Sacrifice (Part 2)

1.6K 23 1
                                    

Part Two.....

Pawisan ang buo kong mukha. Dati naririnig ko lang silang nag uusap pero ngayon nagkakaroon na sila ng anyo at hugis. Sino ba sila?

Tumingin ako sa orasan. Pasado alas dos ng madaling araw. Mahihirapan ako sigurado na bumalik sa pagkakatulog nito. Tumayo ako at nagpasyang bumaba upang magtimpla ng gatas. I was still in a haze ng magawi ang tingin ko sa bintana.

Napahawak ako sa dibdib ng makita ang animo hugis taong nakatayo doon. Sa muling pagkurap ko ay nawala na ito. Akmang tatalikod na sana ako ng may kumislap. Natatakot man ay lumabas ako para alamin kung ano yun. Yumuko ako at pinagmasdan iyon.

Isang kwintas na may palawit na letter K. Napakunot ang noo ko. Pamilyar sakin to. Parang nakita ko na ito.

THIRD PERSON POV

Dalawangdaang taon. Ganon katagal ang pinag antay ko. Ngayong muli ka ng sinilang, panahon na para magsama tayo. Bawat lugar at panahon ay nabuhay ako para hanapin ka. Ang katawan kong kahit kelan ay di mamatay. Tiniis kong mag isa sa mahabang panahon. Ngayon nga ay narito ka na.

Di ka nila maaring ilayo sa akin. Tayo ang nakatakda. Noon at maski hanggang ngayon.

Sino ba ang may gustong maging iba sa nakakarami?

Panibagong araw nanaman. Tinatamad man ay bumangon ako. Pagkapasok ko sa banyo ay nagulat na lang ako ng may suot akong kwintas. I tried to reach the lock pero for some unknown readon ay di ko magawa.

Inikot ko ang kwintas trying to see where the lock is. Medyo nagulat ako kasi diretsong lace lang sya. I was busy trying to find another way to remove it when a cold air touches my face.

I looked arround. Parang naging kakaiba ang aura ng banyo ko.  Nang walang makita ay muli kong tiningnan ang kwintas. Kumuha ako ng gunting upang gupitin na lang ito. Nang makitang naputol na ito ay hinila ko. Napangiwi ako ng masaktan dahil sa paghila.  Nagitla ako ng makitang buo muli ang kwintas.

"Don't remove it. That is the symbol of our love" gulat na napalingon ako sa nagsalita. Si Vice.

"Anong ginagawa mo dito?" napaatras ako dahil palapit sya

"I am hurt. Ni hindi ko man lang ako naalala" naguluhan ako sa sinabi jya.

"Hindi kita maintindihan."

"Ang tagal kong nag antay sayo. Dalawangdaan taon." patuloy ako sa pagurong habang sya ay patuloy sa paglapit.

Napahinto ako ng maramdaman ang dinding sa likod ko. Gadangkal na lang ang layo namin sa isat isa. i almost smell his scent.

"I want you to remember me. What we used to have"

Right there and then he kiss me. I felt something familliar with his kiss. Gusto ng isip kong kumuntra pero ang katawan ko ay iba ang sinasabi.

"Viel..." wala sa loob na usal ko.

Saglit syang lumayo at buomg pagmamahal na tiningnan ako.

" Naalala mo na ako?"

"Huh?" I askef in confusion.

"Tinawag mo akong Viel."

"Ako?" tinuro ko pa ang aking sarili.

Parang gusto kong bawiin ang aking sinabi ng lumaglag ang balikat nya. Para syang binagsakan ng langit at lupa.

"I guess, hindi pa"

"Ano bang sinasabi mo Vice? Sinong Viel?" tanong ko. Di nya ko sinagot. Tumalikod sya at binuksan ang pinto ng banyo at lumabas.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now