Chapter 19: Unexplainable Jealousy

83.3K 1.7K 103
                                    

Chapter 19: Unexplainable Jealousy

 

 

Rina's P.O.V

 

 

            "Nasaan na yung corset?!"

          "Yung sinulid?!"

          "Yung silk ko nasaan?!"

          "Nasaan na ba yung mga model?!"

          Yan ang kabi-kabilang sigaw ng mga kaklase ko. Panic is in the air. Tarantang-taranta na ang lahat...maging ako.

          Wala namang problema sa grupo ko. Kumpleto kami ng lahat nga materials. Pero ang pinakamalaking problema namin ngayon...yung model namin.

          JD IS MISSING! Sa oras pa ng runaway namin! My God!

          "Ano na Rina?! Nasaan na sya?! Nakontak mo na ba?!" tarantang tanong sa akin ni Nozomi.

          "Hindi pa nga eh..." sabi ko habang nakadikit sa tenga yung phone ko. Trying to reach his phone.

          'Ano ba JD! Answer your phone!' sa isip ko.

          Napakagat na ko sa kuko ko sa sobrang panic. Two hours to go at magsisimula na ang fashion show namin. At hanggang ngayon, wala pa kaming nagagawa dahil wala pa yung model namin para masukatan!

          Kahit yung si Renji at yung ibang kaibigan nya, missing in action din. Even Prince Viel nawawala! Kaya lahat kami ngayon sa buong klase namin...wala pang nagagawa ni isang damit!

          "2 hours to go..." sabi ni Nozomi. "No! Ibabagsak nila tayong lahat! Waaaa!"

          Gusto ko na ring maiyak. Ayokong bumagsak sa subject na 'to dahil una, major ko 'to. Pangalawa, graduating na ko at pangatlo, stressful masyado ang major ko na 'to kaya ayoko ko ng umulit pa!

          "We have no choice!" sabi ko sabay kinuha yung tape measure at sinabit sa paligid ng leeg ko. "Kailangan na natin syang mahanap!"

          Then I started giving instruction to my team mates kung saan nila pwedeng hanapin si JD. Wala na kaming oras. It's all or nothing! At kapag hindi namin sya nakita ngayon, goodbye graduation! Hello another year!

          Bago magsimula yung klase, ginulat kami ng mataray naming Professor na magkakaroon daw ng biglaang runaway show mamayang gabi. Kasama daw kami sa magiging opening acts ng welcome party for the first years. Kailangan din daw naming gandahan ang mga finish product namin para matuwa yung mga visitors from the other school na maaring maging sponsor din ng college namin kapag nagustuhan nila yung show.

          Wala naman sanang problema dun. Kakayanin naman namin yun eh! Kaninang umaga pa in-assign sa amin ni Ma'am yung task kaya madami pang oras. Pero, ngayong nawawala yung model namin, wala na kaming pag-asa! Babagsak na kaming lahat!

          Bawal kaming kumuha ng panibagong model dahil iyon na yung nakasulat sa official list ng show. At kung magpapalit kami, it will take hours para maasikaso ang lahat ng dapat aysuin.

          And we're running out of time! One hour and 30 minutes na lang ang natitira!

          "Saan ka na ba?" mahinang sabi ko habang tumatakbo sa paligid ng Westside.

My Jealous Stepbrother (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon