Save Me by BTS

852 34 1
                                    

Typographical error ahead. No backread
.
.
.
.
Buong klase tulog ka lang. Minsan nagtataka ako kung gising kaba sa gabi kaya ka laging tulog sa umaga. Ang ipinagtatataka ko lang ay number 1 ka lagi sa exam. Ano bang sekreto mo?

Lagi lang akong pangalawa. Nagpupuyat nga ako para lang mag-advance lesson. Pero wala pa rin. Hindi naman ako naiinggit. Talaga lang na nagtataka ako.

"Picture will last longer" napakurap ako sabay libot ng paningin sa classroom. Kami lang dalawa ngayon.

Dahan dahan naman nyang inangat ang ulo. Nakatingin  lang ako sa kanya.

"Pipi ka ba?" Tanong nya habang may bahod ng pagkayamot ang mukha.

Hindi pa rin ako sumagot.

"Tsss" sabay tayo nya. Sinundan ko sya ng tingin. Nang mawala sya sa paningin ko ay bumalik ako sa binabasa ko kanina bago ko sya titigan.

"Hoy" napapitlag ako sabay hawak sa dibdib.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Iritado kong tanong.

"Dito ka ba matutulog?" Umiling ako. Ang gara naman kasi ng tanong nya. Sinong matinong tao ang matutulog sa loob ng campus. May bali balita pa naman na may white lady dito. Lalo na dun sa building ng mga nursing students.

"Ano pang inaantay mo jan? Tayo na. Sumabay ka na sa akin"

"Ok lang ako"

"Sure? Wag kang sisigaw pag nakasalubong mo yung white lady" nanlaki ang mata ko. Dali dali kong hinalbot ang bag ko at lumakad papunta sa kanya. Abot abot ang kaba ko. Medyo matatakutin kasi ako. Ewan ko ba. Pero ang hilig ko pa rin manuod ng mga horror movie.

"Tsk akala ko matapang ka eh" inismiran ko sya. Walang utang na loob. Matapos ko syang antayin magising.

"O panu? Pumasok ka na sa loob" tumango ako at binuksan ang gate. Nasabi ko bang nasa katapat lang namin ang bahay nya. Araw araw ko nga yang nakikita. Magkatapat kasi ang bintana ng mga kwarto namin. Madalas nakasubsub yung ulo nya sa study table at parang laging may sinusulat.

University day. Magulo ang lahat. Maingay. Nakangalumbaba lang ako at nakatingin sa mga estudyante sa baba na kita mula sa second floor na kinalalagyan ko ngayon.

"Di ba sa dance club ka?"

"Hmmm...." nice ng response nya. As usual nakayuko sya sa upuan at nakapikit ang mata. Malamang half awake yan and half sleep. Ang tamad talag.

"Bakit di ka nagpapractic kasama ng grupo mo?"

"Ang ingay mo. Natutulog ako"

"Karylle, tara dun sa food both" napalinon ako sa may pinto. Si Eric nga pala. Manliligaw ko na kahot ilang beses ko ng binasted ay standing strong pa rin.

Tatayo na sana ako ng may humila ng kamay ko.

"Bitaw" utos ko.

"Dito ka lang" nakipagtitigan ako sa kanya. Sa sobrang ganda ng mata nya ay ako na ang sumuko. Umupo uli ako.

"Karylle" tawag uli ni Eric.

"Brad kung ayaw mo masaktan ikaw na lang pumunta dun mag isa. Sasamahan nya ako dito" maangas na sabi nito kay Eric. Napalipat tuloy ako ng upuan sa tabi nya at hinawakan amg braso nya upang pigilan sya sa iba pa nyang sasabihin. Kilala ko kasi to. Maangas talaga at blunt magsalita.

Buti na lang at umalis na si Eric ng hindi sumasagot.

"Gago ka talaga" nakasimangot na sabi ko.

"Bakit ka nagmumura?" Nakataas kilay na sabi nya.

"Ang linis mo ha. Mas malakas ka ngang magmura jan"

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now