Chapter: 16

9.2K 144 9
                                    

Amber's POV

Pabalik ako ngayon sa room ni Audrey dahil binilhan ko siya ng pagkain. Umuwi ang mommy niya dahil may aayusin daw. Ang daddy naman niya ay kasalukuyang nakikipag-usap sa doctor, kaya iniwan ko na muna saglit si audrey para bumili ng makakain.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto.

"A-Audrey?" Nagulat ako ng pagpasok ko ay hindi ko siya nakita. Kaagad akong nakaramdam ng sobrang kaba kaya agad akong tumakbo papunta sa doctor.

"Doc! Si audrey po nawawala!"

"What?" Gulat na sabi ng daddy niya at agad na din siyang tumakbo.

Nilibot namin ang buong hospital pero hindi namin siya nakita.

"Audrey where are you?" I mumbled to myself.

Nasa labas kami ngayon ng hospital. Nililibot ko ang mga mata ko sa paligid at nagbabaka-sakali na makita ko siya.

Bigla nalang akong nakaramdam ng sobrang takot at kaba ng makita ko kung nasaan siya.

"A-Audrey!" Napatingin silang lahat sa tinitignan ko at sabay sabay naming nilapitan si audrey na nakahandusay sa sahig sa may garden at walang malay.

Kaagad siyang binuhat ng daddy niya at dinala sa room. Lahat ng nurse ay nataranta maging ang doctor.

"Mr. Rodriguez I think this is the right time to do the operation." Sambit ni Dr. Jimenez sa daddy ni audrey.

"Walang kasiguraduhan ang operasyong ito Mr. Rodriguez pero ipinapangako kong gagawin ko ang lahat." Pagpapatuloy ng doctor.

"I don't care doc. We need to take the risk. I will trust you so please do everything." Saad nito at tumango naman ang doctor.

Kaagad siyang lumapit sa mga nurse at sa assistant nito.

"Prepare the operating room." Sambit ni Dr. Jimenez.

"Doc, the operating room is ready. The patient can be transferred." Sambit naman ng isang nurse na mukhang kanina pa nakahanda. Dali dali na nilang dinala doon si Audrey.

Nang makapasok na sila sa operating room ay siyang dating naman ng mommy at kuya ni audrey. Umiiyak ang mommy nya habang tumatakbo at halata naman sa mukha ni kevin ang labis na kaba.

"Where's my daughter?" Tarantang tanong ni Mrs. Rodriguez.

"Ngayon na siya ooperahan." Seryosong sabi ng daddy ni audrey. Bigla namang napatakip ng bibig si Mrs. Rodriguez habang umiyak kaya niyakap siya ng asawa nito.

Hindi ko na nakayanan kaya tumakbo ako palayo sa kanila. Habang tumatakbo ako ay bigla nalang akong dinala ng mga paa ko sa maliit na chapel sa loob ng hospital. Pumasok ako dito habang umiiyak.

Nakatingin ako sa altar habang tuloy pa rin sa pag-bagsak ang mga luha ko. Habang naglalakad ako ay bigla nalang akong bumaksak at napaluhod dito.

"Panginoon, wag niyo po munang kunin ang kaibigan ko. Siya nalang po ang meron ako. Nang mga panahong nawala ang mga magulang ko, pakiramdam ko mag-isa nalang ako. Pakiramdam ko wala ng saysay ang buhay ko, wala ng dahilan para manatili ako sa mundo gayong wala na ang mga taong mahal ko. Pero lahat ng 'yun nagbago simula nang makilala ko si audrey. Ipinarealize po sa akin ni audrey na hindi porque nawala ang mga magulang ko hindi ko na maipagpapatuloy ang buhay ko. Ipinaramdam niya sakin na may saysay pa para mabuhay, pinaramdam niya na hindi ako nag-iisa. Kaya wag nyo muna po siyang kunin. Dahil hindi ko kakayanin pag nawala siya. Kapag pati siya nawala h-hindi ko po alam kung may darating pa sa buhay ko na isang kaibigan, para iparamdam sakin na hindi ako nag-iisa. Hindi ko po alam kung kakayanin ko."

"Hindi ka nag-iisa amber."

Nagulat ako ng bigla na lamang may magsalita mula sa likod ko at pagharap ko

"K-Kevin?"

"Sorry kung sinundan kita kaninang tumakbo ka." Sabi nito.

"Kevin, audrey is a strong girl and I know she will survive."

Tumango lang ito at pagkatapos ay sabay na kaming nagdasal ng mataimtim.

***

Nandito kaming lahat sa labas ng operating room at taimtim na nagdarasal, habang ang daddy naman nila ay kanina pa balisa at pabalik balik na naglalakad.

Maglilimang oras na simula ng umpisahan ang operasyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang doctor.

Sobrang kaba at takot ang nararamdaman naming lahat ngayon at tanging pananalig na lamang sa diyos ang kaya naming gawin. Lahat kami ay walang gana, magmula nung ipasok si audrey sa loob ay nandito lang kami sa labas habang hinihintay siya. Alam ko mabubuhay siya. Audrey please, stay alive.

"A-Aldrin, ang anak ko.." Bigla nanamang napaiyak si Mrs. Rodriguez.

"Magtiwala tayo. Malalampasan niya 'to." Sagot naman ng asawa nito.

Kailangan mong lumaban audrey. Marami kaming naghihintay sayo. Please, wag ka munang umalis. Alam mo naman na hindi ko kakayanin kapag nawala ka. Tuparin mo naman yung pangako natin sa isat isa na walang iwanan.

Alam ko na walang kasiguraduhan ang operasyon na yon. Dahil sa oras na hindi siya maka survive sa operasyon na yan alam kong hindi nanamin siya makikitang buhay kahit kelan. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa at malaki ang tiwala ko na makakaligtas sya. Hindi siya papabayaan ng Diyos. Magtitiwala ako.

"Dad bakit po hindi na lumabas ang doctor?" Kinakabahang sabi ni kevin. Nakikita ko na namumutla na rin siya at hindi mapakali. Halos kaming lahat ay kinakabahan at natatakot sa magiging resulta ng operasyon.

"Hindi ko rin a-alam k-kevin." Sagot ni Mr. Rodriguez habang balisa pa rin ito. 

"Mr. Rodriguez."

Lahat kami ay napalingon sa doctor ng magsalita ito. Dahil nakalabas na pala siya. Nabalot ako ng takot at kaba pagkakita ko sa doctor.

"Doc kumusta po ang operation? Kumusta po ang lagay ng anak ko? Stable na ba siya? Gising na ba?" Tarantang tanong ni Mrs. Rodriguez.

"Doc kumusta po ang kaibigan ko? D-Doc ligtas naman po siya diba?" Tanong ko sa doctor habang nilalabanan ang sobrang kabang nararamdaman ko.

"Doc How's my daughter?" Kalmadong tanong ni Mr. Rodriguez pero bakas ang kaba sa mukha niya at halata rin sa boses nito na nagpipigil siya ng luha.

Lahat kami ay naghihintay na magsalita ang doctor pero walang lumalabas sa bibig nito na wari mo'y napipi. Maging si kevin ay naghihintay nalamang ng isasagot ng doctor.

"Sagot!" Malamig na sigaw ni Mr. Rodriguez na ikinabigla naming lahat.

Pero mas ikinabigla namin ang sunod na sinabi ng doctor. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko kasabay nito ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagpatak.

"I'm sorry..."

"She didn't survive."

Pain and Regret Where stories live. Discover now