DECODE by Paramore

2K 46 5
                                    

A/N: We are in a flashback mode. Scenarios that are in ITALIC are the flashbacks. So please dont get confused.

(Warning: Too many typos)

Nakakapagod. Yung ganitong hindi ka man lang makaalis sa isang lugar kahit gustuhin mo man. Yung kahit may kakikilala kang dumadaan ay di mo magawang tawagin kasi di ka rin naman nya maririnig.

Tumayo ako. Sinubukan kong maglakad. Medyo natuwa ako kasi medyo mas malayo ang narating ko ngayon kesa kahapon. Humakbang muli ako ng isa pa. Pero bago pa man maramdaman ng paa ko ang lupa ay isang malakas na pwersa ang humatak sa akin pabalik.

Dumilat ako pagkatapos niyon. Huminga ako ng malalim. Ano ba yan? Akala ko o.k na.

Nakakainis yung ganito. Tumingala ako sa langit.

"Bro, ano ba? Kung gusto mo akong kunin pwede ba kunin mo na ko. Di yung ganito na tambay ako dito sa earth pero di naman ako makagala. Badtrip naman kasi eh".

Matagal na akong patay. Oo. Patay na ako. Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit ako nandito. Dati akala ko pag patay ka na. Manhid na lahat. Yung tipong tapos na, wala ka ng  mararamdaman. Kakainis nga eh. Whenever I tried kung paano at bakit ako nag disappearing act ay di ko maalala.

Basta parang may kelangan pa akong gawin pero di ko alam kung ano yun. Di ko maalala ang pangalan ko. Pero parang nagstart ata yun sa letter  V at nagtatapos sa letter E. Four letters ata. Kainis talaga. Pangalan ko na lang di ko pa maalala.

Habang abala ako sa pagsesentir ay may humintong bata sa tapat ko. Napatigil ako. Somehow parang kilala ko ang batang to. Parang namumukhaan ko sya. Tantya ko ay mga 3 years old ito. Cute cute na batang lalake. He smiled. I smiled back.

"Da....dada....da" sambit nya. Those words hit me na para bang may sayang bumalot sa puso ko ng sambitin nya ang dada.

Umangat ang kamay ng bata. Iiwas sana ako pero naistatwa ako ng ang kamay nya ay huminto sa pisngi ko. I waited for his movement. Marahil ay nagulat ang bata ng ang kamay nya ay tumagos sa pisngi ko. Inulit nito ang paghaplos pero paulit ulit lang itong tumatagos sa akin.

Biglang umiyak ang bata na ikinataranta ko. Nais ko sana syang aluin kaya lang yung kamay ko tumatagos din sa tuwing hinahawakan ko sya. Parang binibiyak ang puso ko sa bawat iyak nya.

Unawarely, I whispered "Anak...."

Medyo nagulat ako. Then I saw a woman running towards us. She's wearing a yaya's uniform so I guess sya ang nag aalaga sa bata. I want to scold her kasi di nya inaalagaan ng maayos ang bata.

She hugged the kid.

"Diyos ko naman Mark. Tumalikod lang ako saglit nawala ka na. Bakit ba lagi kang pumupunta dito. Mapapagalitan ako ng Tita Coco mo eh."

She held the kid and walk away. Gusto ko sanang humabol pero alam ko namang di ko magagawa yun. I looked down feelinupset then I saw a small bracelet. Probably dun ito sa bata. I grab it. What I don't understand is I can hold things but not the persons.

I examined the bracelet. May pendant sya. Letter V and K.

-------------------------------

"Oh saan mo nakita si Mark" tanong ng katangkaran babae.

"Ah eh mam, dun po sa dati. Sa park po."

"Naku yaya. Bantayan nyu po ng mabuti si Mark. Pag nalaman ni ate K na pinapabayaan ko sila naku lagot ka" pananakot pa nito.

Nahihintakutan niyakap ng yaya ang batang lalake.

Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon