Chapter: 04

8.3K 132 2
                                    

Nandito kami ngayon ni amber sa kwarto ko, inaayos namin ang mga dapat kong dalhin para bukas sa mala adventure na gagawin namin sa pampanga. Kung tinatanong niyo kung bakit niya ko sinasamahang mag ayos eh kasi yung kanya kagabi pa niya tinapos. Excited siya. SIYA LANG.

"Alam mo audz super excited na akong pumunta sa Mt. Arayat. Diba nandoon si Maria sinukuan?" Sabi niya habang tumatawa ng mahina, ako naman ay napahinto sa pag-aayos ng gamit at tinignan siya. 

"Masyado siguro siyang mahirap mahalin kaya siya sinukuan." Paghuhugot niya na inirapan ko lang.

"Pero excited na talaga ko! Di ka ba naeexcite audz?"

"Excited? Ikaw lang yata ang excited sa ating lahat eh saka ano bang ikina-eexcite mo eh magtatanim lang naman tayo doon?" Sabi ko at itinuloy na ang pag-aayos.

"Naku naman, Audrey Rodriguez! Masaya kaya yon! Malay mo makakita pa tayo ng mga wild animals diba?" Natatawang sabi niyana nginiwian ko lang

"Whatever!" Yun nalang ang nasabi ko. Ayoko na kasing makipag-talo sa babae na 'to.

Nang matapos kaming mag-ayos ng gamit ay naligo na kami at nagbihis. Ngayon na kasi ang araw ng alis namin.

"Audrey wala kana bang nakalimutan? Ila-lock ko na kasi ito." Tanong niya. 

"Wala na." Sabi ko at kinuha na ang mga gamit ko at binitbit ito.

Sumakay na kami ng tricycle papunta sa school. Hindi na kasi namin kayang lakarin 'to dahil may mga bitbit kami.

Nang nasa harapan na kami ng gate ng school ay nakita namin na may 10 na  bus ang nakaparada dito. Lahat kasi ng grade 10 students ay kasali sa pagkacamping.

Nang mahanap na namin ang bus ng section A ay kaagad na kaming umakyat ni amber. 

Punong puno na ito at wala na kong mahanap na bakanteng upuan. 

"Amber dito kana maupo sa tabi ko." Narinig kong sabi ni Mrs. Ramirez.

"Ma'am paano po si audrey?" Tanong ni amber.

"Sa may bandang likod, may isang bakanteng upuan, kaya doon nalang siya uupo." Sabi ni Mrs. Ramirez, tinignan naman ako ni amber with okay-lang-ba-sayo look. Tumango naman ako sakanya at pumunta na sa bandang likuran.

Nang makita ko ang nag-iisang bakanteng upuan ay napatigil ako. Paanong hindi? Eh si summer pala ang makakatabi ko doon. Kung minamalas ka nga naman oh!

"Don't tell me ikaw ang makakatabi ko?!" Hindi makapaniwalang tanong ni summer.

"Isn't it obvious? As if naman gusto kitang makatabi. Kung may choice lang ako hindi ako tatabi sayo." Mataray na sagot ko at tumingin na sa bintana.

Ako kasi ang nandito sa tabi ng bintana, ayaw daw kasi ni Tag-init doon. Arte.

Habang nakatingin ako sa bintana ay nakita kong dinaanan namin ang Rodriguez Five Star Restaurant. Ito ang kauna unahang negosyo na naipundar nila daddy nung bagong kasal pa lamang sila ni mommy. Katulad ng dati, ay wala pa rin itong pagbabago, maganda pa rin ito at kilalang kilala ng mga tao. Isa kasi ito sa pinaka sikat na restaurant dito sa pilipinas. 

"Bakit ka nakatingin sa restaurant namin?" Narinig kong sabi ni Summer dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Huh?" Naguguluhang sabi ko.

"Rodriguez Five Star Restaurant, ay pag-aari ng parents ko." Nakasmirk nyang sabi.

Nagpapatawa ba siya? Paanong magiging pag-aari ito ng parents niya? Eh ang parents ko ang may ari nito.

Pain and Regret Where stories live. Discover now