Momo (Silently) Fahrenheit

1.5K 18 0
                                    

A/N:

Let' s take a break for now. Just for now. This is a special side story that I made. Please listen to the video at the side. Momo means silently in mandarin

(Credits to ToGetHer)
▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

"What? the company freeze all of my activities?"

"Mars you have to understand. Ilang beses ka na rin kasing sumasablay at talagang nakaapekto yun sa popularity mo."

"What are you trying to say ha? Di mo ba alam kung gano kasold out ang concert ko last month?"

"Last month yun nung di ka pa pumapalpak"

"Wow ang labo naman ni Tony"

"Until you learn how to control yourself and be responsible thats the time Tony will arrange everything for you"

Pabagsak na umupo ako sa sofa.

"Pakiabot na nga lang na crackers. Manunuod na lang ako"

Ilang sandali pa ay wala pa rin nag aabot ng inuutos ko. Padabog na tumayo ako at pumunta ng kwarto. Sa labas ng pinto ay nagpakahilera ang mga maleta ko. Nakasimangot na sinita ko si Jon.

"Ano to?"

Huminga to ng malalim bago sumagot.

"The company has decided na eenroll ka muna sa isang university. 1 year lang naman hanggang makagawa ng paraan si tony na maibalik ang popularity mo"

"Teka teka. Your making it sound na ang lala na ng sitwasyon"

"Hindi pa ba Mars? Nablind item ka sa isang tabloid dahil suplado ka raw sa fans at walang utang na loob"

"Excuse me Jon. Let me correct you. Kasalanan nyu kung bakit ako nakasimangot ng araw na yun. Remember?"

FLASHBACK:

Pilit na binababa ng staff ang dulo ng

t-shirt kong suot. Nakasimangot ko syang binalingan.

"Kahit anong hila mo dyan walang mangyayari"

"Sorry po" nakayukong umalis sa harapan ko ang staff.

Sinamaan ko ng tingin si Jon.

"Bakit?"

"Talagang nagtanong ka pa ha. Bakit ganito itong damit na pinasuot mo sakin. One inch na lang pwede ng tawaging hanging blouse to eh." singhal ko sa kanya.

"Pagtiyagaan mo na. Request kasi yan ng isa sa mga die hard fan mo."

"Kahit na. Pwede naman na bigyan ko sya ng autograph or magpapicture na lang kaming dalawa, hindi yung ganito na para akong tanga sa suot ko." reklamo ko.

"Frustrated designer kasi yun at yan yung pinakauna nyang nadesign na ikaw yung inspirasyon nya."

Naputol ang usapan namin ng may pumasok nanaman na staff.

"Sir Mars, Sir Jon. Magsisimula na daw po"

Wala akong nagawa kundi tumayo. Medyo naiilang talaga ako. Bawat galaw ko ay tumataas yung suot kong damit. Ang resulta tuloy ay napapangiwi ako. San ka ba naman kasi makakakita ng lalaking nakahanging blouse.

Picture taking na at maasim pa rin ang mukha ko. Lahat tuloy ng kuha ko ay puro pilit. Dun nagsimula yung blind item na kesyo suplado daw ako.

"Mas mahirap ipaliwanag yung kumalat na pictures mo. Naparatangan ka tuloy na manyak"

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now