Epilogue

11.8K 203 73
                                    

Amber's POV

"Audreeeey! Alam mo ba yung kuya mo nakakainis! Sabi niya sakin ako lang nililigawan niya tapos kanina nakita ko siyang may kasamang ibang babae! Nakakainis siya!!"

"Nga pala audz, kumusta kana? Sorry kasi ngayon lang kita napuntahan ha? Kasi naman! Teka lang ah, naiiyak nanaman ako! Ang daya mo kasi. Sabi mo lalaban ka eh! Yan tuloy! wala akong kasamang sumapak sa kuya mo!"

"Audz! kanina pa ko salita ng salita dito pero di ka naman sumasagot. Pero syempre mas gusto ko naman na wag ka nalang sumagot."

Pagkasabi ko nun ay bigla nalang dumampi sa katawan ko ang malamig na hangin, nagsitaasan pa ang mga balahibo ko.

"Audrey! Sabi ko joke lang yun eh! Wag mo naman akong takutin!"

Nandito ako ngayon sa harapan ng puntod ni Audrey. Dalawang taon na magmula ng mawala siya, dalawang taon na magmula nung iniwan niya kami. Naaalala ko nanaman. Naaalala ko nanaman yung araw na sinabi saamin ng doctor na wala na ang kaibigan ko. Ang araw na pakiramdam ko gumuho ang mundo ko sa pangalawang pagkakataon.

Flashback

"She didn't survive."

Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko ang mga salitang iyon. Biglang namanhid ang katawan ko pero ramdam na ramdam ko ang pa'rin ang hindi maipaliwanag na sakit. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang napaka-importanteng bagay. Gusto kong sumigaw sa harapan ng doctor pero walang lumalabas na kahit isang letra sa bibig ko. Gusto kong itanong sa doctor kung pwede na ba kong tumawa dahil sa joke niya, Pero wala akong nagawa, pakiramdam ko hinang hina ako, buong buhay ko ngayon ko lang ulit naramdaman ang sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Walang nagsasalita ni isa sa amin, nabalot ang hospital ng nakakabinging katahimikan, tanging mga hikbi lang namin ng mommy ni audrey ang maririnig. Si kevin nakayuko lamang samantalang ang kanilang ama ay umiiyak, napansin ko iyon dahil sa paggalaw ng balikat nito na wari mo'y humihikbi.

"Ahh!!" Lahat kami ay nagulat ng bigla na lamang sumigaw ng pagkalakas lakas si Mr. Rodriguez kasabay ng paghagulgol niya sa pag-iyak, napabagsak siya sa sahig habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang sintido.

"D-Doc sabihin niyo sakin na hindi totoo ang sinabi ninyo. Bawiin mo ying sinabi mo. Doc, buhay ang kapatid ko diba? Buhay ang kapatid ko!  Magsalita ka!!" Sigaw lang ng sigaw si kevin habang niyuyugyog nito ang balikat ng doctor.

"I'm sorry pero ginawa ko na lahat ng makakaya ko, masyado ng lumala ang kalagayan ni Audrey kaya hindi na niya nakayanan at kusa ng bumigay ang katawan niya." Pagpapaliwanag ng doctor na para bang hindi 'rin makapaniwala sa nangyaring operasyon.

"Doc sabihin mo naman po sakin na nagbibiro ka lang oh. Doc diba nangako ka na gagawin mo ang lahat? Diba nangako ka na bubuhayin mo siya! Doc anong nangyari? Bakit mo siya hinayaang mamatay! Doc baket? Doc please sabihin mo naman saking buhay pa siya, please sabihin nyo sakin na nagbibiro ka lang." Napahagulgol na rin ako sa kakaiyak, kaya nilapitan ako ni kevin at niyakap ako nito. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya hanggang sa manghina ako at tuluyan ng napaupo dahil sa panlalambot ng mga paa ko.

"No! This isn't true. Hindi patay ang anak ko. Anong klase kang doctor kung hindi mo siya nakayang buhayin?! Bakit mo siya hinayaang mamatay?!" Niyuyugyog ng mommy ni audrey ang braso ng doctor habang humahagulgol ito sa pag-iyak.

"I did everything that I can. God knows I tried." Mahinang sambit ng doctor.

"No! You didn't try hard enough! Magkano ba? Kahit magkano magbabayad ako doc buhayin mo lang si audrey! Parang-awa mo na buhayin mo ang anak ko. Masyado nang naghirap ang anak ko she doesn't deserve to die." Humahagulgol na si Mrs. Rodriguez sa harapan ng doctor habang nagmamakaawa ito na buhayi niya ang anak niya. Kulang nalang ay lumuhod ito sa harapan ng doctor.

Pain and Regret Where stories live. Discover now