Chapter 30: The Planned Surprise

73.6K 1.5K 146
                                    

Chapter 30: The Planned Surprise

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          Kalat na kalat na sa buong school yung pagkakawatak-watak ng Trinity X.

          At gaya ng inaasahan, madaming babae ang umiyak at nagluksa. Idagdag pa ang pag-alis o mas magandang sabihing pagtanggal nila kay Prince Viel sa grupo.

          It was a shock to all the students in Westside. Alam kasi ng lahat kung gaano katibay ang samahan na iyon. Ang dami ngang gustong sumali sa kanila pero walang pumasa. Sikat na sikat ang grupo nila...in a good way and bad.

          And I was wondering, ano ang dahilan kung bakit isang araw, bigla na lang nawala ng Trinity X.

          The group that rules the Westside...is now gone.

          Kaya nga ang dami na ding lumalabas na mga maliliit sa fraternity group at gustong makuha yung pwesto na iniwan ng Trinity X sa school.

          Para ngang nagkaroon ng chaos sa school. Madami ng nag-aaway at naghahamon ng away. Maraming nagpapayabangan at may ilan din nanlalait sa nawalang Trinity X.

          Yung space na iniwan ng grupo nila, napakalaki ang naging epekto sa buong Westside.

          "Spacing up?"

          Nagulat ako nang may bigla na lang magsalita sa tabi ko. At sa paglingon ko, nakita ko ang nakangiting si B.O.

          Ewan ko ba kung bakit iba ang pakiramdam ko sa mga ngiti nyang yun. Mas nangingibabaw sa akin yung takot para sa kanya sa hindi malamang dahilan.

          Maybe he's new kaya naninibago pa ako? Ewan! Basta hindi ako komportable sa kanya.     

          "Penny for your thoughts?" sabi pa ulit nya.

          Umiling lang ako sa kanya saka napatingin sa labas ng bintana.

          Better not talk to him Rina. Don't talk to him!

          "Bakit ayaw mo sa akin?"

          Muli akong napalingon sa kanya nang marinig ang sinabi nyang yun. "Huh?"

          "You always try to avoid me. Napapansin ko lang." sabi nya saka nya ipinatong yung isang siko nya sa mesa ko at inilagay nya yung baba nya sa kamay nya na nasa mesa. "Sabihin mo nga, nababahuan ka ba sa akin?"

          Hindi ko nakuha yung sinabi nya. Tinutukoy nya ba yung pangalan nya? Pero ang mas hindi ko makuha ay yung bigla nyang pagtawa matapos nyang sabihin iyon.

          "Tsk! Kainis! Akala ko lulusot ang joke ko!" napapitik pa ito sa ere. "You're Rina right?"

          Tumango na lang ako sa kanya. Ano bang gusto nya sa akin? Bakit nya ba ako kinakausap?

          "You're cute but a little bit snob." he said in a matter of factly tone.

          Huh? Ako? Snob? "Hindi ah!" sabi ko.

          "Really?" he said then even raised his right eye brow to me. "Then talk to me."

          Nakatingin lang ako sa mukha nya sa loob ng ilang segundo.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon