Chapter: 01

17.9K 226 5
                                    


***

Audrey's POV

Nandito na ako ngayon sa harapan ng school namin.

Pagkapasok ko pa lang ay kanya kanya ng pares ng mata ang naramdaman kong nakatitig sa'kin. Ano pa nga bang aasahan ko? Sa araw araw na ginawa ng Diyos, routine na yata nila yan.

I'm Audrey Rodriguez. I hate socializing nor talking to other people lalo na kung hindi kita close, well wala naman talaga ko'ng close na tao or so-called friends. Iisang tao lang naman kinakausap ko eh. My bestfriend.

"Audrey!" Oh! Speaking of my noisy friend.

She's Amber Brilliantes, the only person I can trust in this world full of untrustworthy people. The only person who knows my entire story. The person who never judge me for being me. The only person who made me feel like I deserve to live in this world. The only person who gave me so many reasons to live. I love her so much though I never show it. We were both alone when we found each other. Her parents died because of a car accident 4years ago, wala rin siyang kapatid o ibang mga kamag-anak. She was all alone, she was left with no one until we crossed each other paths. Her life was so tragic but she can still manage to smile. I wonder where she've got the power. Malaki ang kaibahan naming dalawa. Siya naiwan samantalang ako itinakwil at iniwan.

"Amber lower down your voice. Magkalapit lang tayo." Sarkastikong sabi ko.

We live in the same house.Her house rather.

"Sorry Audz kung hindi na kita nahintay, tulog ka pa kasi nung umalis ako kaya hindi na kita ginising." Sabi niya habang tumatawa ng mahina. Hindi ko alam kung bakit siya tumatawa.

"It's okay." Simpleng sagot ko and then she did her most annoying facial expression. She pouted.

Naglakad na kami papasok ng classroom namin.

Habang naglalakad kami sa may hallway ay tinginan lahat ng estudyante saamin.

Ang skwelahang pinapasukan namin ay isang private school, all the students in this school are came from a wealthy family. Kaya lang naman kami nakapasok dito ay dahil sa scholar. I'm proud to be one of the scholars though.

Noon ay hindi ko iniintindi ang mga babayarin ko sa school kahit private school ang pinapasukan ko. Mayaman ang mga magulang ko kaya hindi ko 'yon pinoproblema noon. Isang sikat na business man ang daddy ko samantalang ang mommy ko naman ay isang kilalang fashion designer. Dalawang taon na rin simula ng itakwil nila ko.Dalawang taon simula nung ibinasura nila ang sarili nilang anak. Oo yun yung ginawa nila sa'kin pakiramdam ko isa akong basura na itinapon nila nang dahil lang sa hindi nila gusto. Hindi birong paghihirap ang naranasan ko sa dalawang taon. Nagtrabaho ako para may maipakain sa sarili ko. Nagtrabaho ako para makapag-aral. Nasaan sila? Nasaan yung pamilya ko? Pamilya nga ba ang dapat na itawag sa mga taong katulad nila?

Sa dalawang taon na pagkawala ko ay hindi man lang nila ko hinanap. Akala ko tama ang sinasabi nila na 'ang anak kayang tiisin ang magulang pero ang magulang hindi kayang tiisin ang anak. Isang malaking kalokohan! Kung hindi nila ko kayang tiisin bakit hindi nila ko hinanap? Bakit nila ko pinabayaan? Bakit ipinaramdam nila sa'kin na napaka wala kong kwenta kaya nila ko itinapon? Anong klase silang mga magulang!

"A-Audrey p-pwede ba kong humiram ng ballpen?" Sa kalagitnaan ng pagdadrama ko sa madrama kong buhay ay napalingon ako sa kaklase kong nerd ng bigla niya akong kinausap.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Nerd ka pero wala kang ballpen?" Tanong ko saka ko siya inirapan.

Ganito ako sa school mataray, masunget, wala rin akong kaibigan dito si Amber lang talaga, dahil wala naman kasing nagkakamaling makipagkaibigan sa'kin dahil alam nila na hindi ako pala kaibigan at sigurado na kapag lumapit sila sakin ay tatarayan ko lang sila. Less friends, less drama.

"GoodMorning class! gusto ko lang sabihin sa inyo na ang anak ng may ari ng school na'tin na Infinite Academy ay dito na mag-aaral at nandito na siya ngayon." Sabi ni Mrs. Ramirez.

Pumasok ang isang babae na kasing edad lang namin. Mukha siyang mataray, maganda din siya.

"I'm Summer Rodriguez, It's nice to meet you all." Sabi niya pero halata naman sa boses niya ang kaplastikan.

"Ms. Rodriguez you may sit beside..." Inilibot ni Mrs. Ramirez ang kanyang paningin at nadako ang tingin niya sa tabi ko na walang nakaupo.

"Ms. Rodriguez." Sabi niya.

Fuck.

"Huh?" sabi ni summer.

"Oh I'm sorry! I didn't notice that you have the same Lastname." Sabi ni Mrs. Ramirez, saka ko lang din narealize na magkapareho pala kami ng apelyido.

Lumapit na si summer papalapit sa tabi ng kinauupuan ko.

"Ayoko dito palit tayo ng pwesto." Mataray na sabi niya sakin.

She've got to be kidding me.

"What? Hell no." Mataray kong sabi.

"What? Sino ba satingin mo ang masusunod sa ating dalawa? Tandaan mo ako ang anak ng may---" I cut her words. Saka ako naiiritang tumayo.

"Ang parents mo ang may-ari ng eskwelahang ito. Hindi ikaw. Hindi porket anak ka eh magagawa mo na kung ano ang gusto mo sa skwelahang ito. May patakaran dito na kailangan mong sundin at kahit saan tayo magpunta ngayon, kahit iharap mo pa ko sa mga magulang mo alam nila na hindi tama ang ginagawa mo. Tandaan mo pare pareho lang tayong estudyante dito, wag kang pa-VIP." Mahinahong sabi ko.

"Summer, audrey is right. Maupo kana lang dyan." Sabi ni Mrs. Ramirez.

Padabog na umupo naman si summer habang nakatingin sakin ng masama. Tinignan ko lang din naman siya ng masama.

If looks could kill, she'd be lying on the floor.

---

Pain and Regret Where stories live. Discover now