Fire (Part 2)

636 27 0
                                    

[A/N: Pag-isipan ko pa kung gusto ko ng happy ending to. Parang trip ko ang hindi.]
.
.
.

Him

She's not on her usual sit near the window. Isang linggo na kitang di nakikita. Your not responding to all of my text. Di man halata ay natatakot ako. Parang lumalayo ka na.

"Jam, si Karylle?"

"Ewan. Ilang araw na syang absent eh"

Automatic na kinuha ng kamay ko ang cellphone sa bulsa ko.

Pagkatapos mapudpud ng daliri ko sa kakadial ay sa wakas ay sinagot mo ang tawag ko. Balak ko sana na mahinahon kang tanungin pero napakunot noo  ko ng sumalubong sa pandinig ko ang maingay na tugtugan. Agad kumalat ang inis sa dibdib ko.

"Fuck Karylle nasaan ka?" Di ko mapigilang magtaas ng boses. Kusa na lang lumabas ang mura sa bibig ko and it's too late for me to take it back.

"Party" maikling sagot nya.

"What the..... at this hour? Hapon pa lang. Bumalik ka dito. May exam ka pa bukas. Magreview ka" dahilan ko lang yun. Ang totoo namimiss ko na sya. Yung ngiti nya.

"Yosi?" May narinig akong nagsalita na nagpakulo ng dugo ko.

"Ano yung narinig ko Karylle? Nagsisigarilyo ka?"

"Nope" balewalang sagot nya na parang wala lang.

"Wait for me there" nanggigil kong sabi.

Halos paliparin ko ang sasakyan makarating lang agad. Naabutan ko sya sa harap ng bahay ng bago nyang kaibigan. I've been hearing things na nilalayuan nya yung mga dati nyang kaibigan at may mga bago ng sinasamahan.

Pagkababa ng sasakyan ay agad akong pumasok. Naabutan ko syang nakatayo. Nadagdagan ang inis ko ng makitang sobrang maiksi ang suot nyang bistida. Halos kita na ang kalahati ng hita nya. She knows for fact na ayaw kung nagsusuot sya ng ganun. Hinila ko ang kamay nya. Hindi ko man sinasadya ay naisalya ko sya paloob ng kotse. Wala akong narinig na angal sa kanya

"Kailan ka pa natutung ng mga ganito?" Hindi nya ako sinagot at dumiretso lang ng tingin.

"Fuck Karylle magsalita ka" sigaw ko ng hindi ko matiis ang pananahimik nya. Tumingin sya sa akin. Para akong nanlamig sa titig nya.

"Kanina mo pa ako minumura."

"Wala ka naman kasing sinasagot sa mga tanong ko." Medyo bumaba ang boses ko pero nandun pa rin ang pagkaasar ko.

"This is the last time na mumurahin mo ako" she said while looking at me with those cold eyes.

"Look Im sorry. Nag alala lang ako. You're not responding to my text"

"Let's break up" walang ano ano ay sabi nya. Parang biglang lumabas ang puso ko.

"What? Ano bang sinasabi mo? Look sorry" tarantang lumapit ako sa kanya. Alam ko nagbibiro lang sya o kaya nasaktan sya sa paghila ko kanina. Di naman ako matitiis nito. Akmang hahawakan ko sya ng agad na syang lumabas ng kotse.

"Karylle!!!" Sigaw ko pero hindi man lang sya lumingon.

Gusto kong humabol pero parang naistatwa ako. We used to fought over a little things but she never used those kind of stares at me. Alam ko sa sarili ko na iba ang away na to or maybe she mean those things she said.

"Let's break up"

No. I can't.

Music & Hearts|| ViceRylleWhere stories live. Discover now