Chapter 35: Anger

67.5K 1.4K 343
                                    

Chapter 35: Anger

 

 

Rina's P.O.V

 

          Naparaming tao ngayon dito sa loob ng bar ng isa sa mga kaibigan ni JD na si Ronan. Sa labas, mukha lang VIP bar yung lugar na ito, pero meron pa itong underground at doon karaniwang nagaganap ang mga bagay na ito...

          Ang tinatawag nilang underground brawl.

          Since tagapagmana ng isang Mafia group si Ronan, legal ang underground fight na ito. Dito sa lugar na ito...

          Legal pumatay ng tao.

          "Kanino ka pupusta?"

          Nagulat ako nang bigla na lang tumabi sa akin si Renji. Seryoso syang nakatingin sa loob ng arena. Seems so unusual na makita kong seryoso ang pinakabaliw na yata na tao na nakilala ko.

          "Kay JD ako..." sabi niya maya-maya. "Obvious na naman na kung sinong mananalo sa dalawa."

          Wala sa loob na napatingin ako sa direksyon ni Xander na nasa kabilang corner ng arena.

          He looks determined na mapatumba si JD.

          Naalala ko yung sinabi nya sa akin kanina bago sya tuluyang umakyat sa arena.

          "If I win this fight, I'll have you back..."

 

 

          Napahawak na lang ako sa tapat ng dibdib ko.

          Alam ko rin naman kung sino sa kanilang dalawa ni JD ang mananalo kayo kinakabahan ako para kay Xander.

          I saw JD fight so many times already. Walang makapagpabagsak sa kanya. Kahit marami pa syang kalaban, kaya nya iyon ng mag-isa.

          He's strong without giving too much effort.

          'Xander...'

 

 

          Sunod naman akong napatingin kay JD. At laking gulat ko nang makita syang nakatingin sa may direksyon ko.

          He looks angry all of a sudden. I mean lagi naman syang galit pero ngayon hindi ko malaman kung bakit nagagalit sya sa akin.

          Was is it because I am the cause of this fight?

          "Hala ka! Pinagselos mo na naman si JD!" balik na naman sa pagiging abnormal nya si Renji. He even move his index finger in front of me. "Patay na yang kabit mo!"

          "Huh?!" nasabi ko na lang.

          "Hehehe..." ngumisi na lang sya sa akin saka nya ako biglang inakbayan.

          "TAKE YOUR HANDS OFF HER YOU STUPID ANNOYING JAPANESE!" nagulat na lang ako nang lumabas si JD sa may arena.

          Pero hindi din sya tuluyang nakalabas dahil sa pinigilan sya ng mga naglalakihang lalaki na nasa loob din ng Arena.

          "See?" natatawang sabi ni Renji saka alis ng kamay nya sa balikat ko at itinaas nya iyon sa ere sabay harap kay JD. "Joke lang Boss! Hehehe!"

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon