Chapter Twenty

521K 12.2K 3K
                                    


HINDI na siya nag-usisa pa pagkabalik ni Gigi. Sa isip ni Gel, hindi na niya kailangan pang ungkatin kung anong namamagitan sa dalawa. Wala siyang makapang galit. It's not his fault. Wala naman sigurong ideya si Kal na may koneksyon sa kanya ang ex nito.

Ngunit di niya mapigilan ang magdamdam. Ang malas malas niya sa lalaki! Laging kadugo niya nagiging karibal niya! Yung totoo, isinumpa ba siya noong past life niya?

Napansin ni Gigi ang pananamihik niya. "Gel, may problema ba?" tanong nito.

Kaswal na ngumiti siya. "Inaantok lang ako."

"O baka pagod ka pa. Take a rest." Naglalagay ito ng lipstick sa harap ng salamin.

"Are you going out tonight?"

Lumingon ito sa kanya, at maningning na ngumiti. "Yes. Kal invited me."

"Dinner date?"

"Yes! Di ko nga ineexpect. But he asked me to come."

Hindi niya ipinahalata ang pagkadismayang naramdaman. There's no reason for her to be affected. Ano kung inimbita pala ng lalaki ang pinsan niya? May naging relasyon ang mga ito. Sila wala. They were just fuck buddies before. Relasyong nabuo lang sa init. At walang ibang nakakaalam non kundi sila lang dalawa ni Kaleb.

"Well, that's good!"

"Pero nagu-guilty ako na maiiwanan kita dito. Ano kaya kung sumama ka sa akin?"

Nawindang na nanlaki ang mata ni Gel. "No! You should go. I'm fine."

"Bakit hindi ka sumama? He's with his friend. It would be fun."

Double date, ganon? Napangiwi siya. That would be awkward. Kanina nga na nakaharap niya si Kal hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakakablangko ng isip ang presensya nito. Hindi pa siya kalmado ngayon. Paano pa pag nagkrus ulit ang landas nila ng lalaki? Ang makaharap ito habang nasa tabi lang niya ang pinsan ay nagbibigay na sa kanya ng kilabot.

"Ikaw na lang, Gi. I'm staying here."

"Gel naman.." Lumabi sa kanya ang pinsan. Umiling talaga siya.

"Pagod nga ako. Parang di pa maganda pakiramdam ko. It would be better if I stay here and rest for tonight para okay na 'yung feeling ko bukas."

"Are you sure?"

Tumango siya. "Yep. Okay lang ako dito. Go with him. I-Hi mo na lang ako kay Kaleb."

"Sure!" Niyakap siya nito. Pero biglang natigilan at napatitig sa kanya.

"O, bakit?"

"How did you know his name?"

"Uhm.." Hindi pa ba nito binanggit sa kanya? "Binanggit mo ang pangalan niya kanina?" Pero hindi nga siya nag-uusisa at hindi rin nagkukwento ang pinsan niya tungkol sa lalaki.

"Talaga? Oh, my god. I'm sorry. Naexcite yata ako, nakalimutan ko."

"Saka tinatawag mo siyang Kal. So I assumed Kaleb ang pangalan niya."

Tumawa si Gigi. "Right. His name is Kaleb Matthew Donovan."

"And he's the ex you're talking about right?"

Nang tumango ang babae, parang tuluyang nabasag ang puso niya. Another man, another heartbreak. Tangina.


 HINDI alam ni Gel kung anong oras na dumating si Gigi. Nakatulog na siya kahit na binagabag siya ng mga isipin na may kinalaman sa pinsan at sa lalaki. Tila tumatak sa isip niya ang mga sinabi ni Gigi.

TEMPTATION ISLAND: Hot EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon