Chapter Thirty Eight

511K 12.4K 803
                                    


 SA MAS lalong panggigigil ni Gel, dinala siya ng lalaki sa Temptation Island. Sa lahat ng pwedeng pagdalhan nito sa kanya, doon pa talaga! Hindi sa ayaw niya sa islang 'yun.

Sinong aayaw sa beach? Sa asul na dagat at puti at pinong buhangin? It's the most beautiful beach in the Philippines right now!

Pero naiinis siya ngayon. Dahil naninigurado talaga si Kaleb na hindi niya ito matatakasan kaya doon siya dinala. Mahihirapan nga siyang makatakas doon. Wala pa siyang magiging access sa phone niya at contact sa mga kakilala niya.

Kung nakamamatay lang ang sulyap niya, baka kanina pang nakahandusay ang lalaki.

"Kumain muna tayo.. Saan mo gusto kumain?" masuyong tanong ni Kaleb sa kanya.

Itinirik niya ang mata. Akala mo kung sinong dedicated na jowa sa kanya kung magtanong.

"I saw that." sabi nito at humarap sa kanya. Hinubad nito ang polo na suot nito at nag-tank top lang. Inignora niya ang pagbibihis nito sa harap nya at tumalikod.

"I'm not hungry."

"Kailangan mo kumain. Saan mo ba gusto? Gusto mo ba kumain na lang tayo sa may floating cottage? Masarap ang mga seafood nila." Yumakap ito mula sa likuran niya at hinalikan siya sa leeg. "C'mon, you need to eat. Baka gutom na rin si baby."

Kumalas siya sa yakap nito. Pagkatapos ay matalim na tinapunan ng tingin.

"Stop doing this. Hindi ko alam kung anong gusto mong patunayan, Kal. Pero sigurado akong hindi tayo dapat umaktong parang mag-asawa pagkatapos ng nangyari."

"Are you still mad at me, babe?"

She frowned at him. "Are you seriously asking me that? Pagkatapos mo akong dalhin sa islang 'to?"

"It's not like I forced you to come with me."

"Ah, hindi ba? Sino kayang nanakot na magtatanggal ng lahat ng empleyado ng kompanya kapag hindi ako sumama?"

Tumaas ang sulok ng labi nito. "At seryoso pa rin ako doon."

"See? That's why you can quit the act like we're still some normal couple. After everything, I'm not sure.."

"Tayo pa rin. At hindi mo pwede sabihin na wala na tayo dahil hindi ako pumapayag na makipaghiwalay ka. Breaking up should be mutual, and I said no."

Hindi na siya nakipagtalo sa binata. Itinikom na lang niya ang kanyang bibig. Bumuga ito ng hininga.

"Let's stop fighting, babe. Wala naman patutunguhan kung mag-aaway tayo. I don't want to make you angry, sad and cry. I hate seeing you like that, so please.. Tama na okay?"

Masuyong hinaplos nito ang pisngi niya. She avoided his gaze, pero pilit nitong hinuli ang mata niya.

"Look, I know you're still mad at me. You want to hurt me, you want to leave me. Let's work this out. This time. Para sa magiging anak natin."

May humaplos sa dibdib niya. Saglit na natabunan ang nararamdaman niya sa binata. He was thinking about their baby. Nakalimutan niya bigla na hindi lang dapat sarili niya ang isipin niya.

And for Kaleb to prioritize her baby..

That's enough for her now. Kahit hindi na ito tungkol sa anong meron sila o anong problema ang kinakaharap nilang dalawa.


 HIRAP si Kaleb na suyuin ang dalaga. Hindi niya alam kung paano siya kikilos na hindi niya ito mati-trigger. Parte ba ng pagbubuntis ang masyadong pagiging suplada nito at mataray sa kanya? Nah. Galit lang ito sa kanya.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon