Chapter: 15

9.3K 132 10
                                    

Kevin's POV

Pauwi ako ngayon sa mansion dahil may pinapaayos si dad sa kompanya niya at kailangan ko rin iparating doon na on leave si dad and mom. They wanna spend more time with audrey.

Pagkapark ko ng kotse ay kaagad na akong pumasok sa bahay.

"Kuya! Where have you been? Where's mom and dad?" Salubong sakin ni summer.

"Nasa hospital." Malamig na sagot ko. Hindi makakaila sa mukha ko ngayon ang galit na ekspresyon sakanya dahil sa ginawa niya.

"Hospital? Anong ginagawa nila don?"

"Binabantayan si Audrey."

"What?! Bakit naman nila babantayan yung babaeng yon?! Anong lason ba ang pinainom niya sainyo! Nagpapauto naman kayo sa kaartehan ng squater girl na yun! Da--"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko na siya. She deserves it.

"Umalis ka sa harapan ko habang may natitira pang pagtitimpi saakin." Mariin at seryosong sabi ko.

"Kuya, why did you do that!" Gulat na sabi nito habang nakahawak pa'rin sa pisngi niya.

"Get the hell out of my way." Mariing sabi ko.

"Bakit ba concerned na concerned kayong lahat sa babaeng yon! I can't un---"

"Because she's my sister."

I cut her words. Hindi ko matanggap ang mga sinasabi niya sa kapatid ko. Halos malaglag ang panga niya sa gulat. Naitikom nito ang bibig nya at hindi halos ito makapagsalita.

"What did you say? You're kidding right?!"

"Do you think I still have the time to make a joke in here?" I said sarcastically.

"No. You're just making fun of me." Hindi pa'rin makapaniwalang sabi nito.

"I'm not making fun of you summer. She's my sister. Siya yung kapatid ko na pinaalis noon nila mommy. Kaya nga ayoko sayo diba? Kasi pagkatapos nilang paalisin ang kapatid ko inampon ka nila. That's why I hated you for entering our lives. I'm not forcing you to believe me. Ang gusto ko lang ay malaman mo na ang babaeng kinamumuhian mo ay ang totoong anak ng mga taong kumupkop sayo. And now, do me a favor. Kung pwede lang, wag mo munang iharap sakin ang pagmumukha mo dahil baka hindi ko mapigilan at kung ano pa ang magawa ko sayo pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko." Seryosong sabi ko saka nako umalis sa harapan niya.

Summer's POV

No. This can't be!

Please! Not audrey. Not the girl I hated the most.

All my life pinangarap kong magkaroon ng pamilya. Ngayong nahanap ko na yon kaya hinding hindi ako makakapayag na aagawin lang sila sa'kin ni Audrey! Over my dead body.

Minsan lang ako sumaya and this time ipaglalaban ko na to. Hinding hindi na pwedeng bumalik sa dati ang buhay ko ngayon. Not anymore!

Flashback

"Hoy jessica! (Her real name.) Siguraduhin mong malinis ang trabaho mo, kundi malilintikan ka talaga saking bata ka!" Sigaw sakin ng walang kwenta kong tiyahin. 

Wala na talaga kong pamilya. Yung nanay ko? Nag-asawa na daw ng iba at iniwanan ako. Yung tatay ko naman ay wala akong balita. Baka nagpakamatay na. Wala naman akong pakealam sakanila buhay man sila o hindi. I don't even care about their existence.

At kung ang matatawag ko nalang na pamilya ay ang tiyahin kong ito. Mas gugustuhin ko nalang mawalan ng pamilya. Hinding hindi ko kayang ituring na pamilya ang isang demonyo.

Pain and Regret Where stories live. Discover now