Chapter Nine

825K 15K 1.3K
                                    


 HINDI siya pinapansin ng bastardo. Pagkatapos siyang iwanan nito sa silid, hindi na rin niya ito hinabol. Bakit siya magpapaliwanag? Wala naman siyang ginawa na mali. She was just being true! Hindi naman niya sinasadya kung na-offend niya ito.

Pero tama lang din na magkaroon ng distansya sa pagitan nila. Ito pa ba ang mag-iinarte? Siya nga hindi na naka-inarte nang may mangyari sa kanila. Sa normal na sitwasyon baka nag-inarte pa siya. Ang laki eh.

Naniningkit ang mata, nanatili pa rin siyang nakatingin sa tapat ng bintana kung saan nakikita niya si Kaleb.

May buhat buhat itong malalaking sanga ng naputol na kahoy dahil sa bagyo. Kanina pa itong nasa labas para magsimulang maglinis. Nagprisinta siya kanina na tulungan ito, pero ang hudyo, inignora lang ulit siya.

Fine. Kaya naman pala. Okay, di na siya magmamagandang loob. Mabuti na rin 'yon, di siya pagod. She rolled her eyes.

Madumi na ang suot ng lalaki sa putik. Nag-white shirt pa talaga ito. Putol ang manggas noon at nakalantad ang matitigas at maskuladong braso. Nakadagdag sa lakas ng dating nito ang tattoo sa braso nito.

Pinanood niya ang bawat galaw ni Kaleb. Ang bawat pag-flex ng braso nito, pag-igting ng panga nito. Napahawak siya sa lalamunan. Nakaramdam ng panunuyo doon. She swallowed hard, feeling hot. Heat pounded between her legs, then her nipples hardened and her sex clenched.

Hindi lang exaggeration ang malakas na epekto sa kanya ni Kal. He was fucking hot and it's driving her crazy. God, she want to ride on top of him again.

Tila naramdaman ng lalaki ang init ng mga titig niya dito. Nag-angat ito ng mukha.

Pakiramdam ni Gel ay namula pati kasingit-singitan niya nang mahuli nito ang pagtitig niya sa lalaki. Napakunot-noo si Kal.

Pero huli na din naman para mapahiya. Nakita na rin naman siya nitong nakatingin, sinagad na rin niya. Nagtaas siya ng kilay at hinagod ang buong katawan nito ng titig.

Nag-iwas ito ng tingin. Pagkatapos ay tumalikod.

Bastos.

Dismayadong umalis na siya sa harap ng bintana. Ayaw siya nitong pansinin, huh? E di ganoon na rin ang gagawin niya. Tutal aalis na rin naman siya. Hindi na rin niya ito makikita pagkatapos. Nakaramdam siya ng bigat sa dibdib at tumingin ulit sa labas.

Umupo siya sa gilid ng kama. Dinampot niya ang bag niya at kinuha ang phone na pakiramdam niya ay ilang araw na niyang hindi binubuksan.. Halos nakalimutan na niyang may buhay pa siya sa labas ng villa.

Isa isang pumasok ang messages sa cellphone niya. Laman ng inbox niya ang text messages mula sa Papa niya, kay Terry at Lon. Ibayong pasensya ang inipon niya. Nakakaalala pa pala ang Papa niya?

He was asking her to come home.

Home? Meron ba siya nun?

Ano naman kaya ang kailangan nito o pabor na hihingin nito para sa magaling niyang kapatid? Tinanggal na siya sa pwesto niya sa kompanya para lang bigyang daan si Terry. Hindi pa ba sapat 'yon?

Ganun din ang mensahe ni Terry sa kanya. Nagtatanong ito kung nasaan siya. Nagdedemand ang tono nito. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkamuhi sa kapatid.

Walang ipinagkaiba ang text message ni Lon sa kanya. Bakit bigla na lang siyang hahanapin ng mga ito? Hindi pa ba pabor na mawala na lang siya?

Hindi napansin ni Gel na mariin na ang pagkakahawak niya sa cellphone niya. She had enough of their bullshits. She's already tired of taking every shit they threw at her and pretend like it's okay. Pagod na siyang i-please ang mga ito at wala na rin siyang dahilan para gawin 'yon. Nagsisimula na siya ng panibagong buhay na malayo sa mga ito. Malayo sa sama ng loob.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon