Chapter 39: JD's Pain and Picture

67.8K 1.5K 224
                                    

Chapter 39: JD's Pain and Picture

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          Dahan-dahan kong iminulat yung mata ko.

          Teka. Nasaan ako? Hindi ko natatandaang nakahiga ako sa isang malambot na kama, may kumot na nakapatong sa katawan ko na umabot hanggang balikat ko at lalong hindi ko naalala si Rue na nakahiga malapit sa mukha ko.

          Agad akong napabangon nang mapansin kong nasa ibang lugar ako.

          Ang huling tanda ko, nasa may forest ako sa Westside at nagrereview. Tapos ngayon, nasa isang kwarto na ako ngayon?!

          Inikot ko yung paninigin ko. Pamilyar yung lugar.

          "Kwarto ko?" takang tanong ko sa sarili ko.

          Napakunot-noo akong bumangon sa kama saka lumabas para tingnan kung tama ba yung hinala sa utak ko.

          At sa pagbaba ko sa may sala, nakita ko sila Papa, Mama at si JD na nasa may dinning table.

          'Paano ako nakauwi sa bahay?!' sa isip ko.

          "Glad your finally awake hija! Come! Join us!" tawag sa akin ni Papa.

          Nagtataka man ay sumunod na lang ako saka naupo sa pwesto ko sa may dinning table...

          Sa pwesto sa tapat ni JD.

          I saw him drinking coffee...kahit gabi na. Ngayon ko lang din yata sya nakitang nagkape?

          Either way, ayoko ko munang makipag-usap sa kanya kaya sisikapin kong hindi mapunta sa akin—amin, yung usapan.

          "Mayroon po bang nag-uwi sa akin dito?" tanong ko sa direksyon nila Mama at Papa nang maalala kong itanong ang tungkol sa bagay gumugulo sa akin kanina pa.

          "Nag-uwi?" takang ulit ni Papa saka napatingin sa direksyon ni JD sa hindi ko malamang dahilan.

          Then, I saw him smile a lightly pero agad ding nawala iyon. I think he's trying to hide it to JD. I wonder why.

          "Bakit Rina? Bakit mo natanong?" amuse na sabi ni Papa.

          Kakasabi ko pa lang naman na sisikapin kong hindi mapunta sa akin yung usapan. But look what happen?

          "Wala lang po..." iwas ko sa tanong.

          Ayoko ko na kasing humaba pa yung usapan. Mamaya mauwi pa yan kay JD.

          So I try to disintegrate my presence here in the dinning table and eat my dinner. Kahit na pakiramdam ko na wala akong ganang kumain since nasa harapan ko lang si JD, pinilit ko na lang yung sarili ko.

          "By the way," sabi ni Papa matapos naming kumain. "It's already December. Do you have any plans this month?"

          Huh? December na?! "Anong araw na po ngayon Papa?" tanong ko.

          "It's already December 15 hija." sabi ni Papa saka napatingin ulit sa direksyon ni JD. "Just 10 days to go before—"

          "I don't want to talk about that." biglang sabi ni JD saka tumayo at tinapunan ng masamang tingin si Papa. "Cut the crap old man!"

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon