CHAPTER 32

1.5K 31 0
                                    

JERMIN'S POV

Nasa isa akong lumang warehouse at halos mga taong kasama ko dito ay alam kong malalakas at mga killers.

Hindi ko alam kung bakit nainvite ako sa isang walang kwentang pagcelebrate ng pagtitipon ng mga assassins at mga killers or parehas na ata yun.-_-

Hindi tuloy ako nakapasok sa school tss miss ko na si Jake ugh.

Biglang may narinig kaming tunog sa taas ng second floor kaya napatingala kaming lahat at isang matangkad na lalaki ang nakatayo dun kaso hindi namin maaninag ang muka nito dahil sa naiilawan ang likod nito.

"Welcome everyone!!salamat sa pagdating nyo kahit parang biglaan ata ang pagtawag ko sainyong lahat!!Gusto ko lang sanang sabihin sainyo na inuutusan tayo ng pamahalaan sa nakakataas na patayin ang mga hayop na mga linta na sususgudin ang ating bansa. Dahil sa mga assassin tayo inuutusan rin tayo ng pamahalaan na gawin tong trabaho ng tahimik at dapat walang nakakaalam tungkol dito."-sabi ng lalaki at halata sa kanyang boses ang dignidad nya at proud na proud pa sya. Sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin namin nakikilala ang kanyang totoong pagkatao kahit na ilang taon narin namin syang taga-bigay ng utos na galing sa nakakataas.


"Kailan ang laban?"-biglang tanong ng isang hunk na nakangisi pa.


"This upcoming Winter!!meaning it might happen on the Christmas Day!!"-sabi ng lalaki at pumalakpak pa to.


Biglang nagkakaguluhan yung iba dahil nagrereklamo sila na paano ang kanilang pagdidiwang sa pasko kasama ang kanilang pinakamamahal.


Ako naman tahimik lang ako, nakasandal sa pader at syempre nakamask ako nun.


"Manahimik kayong lahat!!Kaya nga't inuutusan tayo ng pamahalaan na patayin sila para sa susunod na pagdidiwang ay katahimikan na at walang ng manggugulo. Kaya sana magparticipate kayo sa projektong ito."-sabi nito at nagbow saka umalis.


Nagkaguluhan ulit kasi magkokomento palang sila pero umalis na agad yung tagapagbigay ng inpormasyon samin.


Napailing-iling na lang ako at nakapamulsang pumunta dun sa assistant nung kanina at saka nagpatattoo sa leeg na pumapayag ako sa projekto.


Tahimik lang ang iba sa panunuod sakin na nagpapalagay ng tattoo at unti-unting nagsisilapitan sila at nagpapatattoo sa iba.


Hindi ko alam kung para saan tong tattoo na to pero siguro habambuhay na to kasi tattoo to eh?-_-


Ng matapos hiniram ko yung salamin nila at tiningnan ang tattoo ko sa leeg.


Dalwang letra ang nakapanulat. "D.E."


Hindi ko alam ang meaning nun at binalewala na lang ang matter nayun tsaka umalis.


Nakalabas na ako ng warehouse ng papalapit na sana ako sa motor ko ng may pumutok kaya tinilt ko ang ulo ko.


"Magwarning muna bago mo ko barilin sa ulo."-ani ko tsaka sumakay ng motor at ipinaharurot agad to.

THE COLD BLACK PRINCESSWhere stories live. Discover now