Chapter: 13

9.1K 167 2
                                    

Kevin's POV

"Let's go?" Sabi ni mommy samin ni summer.

Papunta kami ngayon sa Infinite Academy na pag-aari ng pamilya ko dahil magpapatupad sila ng mga bagong rules and regulations sa eskwelahang iyon.

"Mom, Dad sasabay nalang ako kay kuya." Narinig kong sabi ni summer.

"Hell no." Mariin kong sabi.

"Why are you so harsh to me, kuya? I just want to ride with you!" Pagmamataktol nito.

"Kevin isabay mo nalang si summer." Dad said in finality kaya wala na'kong nagawa. Why do they need to spoil this girl. Psh.

Pagkalabas ko ng bahay ay kaagad na akong pumasok ng kotse ko.

"Kuya hindi mo ba ko pagbubuksan?" Sigaw ni summer.

"Wala ka bang kamay?" Sagot ko naman.

"Wow. Ang gentleman mo talaga kuya." She said with her sarcastic tone.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinaandar na ang engine ng kotse ko at sinundan ang kotse ni dad.

"Ang boring naman dito. Where's your ipod?" Tanong nito.

"Ayoko ng maingay."

"Magpapasound ako, whether you like it or not." Dahil sa inis ko ay inihinto ko ang sasakyan at tinignan siya ng masama.

"Subukan mo lang at papalabasin kita dito." I said with annoyance

"Ugh!!" She yelled then rolled her eyes.

Nang makarating kami sa harapan ng school ay kaagad ko ng ipinark ang sasakyan at naglakad na papasok.

"Wait!" Sigaw ni summer. Hanggang dito ba naman.

'OMG! Siya yung panganay na anak ng may ari ng school diba? Ang gwapo niya pala!'

'My Prince Charming!'

'My hubby!'

'Shaks ang gwapo ng boyfriend ko!!'

Napailing nalang ako ng marinig ko ang mga ingay na iyon.

"Kuya nasa cafeteria daw sila dad, yun daw ang una nilang titignan." Sabi ni summer kaya dumiretso nako ng cafeteria. It's been a long time.

Dito rin kasi ako nag-aral noong High School.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko sina dad na nakaupo habang may kinakausap. Which I assume the principal.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng cafeteria at napansin ko na wala namang masyadong nagbago, kagaya pa rin 'ito ng dati. Habang tinitignan ko ito ay nakikita ko ang mga babae na naglalagay ng mga make-up sa mukha nila.

"Kevin hindi ka ba uupo?" Tanong sakin ni mommy. Nakaupo sila ngayon sa VIP seats dito sa cafeteria kasama nila ang principal at yung dalawang head teachers na nakilala ko pa na sina Ma'am Bright and Ma'am Jedah.

Umupo nako sa upuan kung saan katabi ko si summer. No choice.

"How's the school Mrs. Quiroz?" Tanong ni mom dun sa principal.

"It's going well, madame. Mababait naman ang mga students dito at sumusunod sila ng maayos sa mga rules and regulations ng school."

"Good to hear that." Pormal na sabi ni dad sabay higop nito sa iniinom.

Habang kumakain ang lahat sa cafeteria ay bigla nalang bumukas ang pinto. Tumahimik ang lahat, umayos sila ng mga upo. Anong nangyayari sakanila?

Tumingin ako sa pinto, nagulat ako ng makita ko siya, when our eyes met napansin ko na medyo nagulat din siya, pero agad din namang bumalik ang blank expression sa mukha niya. I can't read what's on her mind.

Pain and Regret Where stories live. Discover now