Chapter Eleven

707K 13.5K 1.5K
                                    

"ALA'Y gising ka pa pala, ineng."

Ngumiti siya sa matandang babae na ipinakilala sa kanya kanina ni Kaleb na Manang Celis. Nasa kalagitnaan siya ng pag-inom ng tequila nang madatnan siya nito.

"Nagpapaantok lang po, Manang." Itinaas niya ang baso na may lamang alak.

Kinusot-kusot nito ang mata, pagkatapos ay napamulagat. "Naku po, batang ire! Lambanog ga iyang tinitira mo? Ikay ga'y ayos pa ineng?" Nagulat siya sa biglang paglakas ng boses ng matanda.

"Lambanog? No, hindi po." umiling siya at ngumiti, "It's tequila, manang."

Tila hindi pa nakuntento, kinuha ang baso sa kanya at inamoy. "Ah, hindi nga lambanog. Akala ko'y lambanog na iyan eh. Nun nakaraan ay may mga binatang natigok dahil diyan eh."

Noon niya napansin na sadya lang talaga na mataas ang boses nito magsalita dahil sa accent nito. Batangueno talaga ang tono nito. Napangiti siya.

"Hindi po ako umiinom nun, manang. I only drink alcohol when I'm stressed."

Tumango tango ang matanda at tumingin sa kanya. Parang pinag-aaralan ang mukha niya.

Naasiwa siya kaya idinaan niya sa pagtawa. "Manang, alam ko maganda ako." pagbibiro niya.

Natawa ito. "Oo nga ineng, maganda kang bata. Para ga akong namamalikmata pagkita ko sa 'yo kanina. Ay kamukhang kamukha mo si..." Natigilan ang matanda.

"Sino po?"

Nagbukas-sara ang bibig nito, pagkatapos ay nag-iwas ng tingin.

"Sino po 'yon, Manang?" Hindi ito sumagot. Ngunit napansin niya ang ngiting sumilay sa labi nito. Yong klase ng ngiti na malungkot, may pangungulila.

Natigilan si Gel, nakaramdam ng kakaibang tensyon sa sikmura niya.

"W-Wala 'yon, ineng. Kalimutan mo na 'yon." Nasapo nito ang noo. "Tumatanda na talaga ako. Kung ano ano na gang nasasabi ko."

Tumango siya at ngumiti na lang.

"Ako'y nauhaw laang kaya ako napalabas ng kwarto.." Lumingon ito sa kanya. "Taga saan ka nga pala ineng?"

"Taga-Makati po ako."

"Ano ga nga ulit pangalan mo?"

"Meriegel Torres po."

"Torres.." Tumatango tango ito. "Ah, parang naririnig ko na 'yon kay Kaleb noon. Matagal na talaga kayong magkaibigan niyang si Kaleb? Ngayon lang kita nakita eh.."

Asiwang napangiti siya. Sa lahat naman kasi ng pagpapakilalang ginawa ni Kaleb, sinabi pa nitong magkaibigan sila. That was really awkward for her. Friends? Yes. Friends with benefits. Walang duda na 'yon ang angkop na definition ng pagkakakilala nila.

"Sabagay, hindi naman nagdadala ng babaeng kaibigan si Kaleb dito noon. Yung mga kaibigan niya na ipinakilala dito'y puro kaibigan nya sa negosyo. Kilala mo siguro 'yon sina Lucifer at Damien."

Tumango na lang siya pero hindi nagkomento. Hindi siya komportable na pag-usapan 'yon. Lalo na't wala din naman siyang alam masyado tungkol kay Kaleb.

And that's the worst part. Hinahayaan niya ang sariling magtiwala sa isang lalaki na hindi pa niya masyadong kilala. Estranghero pa rin ito sa kanya. The only reason why she agreed to stay is because of her family. Hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit siya kinokontak ng mga ito. Pagtapos ng lahat ng naranasan niya, hindi muna niya kayang makausap ang mga ito. Hindi pagiging duwag 'yon.

Gusto lang niyang bigyan ng atensyon ang sarili. At pansamantalang lumigaya sa piling ng isang gwapong estranghero.

 DINEADMA na niya ng tuluyan ang mga tawag ni Terry. She already blocked her number. Pati si Lon na nakikiusap pa sa kanya. Seriously. A second chance? Sa pelikula lang nangyayari 'yon. Hindi sa kanya. Naiwala na nito ang tiwala niya dito. There's no turning back.

Kinahapunan, kinulit niya si Kaleb tungkol sa kotse niya. Hindi siya naniniwalang hindi pa ayos 'yon. Nagdadahilan lang ang peste.

"Sabihin mo nga ang totoo, ayaw mo lang talaga akong paalisin no? Kaya hindi pa rin nagagawa ang kotse ko?"

Humalakhak ang binata.

"Sinasabi ko na nga ba. Tumatawa ka, ibig sabihin totoo!" Hinampas niya ito sa balikat.

"Teka naman," napa-aray ito at napatingin sa balikat nito. "Grabe naman 'yang kamay mo.. Saan ba 'yan gawa? Ang bigat ah."

"Nabibigatan ka sa kamay ko?"

"Oo." Pumalatak ito. "Kayong mga babae talaga, ang bibigat ng kamay n'yo."

"Wow naman. Nabigatan sa kamay, pero kagabi, todo buhat ka pa sa akin. Di ka naman nagreklamo?"

Ubod ng kapilyuhan na ngumisi ito. "Grabe ka sa akin, binibini.. Ang bastos po."

"Nakakahiya naman pala. Bakit, nakakagimbal ba sa pagkalalaki mo?"

"Uhm, I just feel like you're objectifying me? You know, parang sobrang sine-exualized mo ang pagkalalaki ko, grabe lang."

Humawak pa to sa dibdib.

Napanganga siya.

"Ay gago." Naningkit ang mata na humakbang siya papunta dito. Natatawang lumayo sa kanya si Kaleb. "Lapit ka sa akin."

"Masakit na balikat ko sa hampas mo. Gusto mo ako bumagsak sa ICU?"

"Ay, ICU agad?"

He chuckled. "Seriously, Gel. Stop!"

Sa hindi malamang dahilan, nag-eenjoy siya sa meron sila ngayon ni Kal. It was fun. At wala siyang ibang madama kundi saya. Komportableng komportable siya.

"Halika nga, dali." Ngumisi siya dito. "Gusto lang kitang panggigilan."

"Sige ka, di ka makakauwi kapag di ko ipinaayos ang kotse mo." banta nito nang hinahabol na niya ito.

"May pampamasahe ako!"

"Tingin mo papayagan kita makalabas ng villa ko? No way, baby."

"Walangya ka! At talaga palang may binabalak ka, ha."

"Joke lang! Teka!" Naabutan na niya ito at katakot-takot na kurot ang inabot nito sa kanya pagkatapos.

"I can sue you for what you did to me." sabi ni Kaleb at naniningkit na tumingin sa kanya. Pinagtaasan lang niya ito ng kilay.

Nakaupo ito sa bermuda grass habang siya ay nakahiga doon. Inaamoy niya ang rosas na pinitas niya sa garden. Nakangiting bumaling siya dito.

"May nadedemanda ba sa kurot at hampas?"

"Meron. Ikaw." Mayabang na tumango tango pa ito.

"Okay, do that and I will call the police and tell them na kinidnap mo ako." She chuckled when he rolled his eyes. He's so adorable. Pinisil niya ang pisngi nito at malawak ang ngiti na tinitigan ito. Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito.

Oh, those blue green eyes. Para siyang malulunod sa emosyon tuwing tinititigan niya ang parang dagat sa ilalim ng mataas na araw, kumikislap iyon at nagniningning. His eyes is no doubt the sexiest part of him.

"Ngiti ka ng ngiti d'yan." puna nito, "Tayo na ba?"

"Huh?" Natigilan si Gel, pagkatapos ay naging malambot ang mukha. "Kal, nag-usap na tayo tungkol d'yan."

"Hindi 'yon ang ibig ko sabihin.."

"Eh, ano?"

Nag-iwas ito ng mukha pagkatapos pilit na ngumiti. "Ang ibig ko sabihin, tayo na umalis.. Di ba, pupuntahan pa natin yong sasakyan mo sa talyer?" pagpapaalala nito sa kanya.

Nag-init ang pisngi niya sa pagkapahiya. "Ah, okay. Akala ko kung ano na." naiiling na tumawa siya.

 "Sige. Tayo na."

--

Itutuloy..

Drafts ko pa lang ito kaya sorry na agad sa errors. Hihi.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon