Chapter 3: Seducing JD Part 1

99.1K 2.1K 419
                                    

Chapter 3: Seducing JD Part 1

 

 

Nozomi's P.O.V

 

 

          Sunod-sunod na pagdoorbell ang sumira sa pagsisiesta ko.

          "Sadali lang!" malakas na sigaw ko sa kung sino man ang kumakatok sa pinto ng condo ko.

          Imposibleng si Sean yun. Dahil una, may susi sya ng condo ko. Pangalawa, hindi marunong kumatok yun...bastos yun eh!

          "Sino kaya 'to?" inis na sabi ko habang naglalakad papalapit sa pinto.

          At sa pagbukas ko ng pinto...

          "Rina?!"

          Bago pa ako makapagtanong kung ano ang ginagawa nya sa condo ko ng ganitong oras, bigla na lang nya ako sinugod ng malakas na yakap.

          "O? Anong nangyari?"

          "He's back..." her voice is broke.

          Sinong nagpaiyak sa best friend ko huh?!

          "Huh? Sino?"

          "JD..." sabi nya at saka malakas na umiyak. "And he's...he's..."

          Puro iyak lang ang naintindihan ko sa mga pinagsasabi nya. Pero narinig ko naman ng maayos yung sinabi nyang pangalan.

          'So he's back?' sa isip ko. 'The nerve!'

 

          Hinagod ko ang likod ni Rina para patahanin sya at saka sya inakay papasok sa loob ng condo ko.

          And after a while, kumalma na din sya at nagsimula na nyang ikwento ang lahat.

          "WHAT?! HE'S ENGAGED?!" hindi makapaniwalang-sabi ko. "Sinong pumatol sa baliw na yun?! Tara! Gusto kong makilala!"

          "Nozomi!" saway nya sa akin saka pinahid yung mata.

          "Baka naman ginugood time ka lang nun!"

          "No. It's true." malungkot na sabi nya. "I've never see JD that serious in my entire life."

          Napatingin na lang ako kay Rina habang unti-unti na namang tumutulo ang luha sa mata nya.

          My best friend has been crying for almost three years magmula ng umalis ang JD na iyon. And now she's crying again now he's back.

          She never stop crying after she realize her feelings for her stepbrother.

          I was about to say something nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at nagpaalam sandali kay Rina. Lumayo ako sa kanya at saka sinagot ang telepono.

          "Good evening babe~!" si Sean.

          "Walang good evening sa gabi ko kaya kung wala kang importanteng sasabihin, ibaba ko na 'to!"

          "Teka! Teka! Sandali! Bakit ba ang sungit mo? Inano kita?"

          Mabigat akong napabuntong-hininga at saka muling nagsalita.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon