pala ang hangin sa pilipinas. Its been how many years and the pain are still here. Kahit yata kahit saan ako pumunta maalala ko pa rin ang sakit.

Ate Carla calling.....

"Yoboseoyo?" pambungad kong bati.

"Ayy sister nasaan ka na ba?. Hindi ka raw makita ni Albert sa airport"

"Pakibukas naman ng pinto oh. Ang bigat kasi ng mga maleta ko....." hindi ko na natapos ng bigla syang mawala sa linya.

Napangiti ako. May mga bagay pala na namimiss ko pa rin. Kagaya ng kapatid ko na ngayon ay malapit ng ikasal. Actually mamayang gabi na ang engagement party nya at kaya ako napauwi ng wala sa oras ay para kumanta sa kasal nya.

"My god. Sisteret. Miss na miss kita" pagkabukas pa lang ng pinto ay niyakap nya ako ng sobrang higpit. Natatawang niyakap ko sya pabalik.

"Akala ko talaga iindyanin moko sa engagement party ko"

"Sus binibiro lang kita eh. Kahit gaano pa ako kabusy sa Korea, uuwi aki para sayo"

"Thank you talaga." Natawa ako ng may nalaglag na luha sa pisngi nya. Pinahid ko yun at hinalikan sya sa noo.

"Ikaw pa. Eh tayo na lang ang magkakampi eh"

"Ang drama natin. Sige matulog ka muna ng saglit. Alam kong napagod ka sa byahe mo." Tumango ako.

"Sis ikaw na bahala sa gamit ko ha. Ipagising mo na lang ako 2 hour before ng party"

"Sure"
.
.
.
.
"Miss Karylle wala na po ba kayong naiwan?"

"Wala na po manong. Tara na at baka hinahanap na ako ni Ate Carla"

Sa mansyon ni Albert ang party. Ang totoo nyan ay ngayon ko lang makikita si Albert sa personal. Gusto ko nga sanang kilalanin kasi parang ang bilis ng relasyon nila ng ate.

Sa pagkakaalam ko ay composer iyon. Mukhang magkakasundo naman kami since parehu kaming nasa music industry.

"Karylle!!!" Napalingon ako sa sumigaw. Ngumiti ako.

"Omg. Grabe ang ganda mo na"

"Parang sinabi mo naman na ang panget ko noon"

"Gaga hindi. Parang iba lang. Iba talaga ang hangin sa Korea noh?"

"Sira parehu lang"

"Ms K, ok na daw po yung audio." Tumango ako.

"O panu mamaya na tayo magkwentuhan. Kakanta muna ako."

Pumuwesto ako sa may gilid ng stage habang nakaupo sa gitna ang ate ko at ang mapapangasawa nya.

Pumuwesto ako sa may gilid ng stage habang nakaupo sa gitna ang ate ko at ang mapapangasawa nya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now