Chapter Fifteen

630K 12.4K 739
                                    


 NAKATIIM-BAGANG si Kaleb nang malingunan niya. His expression was unreadable.

"Kuya Kal, nandito ka na pala." puno ng nerbyos ang boses ni Tammy. Namumutla ang mukha nito at hindi masalubong ang mata ni Kal. Something is going on. At may ideya na siya kung bakit.

Iniangat niya ang noo at tumingin dito. "Aakyat muna ako sa kwarto." Sumulyap siya kay Tammy bago umalis. Syempre, hindi niya ginawa 'yon para maiwanan ang dalaga sa komprontasyon. Alam niya na wala pang ilang segundo nakasunod na sa kanya si Kal.

And she's wrong about that.

"What did she tell you?" agad na tanong ni Kaleb nang makasunod ito sa kanya sa kwarto. Mahinahon ang boses nito. Walang bakas ng galit. Pero hindi nito nagawang itago ang lamig sa tono.

Naniningkit ang mata na tumingin siya dito. "Nagkukwentuhan lang kami. Tinutulungan ko siyang mag-bake."

"Narinig ko kayo. You two are talking about me."

"Hindi ikaw ang pinag-uusap-- Wait, why are you angry?"

"I'm not." Kunwari'y kalmado pa itong umiling. Pero hindi siya malilinlang ng kalmadong pagsasalita nito.

"You are. And I can sense it. Is it because of that woman Giselle?"

His jaw clenched, his blue green eyes became darker. Kinumpirma ng reaksyon nito ang hinala niya. That woman must be an ex. At sigurado siya, may dinadala pa itong bagahe sa babaeng iyon kaya ganoon na lang ang reaksyon nito. Nakaramdam siya ng pamilyar na hapdi sa dibdib niya.

She took a long deep breath. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko panghihimasukan ang buhay mo."

"Kung ganoon, bakit ka nagtatanong kay Tammy ng tungkol sa buhay ko kung talagang hindi 'yon ang intensyon mo."

"I'm not asking about you!"

"You can just ask me if you want." he said coldly. Humakbang ito palapit sa kanya. Madilim ang mukha.

Napabuga siya. "Uulitin ko, hindi ako nagtatanong kay Tammy tungkol sa 'yo. Kung ayaw mong maniwala, pwes hindi ko na problema 'yon. Now get out of my room." pagtataboy niya dito.

Naningkit ang mata ni Kaleb sa kanya. At bigla parang gusto niyang matawa. Ang lakas din ng loob niyang itaboy ito. Bisita nga lang pala siya sa pamamahay nito.

"I'm tired, Kal. Hindi ito ang tamang oras para mag-usap tayo."

"Tulog ka pa noong umalis ako. Ilang oras lang ako nawala, pagod ka pa rin?"

"Ay. Hindi pwedeng mapagod, emotionally?"

"Wala akong ginagawa sa 'yo para mapagod ka.. Emotionally."

"Yes, but physically, may ginagawa ka para mapagod ako."

"Don't act like you weren't willing.. You know we both love the hot sex.. Wild and dirty," he said softly, dangerously.

Nag-init ang mga pisngi niya. Tumaas ang sulok ng labi nito. "And as far as I could remember, hindi lang naman ako ang nangangalabit sa ating dalawa bago matulog."

"You bastard---" Nahagip nito ang braso niya bago pa niya ito mahampas. Maluwang na ngumiti ito at nabura ang kanina ay madalim na anyo.

"Admit it. You want me the way I want you." Sinapo nito ang pang-upo niya at hinila siya padikit sa katawan nito. Naramdaman agad niya ang nahuhumindig na pagkalalaki nito. Bumigat ang paghinga ng dalaga.

"Kal, stop sidetracking me," may panginginig sa boses niya.

"Is it working?" pilyong ngumisi ito sa tenga niya. Nahigit niya ang hininga.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon