Chapter Twenty Eight

503K 11.1K 1.3K
                                    


"GEL, are you okay?"

Lumingon siya sa kanyang pinsan. She forced a sweet smile.

"Yes! I'm good."

"Okay. Sabihin mo lang sa akin kung pagod ka na or gusto mo na umuwi ha."

Gigi looked so stunning in her black halter dress. Her make-up is sooo perfect. Ang ganda ganda nito kaya hindi niya masisisi ang mga kalalakihang napapalingon dito.

Tumango lang sya, iniiwasan ang mainit na titig ng lalaki sa tabi ng kanyang pinsan.

"I will."

"Good! Kal, lets go." nakangiting bumaling ang pinsan niya sa date nito ng gabing 'yon. The son of a bitch. Hindi niya magawang tumingin sa lalaki. Gusto niyang sampalin ito. Gusto niyang saktan. But also she wanted to undress him, lick his face and taste every inch of his hard body. Ang gwapo-gwapo nito ngayon.

She gritted her teeth. Hindi ba niya pwedeng kalimutan ang pagnanasa niya sa lalaking ito kahit saglit lang? It's messing with her mind. Hindi na niya alam kung kanino siya ngayon dapat mainis. Sa lalaking iyon na niyayang maging date ang pinsan niya para sa gabing iyon pagkatapos ng mga nangyari sa kanila. O sa sarili niya. Ano pa ba ang aasahan niya kay Kal? Tinanggihan nga niya ito na maging date, di ba? Kaya nasa tabi ngayon ito ni Gigi.

Hindi niya maalala kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman niya mula kay Gigi na niyaya ito ni Kaleb na maging date nito. Ang natatandaan niya ay naging blangko lang ang ekpresyon niya. Nanlamig ang katawan niya. She didnt say a word. Just a smile.

At ngayon ang dalawang ito nga ang magkasama. Iwas na iwas siyang magkasalubong ang tingin nila ni Kal. Date naman niya ang kaibigan nitong si Noah, na siya naman napakabait talaga. A real gentleman compared to his asshole friend. Bitter ba siya? No. Just telling the truth.

Kung hindi ba to gago, yayayain pa ang pinsan niya na maging date nito pagkatapos siyang banatan sa kama? Grr. Bumalik na naman ang inis niya.

"Are you sure you're okay?" concerned na tanong ni Noah. Napansin yata ng lalaki. Napansin siguro ng lalaki ang malalim na kunot-noo sa mukha niya.

Umiling siya. "Okay lang ako."

Inalis niya ang tingin sa dance floor kung nasaan naroon si Gigi at Kal. Nagsasayaw ang mga ito. Magkayakap. Mag kadikit ang mga katawan. Damn him. Wag lang itong makalapit lapit talaga sa kanya at sasakalin niya ito.

"You're not a good liar, you know."

Tumikwas ang kilay ni Gel. Wala siyang dapat ipaliwanag sa binata. Ang gusto na lang niya ay makaalis doon.

"It's really obvious that you have the hots for my friend. Nagtataka nga ako bakit ikaw ang kasama niya ngayon."

"Hindi pa ba obvious? May niyayang iba ang kaibigan mo."

"Ikaw daw ang tumanggi. That's what he said."

"So, tsinitsimis pa niya ako ngayon sa 'yo, ganon?" Tinapunan niya ng masamang tingin ang kasama. "May iba pa ba siyang sinabi?"

"Don't worry. He's not the kiss and tell kind of guy." Inosenteng nginitian siya ng kaibigan. "At hindi ko ugaling mag-usisa kung anong nangyayari sa inyong dalawa. I respect other people's privacy because I want them to respect mine."

She like this one. Hindi niya kailangan humingi ng proof kung totoo ang sinasabi nito. Mukha naman talaga itong mabait. Ngumiti siya kay Noah.

"Do you want to dance with me?" Inilahad niya ang kamay nito. Umangat ang sulok ng labi ng binata. "C'mon, you're my date tonight so, it's your job to entertain me."

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon