Chapter: 12

8.3K 153 1
                                    

Audrey's POV

Pag-uwi ko ng bahay ay hindi ko nadatnan si amber, hindi ko alam kung saan siya pumunta. Hindi naman siya nagsabi na aalis siya. Pumasok na ako ng kwarto ng bigla kong maramdaman ang labis na pagod at sakit ng katawan ko.

Pag pasok ko ng kwarto ay kaagad kong isinara ang pinto. Nang naglakad ako papunta sa aking kama ay bigla nalang akong napahawak sa ulo ko.

"Ahh!!" Napaupo na'ko sa sahig dahil sa sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay nahahati ito sa sobrang sakit.

"Shit!" I cursed, then I tried to stand up but my feet failed! At dahil hindi ako makapaglakad dahil sa sakit ng ulo ko ay sinubukan kong gumapang hanggang sa makalapit ako sa drawer ko kung saan nakalagay ang mga gamot. I immediately took the medicines at ininom ito and crawled back to my bed. Humiga ako until the pain subsides. I stop myself from screaming because of pain. This is the effect kapag hindi ako nakakainom ng painkillers. The painkillers only last for hours and I am sure as hell na sasakit ang ulo ko kapag hindi ako nakainom at yun ang nangyari ngayon dahil hindi ako nakainom ng painkiller kagabi.

I sighed.

Naalala ko nanaman ang sinabi sakin ng doctor.

"Audrey you need to be admitted"

Yun ang sinabi ni doc, but I refused. For what? to prolong my life?

*knock!knock!knock!*

kaagad kong pinunasan ang aking pisngi at inayos ang aking sarili ng marinig kong may kumatok.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto at agad na bumungad sakin si Amber na mukhang kakagaling lang sa pag-iyak.

"What Happened?" I asked, pero hindi siya sumagot, nginitian niya ko. Isang ngiti na alam kong peke. Ngayon ko lang nakita na ganito ang itsura ni amber.

"Why didn't you tell me?" She asked with disappointment in her voice. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?" Nag-aalinlangang tanong ko.

"Audrey! I knew everything! I found out about your illness!! Why didn't you tell me?! Wala ba kong karapatang malaman ha? Audrey sabihin mo nga sakin! Ano ba ko para sayo?! Mahalaga ba para sayo ang mararamdaman ko?!" Sigaw nito habang iyak lang siya ng iyak.

"Of course! Mahalaga ka sakin, kaya hindi ko sinabi sayo dahil ayokong mag-alala ka at---" I wasn't able to finish my explanation.

"And what?!"

"I don't want you to look at me with pity in your eyes like what you're doing right now!" Hindi ko na rin napigilan at naiyak na ko.

"Ganon ba yung tingin mo sakin? Akala mo kakaawaan kita? Audrey pinagmukha mo'kong tanga! Oo sige! Awang awa ako sayo! Kasi wala ka na ngang pamilya nagkasakit kapa! Awang awa ako sayo kasi mamamatay kana pala pero pinili mo paring itago ang lahat! Paano kung nawala ka at hindi ko man lang nalaman ang lahat ng 'to?! Paano ka?! Audrey I'm your bestfriend! Pinili mon ilihim saakin ang lahat! Napaka selfish mo! Lahat nalang ng sakit sinasarili mo! You made me look so stupid!"

"I'm s-sorry." Napayuko ako ng sabihin ko iyon.

"So what is your plan now?"

"W-Wala.." I said. Tumingin ito saakin na para bang hindi makapaniwala sa isinagot ko.

"Audz alam mo na may paraan pa! Pumayag ka lang sa operasyon. Audrey please! Just this one! Pagbigyan mo naman ako, hindi ko kakayanin pag pati ikaw mawawala sakin." Pagmamakaawa nito saakin.

"Amber 50/50 ang chance sa operasyon na iyon, pwede akong mabuhay at pwede rin akong mamatay. At alam na'ting dalawa na mas malaki ang chance na ikamatay ko yun." Sambit ko habang pinipigilang pumakawala ang mga lintek kong luha.

"Atleast alam natin na sinubukan mo diba? Audrey hindi ko matatanggap na mawawala ka ng wala man lang akong nagagawa. Audrey, h-hindi ko kayang mawala ka. Please, lumaban ka naman." She said while holding my hands and crying endlessly.

"A-Amber naririnig mo ba ang sarili mo? N-Napakalaking halaga ng perang kakailanganin para sa operasyong iyon na walang kasiguraduhing ikabubuhay ko! Saan ako kukuha ng milyon milyon!"

"Audrey hihingi tayo ng tulong sa p-parents m-mo.." Nagulat ako sa sinabi niya. Ni hindi sumagi sa isipan ko na humingi ng tulong sakanila.

"No amber! Please, promise me, na hindi mo ito sasabihin sakanila.." Sabi ko sabay hawak ng kamay niya.

"I'm sorry but I can't promise you that. Audrey yung milyon na yun barya lang sakanila."

"No!!"

"Stop being hard-headed audrey! Sila na lang ang makakatulong satin especially to you! If you won't take the operation, you might die. Hinding hindi ako papayag na mangyari 'yon! Please pumayag kana. Anak ka nila, hindi ka  nila matitiis.."

"Amber sa loob ng dalawang taon natiis nila ko. Sapat na yun para sabihin sa sarili ko na wala na silang pakialam sakin kahit na mamatay ako.."

"Hindi ka mamamatay. Please don't die. Don't say that."

"Amber lahat ng tao mamamatay. It just so happen that mine will come earlier. You just need to accept it."

"P-Please audrey. Stop s-saying that. It kills me." Halos pabulong nitong sabi habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha niya.

"Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa ang umasa sa tulong nila."

"Hindi ko sasabihin sakanila ang sakit mo. But promise me. Take good care of yourself, because your body was so fragile. Ang sabi ng doctor, isang pasa lang ang lumitaw sa katawan mo ay katumbas na ng dalawang araw mo sa mundo. Ganon na kahina ang k-katawan mo. " Sabay yuko nito.

"I promise."

Pain and Regret Where stories live. Discover now