Chapter Twenty Nine

494K 11.4K 987
                                    


"Are you okay now?" concerned pa ring tanong ni Gigi sa kanya. Kunyari ay nahihilo na tumango siya. Pinabigat niya ang talukap ng mata at tumingin dito.

"I'm fine, cuz. You can go back there."

"Hindi na. Sasamahan na kita. Isa pa, gusto ko na rin naman umuwi."

"A-Are you sure?"

"Oo na nga. Saka hindi naman pwede na hayaan lang kita na mapag-isa habang nagpa-party lang ako."

Itinikom niya ang bibig. Hinayaan na lang niya si Gigi. Nakahinga siya ng maluwag sa kaalaman na hindi nito narinig ang mga sinabi ni Kaleb. Noong una akala niya ay narinig nito ang lahat. She was about to explain to her. Pero nakangiting inapproach sila nito, then she asked her if she is okay because her face is pale. Sinakayan na lang niya ito at nagkunwari na masama ang pakiramdam.

"Pasensya na nga pala. Sabi ko naman sa 'yo i'm not into parties like that," sabi niya pagkarating nila sa cabin nila. Nagpapalit na siya ng pantulog.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin talaga sanay sa parties. But I get it. You're always the good girl."

The good girl. Hindi niya alam kung siya pa ba iyon pagkatapos ng lahat. Pakiwari niya ay nasa pwesto na rin siya tulad ni Terry. Naglilihim siya dito nang nararamdaman niya para kay Kaleb.

Hindi nito alam na may nangyari na sa kanila si Kal habang nakatalikod ito. Alam niya, tapos na ang relasyon nito kay Kal. He's single. Pero mahal pa rin ito ni Gigi, and now she's fucking him. It made her feel so bad. Hindi naman siya kabit, pero 'yun ang nararamdaman niya dahil hindi niya masabi kay Gigi ang totoo.

"Ano nga pala ang pinag-uusapan niyo ni Kal?"

"H-ha?"

Lumingon sa kanya si Gigi, nagtatanong. "Hinahanap ko kasi siya noong makita ko kayo. Seryosong seryoso siya sa sinasabi niya. Be honest with me, Gel.."

Napalunok siya. "A-Ano bang gusto mo malaman?"

"I don't know. You tell me," ngumiti ito sa kanya bago pinagpatuloy ang ginagawa.

"Wala naman kami pinag-uusapan. Tinatanong lang niya kung okay lang ba ako. Sinabi ko kasi sa kanya na masama na rin ang pakiramdam ko."

"Iyon lang?"

"Yes.. It's not a big deal anyway. Why do you ask?"

"Nothing." Pinanood niya ang ginagawa nito. Pagkatapos ay napakunot-noo siya nang marealize na nag-eempake na ang pinsan.

"Gi, bakit nag-aayos ka na ng mga gamit?" she asked curiously.

"Ah, ito ba? Ineempake ko lang mga gamit ko para sa pag-alis bukas. I got a call from Tito. Ininform ako kanina ng staff ng Temptation na may emergency call ako, so, yun nakausap ko siya. Kailangan na niya tayo doon.. But since nagbabakasyon ka pa, sabi ko ako na lang muna."

"What? Bakit ngayon mo lang binanggit?"

"Iyon nga ang dahilan kaya hinahanap kita kanina. Don't worry. You can still stay here if you want."

Sunod sunod na umiling siya. "No, no. I'm coming with you. Sabay na tayong umalis bukas."

Kinaumagahan rin ay nag-empake na siya ng mabilisan. Hindi niya alam kung bakit mabigat ang loob niya na aalis na agad sa isla. Parang ang bilis lang ng oras at panahon. Parang kahapon nga lang siya nakarating doon. At ayun siya, tinatanaw ang isla na lumiliit sa paningin niya habang papalayo.

Hindi siya nakapagpaalam kay Kaleb. Hindi man lang sila nagkita bago siya umalis.

Ipinilig niya ang ulo.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon