Chapter 17: In between the boys

92.1K 1.9K 480
                                    

Chapter 17: In between the boys

 

 

Rina's P.O.V

 

 

          WTF?! "What's the meaning of this?!"

          I was so shocked to see JD standing right in front of me and Xander in this kind of awkward position.

          You must be wondering kung bakit at paano kami napunta sa ganito right?

[Flashback]

 

 

          "You can sleep here..."

          "Okay..." he said then gets up.

          Akala ko hihiga na agad sya sa kama at magpapahinga kaya lang nagulat ako nang lagpasan nya ako at saka dumerecho sa loob ng CR sa kwarto ko.

          At sa paglingon ko sa kanya, nakita ko syang nakangisi na habang hawak-hawak yung first aid kit.

          "Anong balak mong gawin dyan?" napaatras ako habang palapit naman sya ng palapit.       

          "Gagamutin natin ang sugat mo." sabi nya lang habang nakatingin sa mata ko at humahakbang papalapit.

          "No! Ayoko!" mariing tanggi ko.

          Nasabi ko na ba sa inyo na sa sobrang sakit ng pasa ko sa katawan at mukha, mahawakan mo lang eh ang sakit na? Eh kung gamutin pa kaya? Mas lalo ng masakit!

          "Wag ka ngang isip-bata Rina." sabi nya sa akin saka mas lumapit.

          "Isa Xander!"

          "Dalawa Rina!"

          At para kaming mga bata na naghabulan paikot sa kama. Para kaming mga sira pero at the same time, natatawa kami sa isa't-isa. We never see each other playful side kasi kaya siguro ganoon.

          At hanggang sa matumba ako sa ibabaw ng kama. At bago pa ako makatayo, pumaibabaw na agad sya sa akin.

          "Tapos na ang maliligayang araw mo Rina Alcantara! Bwahaha!" he even try to sound evil doon sa tawa nya.

          "Hahaha! Baliw—aray!" bigla ba naman nyang ilagay sa mukha ko yung cold compress na hindi ko alam saan nya nakuha at paano nya nalagyan ng yelo. Magician lang?

          "Mas lalong sasakit yan kapag pinabayaan nating ganyan yan..." sabi nya saka dahan-dahan nilagay yung cold compress sa akin.

          "Aray! Dahan-dahan naman! Ang sakit kaya!" reklamo ko.

          "Tiisin mo lang! Para din naman 'to sa'yo eh!" sabi nya saka hinipan yung pisngi ko para hindi gaano sumakit.

          "Ang sakit mo gumamot! Babagsak ka bilang doktor!" parang batang sabi ko.

          "Ikaw lang nag-iisip nyan!" natatawang sabi nya.

          "Ang yabang mo din ano?"

          "Hahaha! I'm just telling the truth." sabi nya saka kumuha ng ointment sa loob ng first aid kit at pinahid sa pisngi ko.

          "Aray!"

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon