PINANLABANAN ni Gel ang maiyak habang nagmamaneho siya. Parang gusto niyang tumigil, pagkatapos ay bumalik sa piling ni Kal. Matinding pagpipigil ang ginawa niya para hindi gawin iyon at para hindi mabasa ng luha ang pisngi niya.
Tears won't help her. Ganoong sitwasyon din ang kinahantungan niya noong huling nasaktan siya. And this is so much like the last time. Siya, bumubuhos ang luha habang nagmamaneho sa gitna ng daan. Ang kaibahan lang ay hindi siya ngayon umiinom ng alak at hindi niya naiisip na tapusin ang buhay.
But she have to admit mas masakit itong nararamdaman niya ngayon. Parang dinudurog ang puso niya. She really didn't want to leave him. She want to stay with him. Pero sa huli, mas pinili niyang umalis.
That's the best choice. Ginamit lang niya ang utak niya kesa sa puso niya. Nanginginig ang labi na tumingin siya sa rearview mirror. Parang nakikita pa rin niya si Kaleb na nakatayo sa likuran habang papalayo siya. Nakatanaw ito sa kanya, bakas ang lungkot sa mukha.
Ginawa lang niya ang dapat niyang gawin. God. Hindi niya alam kung bakit kailangang maging emosyonal ng pag-alis niya. Pero eto na naman siya, parang bida ng soap opera!
After three hours, nakarating na siya sa destinasyon. Ilang araw din siyang nawala. Pagpasok niya ng kanyang apartment, bumalik ang ngiti sa labi niya. She missed her room!
Lumundag siya sa kama niya at dinama ang lambot niyon sa likuran niya. She's finally back. Hindi niya alam kung anong naghihintay sa pagbalik niya. Tambak na trabaho? Komprontasyon mula sa ama niya dahil sa biglang pagkawala niya? O muling paghaharap nila ni Lon. Technically, hindi pa talaga sila naghiwalay. Siguro sa part nito, wala pang closure. Pero sa kanya, di na kailangan ng closure.
Oh, wala na rin nga siyang pakialam pa kahit makita pa niya itong hubad at bumabayo sa ibabaw ni Terry.
Dala ng pagod sa tatlong oras na pagda-drive, mabilis na nakatulog si Gel. Hindi niya alam kung anong oras nang magising siya sa tunog na nanggagaling sa phone niya. Hindi iyon tumigil hanggang sa naubos na rin ang pasensya niya. Hinagip niya ang kanyang bag at kinuha mula doon ang kanyang phone.
"Hello?"
"Oh. My. God. Girlll! Sa wakas naman sinagot mo rin!"
Napakunot-noo siya. Pamilyar sa kanya ang boses ng nagsalita sa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen ng phone. Hindi nakaregister ang number nito.
"I'm sorry, I'm confused. Who is this?"
"It's me! Gigi!"
"Gigi?" Unti-unting nagproseso sa isip niya ang mukha ng kausap. Nanlaki ang mata niya. It's her cousin! "Oh my, God. I'm sorry. Di ko agad nakilala ang boses mo. Hindi kasi nakaregistered sa phone ko."
"That's okay. You still sound sleepy to me. Sorry to wake you up, sweetie. But you really need to go here."
"Go where?"
"Nandito ako ngayon sa St. Lukes with your sister Terry." Nasa baba lang siya. Kanina ka pa namin kinokontak..."
"Wait, wait. Bakit ka nandyan? At bakit mo kasama si Terry? What's happening?"
"Naku, Merigiel! Hindi mo kasi sinasagot ang mga calls namin kanina pa. Nakita ko si Tito Victor na walang malay sa office niya kanina kaya agad namin siyang isinugod dito."
Napasinghap siya. Alam niyang may problema sa kalusugan ang kanyang ama. Madalas itong inaatake ng high blood. Pero hindi niya alam kung ano naman ang nangyari dito ngayon.
"Sabi ni Terry wala ka daw sa apartment at ilang araw ka nang hindi pumapasok. You should come here. Nasaan ka ba?"
She immediately grabbed her bag. "Kakauwi ko lang sa apartment. Hintayin mo ako. Papunta na ako d'yan."
BINABASA MO ANG
TEMPTATION ISLAND: Hot Encounter
General Fiction"You're invited to Temptation Island."