Chapter Thirty Three

512K 11.7K 1.1K
                                    


INAASAHAN na ni Gel ang presence ng magaling niyang kapatid sa opisina niya nang sumunod na araw. Hindi pa nag-iinit ang pwet niya sa upuan ay sumugod na agad ito.

"Can you explain why you're ignoring my calls yesterday?"

Nakapameywang itong tumigil sa harapan niya. Sobrang revealing ng suot nito. Halter ang top nito ngunit parang ang malalaking dibdib lang nito ang natatakpan. Sobrang ikli naman ng pangbaba. Wala siyang problema sa suot nito. But really, sa ganoon lang bang pananamit ni Terry nasilaw si Lon? Ngumiti lang siya. Walang makapang bitterness sa dibdib niya. Infact, grateful siya. She wanted to thank her sister right now.

Napaatras ang kapatid niya nang makita ang ngiti niya. Parang nakakita lang ng cobra sa kisame. "Why are you smiling like that? Ang creepy mong babae ka!"

"Bakit ka umaatras?"

"Because you looked like a snake ready to bite me!"

Ang lakas ng tawa ni Gel. "I'm not the snake in this story, dear sister. Nakalimutan mo yatang ikaw 'yong nanuklaw ng boyfriend ng may boyfriend."

Namutla ang mukha ni Terry.

"Hey, kalma ka lang dyan. Hindi ako manunumbat. I'm actually thankful, Terry. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nagpapasalamat ako."

"You're creeping me out. Bakit ka magpapasalamat?"

"Dahil naging daan ka para mapapunta sa akin kung ano 'yung deserve ko, and I'm beyond grateful."

Matamis na nginitian niya ito at nilapitan para ibeso sana. Pero ang babaeng takot yata sa karma, nangamba na baka sabunutan niya ito bigla kaya dumistansya sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang trip mo sa buhay, Gel, but I'm sure you're still mad at me for having Lon in my bed now. Nakuha ko lang naman ang pinakamamahal mong lalaki. Pati ang pwesto mo sa kompanyang 'to. So, stop acting like walang issue sa atin."

Parang proud na proud pa itong ipangkalandakan sa kanya ang bagay na 'yun.

"Okay. Bahala ka." Di nawawala ang ngiti sa labi, ,uli siyang umupo sa swivel chair niya. "So, what do need from me anyway?"

"Nakalimot ka na ba? May business meeting tayo kahapon!"

"Oh. I'm sorry, I forgot." Totoo 'yun. Buong araw na okupado ni Kaleb ang utak niya kahapon.

"How could you? Pinagpatayan mo pa talaga ako ng cellphone kahapon! Hindi ka ma-contact at wala ka sa place mo! Where are you?"

"May kinailangan lang akong puntahan at gawin. Nawala sa isip ko ang tungkol sa meeting. Sorry."

"Sorry? Tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Why not try to be in my position right now para maintindihan mo ang pinagdadaanan ko?"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Madali talagang makalimot ang kapatid niyang ito. Siguro nakakailang beses na naiiuntog nito ang ulo sa pader tuwing katalik si Lon.

"I don't have to be in that position again to know that. Wala pa 'yun sa mga pinagdaanan ko. At alam ko kung anong nararamdaman mo."

"Yeah. O siguro nga masaya ka pa ngayon dahil mawawala na kay Dad ang kompanyang alam mo naman talaga na hindi mapapunta sa 'yo." puno ng pang-iinsulto ang boses nito.

Nanlamig ang katawan niya sa paratang nito. Nawalan ng kulay ang mukha niya.

"Tama naman ako, di ba? Alam mo na kahit ikaw ang panganay ni Dad, hinding hindi niya sa 'yo ipagkakatiwala ang Victorius. You're not the priority. Hindi ka nga mahal bilang anak. The reason why you're still here, eh, dahil yon sa tingin niya responsibilidad ka pa rin niya. Bakit kasi mismong ina mo hindi ka mahal te?"

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon