Mandy (Kor. Ver. Jang Geun Suk)

1.4K 31 2
                                    

BEWARE: Typos everywhere

Humihingal na huminto ako sa pagtakbo. Sakto. Ipinagsiksikan ko ang sarili ko para makalapit sa harapan ng bulletin board. May natutulak ako na ibang estudyante pero wala akong pakialam. Gusto ko ng malaman kung ano ang resulta ng audition ko.

Buti na lang at may katangkaran ako at nakita ko agad ang mga list na nakapin sa board. Walang babala na tinabig ko ang babae sa harapan ko. Masamang tiningnan nya ako pero nginisihan ko lang sya. Asar na nagmartsa sya palayo. Narinig ko pang bumulong sya.

"Walang modo. Squater talaga" nagkibit balikat lang ako sa sinabi nya. Wala eh, sanay nako. Kumbaga, nakaestablish na ako ng immunity sa mga taong katulad nya.

Excited na iniscan ko ang B List o yung mga nakapasok para sa role ng mga back up singers. Nakarating ang daliri ko sa dulo ng listahan pero di ko nakita ang pangalan ko.

Lumipat ako sa A List. Nadismaya ako ng kahit sa role ng kontrabida ay wala ako. Laylay ang balikat na tumalikod ako. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may biglang tumili. Kilala ko ang boses na yun.

Si Anne, yung bestfriend kong conio. Nagmamadaling nilapitan ko sya para pigilan sya sa kakatalon. Nakaminiskirt pa mandin. Tuloy, yung mga lalakeng estudyante hindi na sa bulletin board nakatingin. Hinawakan ko ang kamay nya at hinila.

"Ano ba Anne? Para kang sira dun. Nung trip mo"

"Friend ang galing mo. Geez, its like, omg my bff is so galing" nagtitili pa rin ito habang sinasabi iyon. Konti na lang at magtatampo na talaga ako dito. Imbes na icomfort ako, nakuha pang mang asar.

"Anong pinagsasabi mo dyan. Pwede ba Anne saka mo na ako asarin. Di na nga ako nakapasok, ganyan ka pa"

"Geez, K, where are your glasses my dear friend?"

Napaupo ako sa bench at nangalumbaba. Naalala ko yung mga time na nagmememorize ako ng mga lines. Effort wasted lang pala. Badtrip talaga.

Kinapa ko ang aking cellphone sa bulsa. Times like this, gusto kong mag soundtrip. Yung rock. Yung magpapakalma sa dugo ko. I was about to play the song ng bigla ako hilahin palapit muli sa board ni Anne. Asar na tinanggal ko ang mga headset sa tenga ko.

Magkasalubong ang kilay na hinarap ko sya.

"Anne, isa pa. Malapit na akong maasar sayo"

Hinawakan nya ako sa balikat at pinaharap sa isa pang glass bulletin board kung saan madalas ipost yung mga special events. Isa isa kong tiningnan ang mga nakapost doon. Nanlaki ang mga mata ng makita ko ang isang pangalan. Nagpapalipat lipat ang tingin ko kay Anne at sa board. Tumatango sya habang nakangiti sa akin. Muli ko iyong tinitigan.

Delirium: The Musical

Female Lead: Ana Karylle Tatlonghari as Freda

Male Lead: JM Viceral as Alex

Unti unting nagsink in sa utak ko ang nakasulat dun. Wala sa sariling nagtatalon ako sa tuwa. Naroong yakapin ko ng sobrang higpit si Anne.

"O tama na friend, mas mukha ka ng o.a" tumigil naman ako sa kakatalon. Hinawakan ko ang kamay ni Anne at inakay sa isang bench.

Saglit akong nanahimik. Di talaga ako makapaniwala na makakapasok ako sa musical na yun. Imagine, lead role agad. Kung nabubuhay lang si mama, malamang mas exaggerated pa yun sa amin ni Anne.

"Bakit umiiyak ka naman dyan? Baliw ka friend?" nakangising tanong ni Anne. Nakangiting pinunasan ko ng likod ng palad ko ang tumulong luha. Pag naaalala ko talaga si mama, automatic yung luha ko.

"Naalala ko lang si mama"

"Oo nga noh, pero wag mo ng isipin yun. For sure, happy si tita kasi natupad na yung pangarap mo. I'm super proud of yah mah friend"

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now