Chapter Twenty One

580K 12.6K 1.6K
                                    


 TODO ang pag-iwas ni Gel na makasalubong ng tingin si Kaleb. Ngunit hindi niya iyon ipinapahalata sa lalaki. Pati na kay Gigi. Ayaw niyang magtaka ito. She could act normal. Kaswal na conversation lang habang nasa isang open bar sila sa isla.

Hindi nga tinawag ang islang 'yon na Temptation Island sa wala lang. Lahat nang makita niya sa lugar na 'yon ay nagsusumigaw ng panunukso. Kahit ang mga establishment doon ay nang-aagaw ng atensyon.

Nakaupo siya sa tabi ni Gel. Kaharap nito si Kaleb at sa harap naman niya ay si Noah. Nagcecelebrate ang team ng mga ito ng pagkapanalo sa boat race. Isinantabi muna niya ang nararamdamang pagkailang at nakisabay na rin sa agos. Pero tuwing napapatingin siya kay Kaleb at mahuhuli niya itong nakatitig sa kanya, natatameme siya.

"Why are you not drinking?"

"I'm not in a mood." sagot niya kay Noah. Okay naman ang lalaki. She can sense he's a real gentleman. Base sa narinig niya, matagal nang magkaibigan ang dalawa.

"Gel! You should drink! Ano ka ba."

"I'm drinking."

"Yes. Pero juice 'yan. Eto dapat iniinom mo." Inabutan siya ni Gigi nang isang baso ng tequila. Nakainom na ang pinsan niya. Nag-iiba na ang tono nito at mamula mula na ang pisngi.

Napailing siya. Wag lang sana magpakabangenge ang pinsan niya. Kanina pa niya napapansin na parang may balak talaga 'tong magpakalasing. Mas nagiging flirty ngayon ito kay Kal. Panay ang pagpuna nito sa katawan ng binata. At gusto niyang mainis. Hindi kay Gigi kundi sa lalaki.

Parang nananadya ito. He's still shirtless. Not that she's complaining. Pero nakakapaminsala ito ng female hormones! Pasimple niya itong tinitingnan. Pasimple naman itong nagfe-flex. Ugh, she wants to think he's up to something. Panay ang titig dito ni Gigi. Ang kawawang pinsan niya, laway na laway na.

Ikaw ba hindi? Kastigo niya sa sarili. Hindi niya itatanggi na isa lang din siya sa mga babaeng di makatiis na sulyapan ito. Those hard muscles were really hard to ignore.

"Kailan ka babalik ng Manila?" malambing na tanong ni Gigi sa binata.

"Hindi ko pa alam. Baka mag-stay muna ako dito."

"That's great! Kung ganoon, i-extend ko pa ang vacation namin." Pagkatapos ay bumaling sa kanya si Gigi. "I dunno kung gusto rin mag-extend nitong si Gel. Napilitan lang itong sumama sa akin dahil sa ex niya eh."

She frowned. Gusto niyang magsalita sana pero anong point?

"Bulag ang ex niya para ipagpalit pa sa iba ang pinsan mo. Hindi niya alam kung anong pinakawalan niya."

Pinigilan niyang mapatingin kay Kaleb. Ramdam niya na nasa kanya ang mga mata nito. Please, she doesnt want his attention right now.

"I know right? 'Yan nga ang sinasabi ko sa kanya. She should start dating someone!"

"Uhm, nandito pa po ako."

"Ay, nandyan ka pala?" Napahawak sa dibdib ang pinsan niya at kunyari nagulat. "Ang tahimik tahimik mo d'yan."

Ngumisi si Kal. "Pansin ko nga. Ang tipid pala magsalita ng pinsan mo."

"Nagkukwentuhan naman kayong dalawa, so nakikinig lang ako dito."

"Why don't you drink?"

"Hindi ako mahilig uminom." sagot niya na hindi nag-iisip. Gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Kaleb. Yung klase ng tinging ibinato nito sa kanya ang mas nakakaloko. Parang may ibang sinasabi iyon.

Oo, alam niya kasinungalingan iyon. Siya, hindi mahilig uminom? C'mon, she love to drink!

"Then, why don't you try? Just for tonight." may panghahamon sa boses ni Kal. Umangat ang kilay niya. Sinusubukan ba siya nito?

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon