I Dare You To Move by Switchfoot

2.1K 45 7
                                    

A/N: We are in a futuristic setting. Mga 2000 years after 2014. At dahil futuristic to, sa picture na lang nakikita ang bagay na meron tayo ngayon. I find this kind of genre unique and exciting so expect this type of updates in the future.

GENRE: SCIE-FI STORY

Monday morning. I looked arround. Fresh air, humming sounds of birds and bees. Perfect na sana kung hindi ko lang alam na lahat ng ito ay man made. I deeply sigh. Today is the day kung saan magdedecide kami kung magiistay ba ako o pipili ng ibang landas.

Napakatahimik ng lugar pero i feel somehow that I am not fit in here. Yung pakiramdam na kahit ito na ang kinalakihan mo ay parang may kulang pa rin.

Bumalik ako sa aking higaan at inabot ang nagiisang librong meron ako. Marahan ko iyong binuksan. Puro larawan ng mundo noon na malayo sa mundong tinitirhan namin ngayon.

People live in a artificial place made by man. Earth has been so much damaged that we need to evacuate and live in a different planet. People are being categorize according to there use sa government.

Para sa matibay na pamamahala, bumuo ang gobyerno ng tatlong faction.

Ang mga Erudite, sila yung grupo ng mga mamayan na may matataas na i.q. Ang madalas namumuno kung paano patatakbuhin ang siyudad.

Abnegation, ang puso ng siyudad o yung mga normal na mga mamayan.

Panghuli ang mga Dauntless. sila ang mga nagtatanggol sa buong siyudad. Matatapang, may mga tattoo at mga laging nakaitim.

Bukas na ang Choosing ceremony. Ang aking pamilya ay nabibilang sa Abnegation pact. Gusto ng mag magulang ko ang normal na pamumuhay. Yung gigising sa umaga at papasok sa trabaho pagkatapos ay uuwi at matutulog.

Ayaw ko ng ganoong buhay. Gusto ko ng exciting at makabuluhan ang bawat oras ko. Araw araw ay dumadaan ako sa market. Doon lagi kong nakikita ang ang mga Dauntless. Napakamalaya nila. Na para bang kahit ano pwede nilang gawin.

Araw araw din ay lagi ko syang nakikita dun. Sa grupo niya, sya yung masasabi kong pinakamakisig sa lahat bukod sa napakatangkad nya pa at masasabi kong pinakagwapo sa lahat.

Di ko maiwasang mapangiti mag isa pag nakikita ko sya. Alam ko sa sarili ko na SYA na. Di na ako makapag antay para bukas.




CHOOSING CEREMONY:

"Karylle Tatlonghari" pagkarinig ko sa aking pangalan ay tumayo ako at umakyat sa stage.

Tinitigan ko ang tatlong bilog sa harapan ko pati na ang kutsilyo sa tabi ng mga ito. Inabot ko ang matulis na bagay. Tahimik ang lahat. Saglit kong tiningnan ang aking magulang na nakaupo s hilera ng mga Abnegation. Ayaw kong malayo sa kanila pero ayaw ko din naman ng ganong buhay.

Dahan dahan kong hiniwa ang aking palad gamit ang kutsilyo at pinatak ang lumabas na dugo sa pangatlong bilog tanda na pinipili kong mabilang sa Dauntless.

Agad na naghiyawan ang mga Dauntless. Nagalakad na ako upang maupo sa kanilang hilera nila. Isa isa nila akong kinamayan. Masaya silang lahat. Lahat yata sila ay nilapitan ako pero SYA, andun lang sa tabi. Kahit kelan napakatahimik nya talaga.

Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang aking mga magulang. Malungkot ang mga mata nila pero nakangiti sila sa akin. Nanikip ang dibdib ko. Nagiguilty ako pero alam ko na tama ang pinili ko.

Tinapos ng tagapagsalita ang seremonya. Isa isa ng nagsialisan ang mga Factions. Pagkalabas ay nakita kong may humintong tren sa harap namin tanda na ito ang sumusundo sa amin. Nakita ko sya sa harapan ng pinto at dahil ako na lang ang natitirang hindi pa sumasakay ay bahagya syang umisod.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now