Chapter: 03

8.8K 147 13
                                    

Napatulala ako sa telebisyon habang hinahayaang umagos ang mga luha ko. Ang sakit. Sa abot ng makakaya ko ayokong magpakita ng emosyon. Ayoko sanang ipakita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero bakit pakiramdamn ko nalulunod ako sa sakit. Gusto kong umahon. Ang hirap hirap sa pakiramdam.

"Audrey okay, teka umiiyak kaba?" Nang napansin ni amber na umiiyak ako ay agad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga palad ko.

"Walang dahilan para umiyak ako." Malamig na sambit ko saka ako nag-iwas ng tingin at tumayo nako't nagtungo sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay kaagad kong sinara ang pintuan.

Saka nalang ako napahagulgol ng iyak sa likod nito.

Damn it. It hurts so bad. Yung pakiramdam na para bang pinipiga yung puso mo sa sobrang sakit. Call me dramatic but I don't give a damn. Diba ayaw nila ng anak na babae? That's their stupid reason kaya nila ko pinaalis. Ang babaw ba? Oo ganun sila. Ang babaw nila. Babae ako kaya hindi nila ko gusto. Tapos ngayon malalaman ko na nag ampon sila? Bakit?

This is so damn painful, I don't even know why it's still matter to me but I really shouldn't care about anything concerning them at all. Sila nga walang pakialam sa'kin diba? I shouldn't care.

Habang umiiyak ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko.

Nagising ako ng 5:30 na ng umaga. Masyado palang napatagal ang tulog ko. Almost 12hours din dahil sa pagkakaalam ko ay 4:30pm na ng makatulog ako. Tumayo ako mula sa likod ng pintuan kung saan ako natulog, Medyo sumakit din ang likuran ko dahil sa matigas na hinigaan ko pero sa lagay ko ngayon wala nakong pakialam sa nararamdaman ko. I'm physically and emotionally stressed. Tumingin ako sa salamin at nakita ko na magang maga ang mga mata ko, bakit nga ba ko umiiyak? Sa pagkakaalam ko hindi naman ako namatayan para umiyak. Ano nalang kaya ang sasabihin ni amber kapag nakita niyang ganito ang itsura ko? Paniguradong sandamakmak na tanong ang makukuha ko 'don.

Bumaba ako at nagpunta sa kitchen para kumain, hindi kasi ako nakapagdinner kagabi dahil nakatulog na ako.

Nagtingin tingin ako ng pwedeng kainin sa ref. May nakita akong cupcakes kaya kumuha ako ng dalawa at nagtimpla nalang ako ng kape. Sapat na to for breakfast. I don't usually eat heavy meal in the morning.

Habang kumakain ako ay naalala ko nanaman ang nalaman ko kagabi, saka nalang ako mapait na napangiti. Napailing nalang ako. Bakit ba ko nasasaktan? ang unfair naman. Sila nga walang pakialam.

 'Paano ka nakakasigurong wala silang pakialam sayo?' Sabi ng mumunting tinig sa isip ko.

Paanong hindi? Nag-ampon nga sila hindi ba? Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon para sabihin ko sa sarili ko na wala na talaga silang pakialam sakin? Kung may makakakita lang siguro sa'kin ngayon siguradong iisipin nilang nababaliw na'ko.

Nang matapos akong kumain ay naligo na rin ako agad at nagbihis para pumasok na school.

"Hoy Audz! Ang aga mo ata nagising?" Tanong ni amber.

"Maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya napaaga din ang gising ko." I said and she just nodded at me.

"Okay kana ba?" Napatigil naman ako sa pag-aayos ng damit ko ng itanong niya 'yon.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Uh, yung... alam mo na, yung tungkol sa napanood mo kagabi sa TV?"

"Wala sa'kin yun. Edi mag-ampon sila kung gusto nila, Ahh!!" Napasigaw ako mula sa pagsasalita ng bigla nalamang sumakit ang ulo ko.

Nag-aalalang lumapit sa'kin si amber. 

"Audrey anong nangyari sayo? Okay ka lang?" nag-aaalang tanong niya.

"O-Oo m-medyo sumaki-- ahh!!" Bigla nanaman itong sumakit and this time ay napa-upo na ako dahil sa sobrang sakit.

"Audrey ano dadalhin naba kita sa hos-- Teka! Bakit may mga pasa ka?!" Napatingin naman ako sa braso ko ng sabihin ni amber na may pasa ito. Nakita ko na may tatlong malalaking pasa doon.

"S-Saan mo n-nakuha yan?" Tanong ni amber habang nakatingin ng seryoso sa braso ko.

"H-Hindi ko alam." Mahinang sagot ko.

"Tara na't dadalhin kita sa hospital." Seryosong sabi niya.

"Hindi na, okay na naman ako, hindi na masakit ang ulo ko." Sabi ko para mawala na ang pag-aalala niya, kahit ang totoo ay medyo masakit pa rin ang ulo ko, tinitiis ko nalang.

"Okay na nga ang ulo mo, pero yang mga pasa mo?"

"Baka nasagi lang ako 'dyan ng hindi ko namamalayan. Saka pasa lang naman ito, mawawala rin yan." Sagot ko.

"Are you sure? Pero kung may masakit sabihin mo lang sa'kin ah? Baka kasi kung ano na yan." Sabi niya. Hinawakan ko naman ang kamay nya para i-assure sya na okay na talaga ko.

Lumabas na kami at naglakad papunta sa eskwelahan. Nilakad lang namin 'to dahil maaga pa naman at hindi naman maaraw sa labas.

Beep-beep

Halos mapatalon naman kami ni amber ng bigla nalang mag-ingay yung sasakyan na malapit saamin. Muntikan pa ngang masagasahan si amber, buti nalang ay nahila ko siya kaagad. Sino ba ang nasa sasakyan na 'to?!

Lumapit ako sa sasakyang huminto sa harapan namin at kinatok katok ang bintana nito.

Nang ibaba nung may-ari ang bintana ng sasakyan ay tumambad sa'kin ang nakakairitang pagmumukha ni summer.

"What's your problem, Ms. Commoner?" Ngingisi ngisi niyang sabi.

Makita ko lang ang mukha ni summer nasisira talaga araw ko.

"Hoy Tag-init! I should be the one asking you that freakin' question! What the heck is your problem?! Pwede bang magdahan dahan kayo sa pagmamaneho?! Hindi niyo pagmamay-ari ang daan ano ba!" Sigaw ko sakanya.

"Wag mo nga akong masigaw sigawan na commoner ka! Baka hindi mo kilala kung sino ang sinisigawan mo! And for your information! hindi ako ang nagmamaneho ng sasakyan, so stop putting the blame on me!" Sigaw nya sa'kin tsaka na muling umangat ang bintana ng kotse nya at umalis na sila. Bwiset. May araw karin saking tag init ka!

"Audz! Okay lang naman ako, wag kanang OA dyan." Tatawa tawang sabi ni amber.

"Nakakainis talaga ang tag-init na yun! Panira ng araw! At ikaw naman! ikaw na nga 'tong ipinagtanggol pinagtatawanan mo pa ko!" Sigaw ko sakanya saka ko siya sinamaan ng tingin. Kahit suporta man lang sana kasi pinagtatanggol ko siya diba? Pero tinawanan lang ako.

Nang malapit na kami sa classroom ay rinig na rinig ko ang daldalan ng mga kaklase ko at nang pumasok na'ko ay nagsitahimikan na silang lahat.

Agad kong inilagay ang bag ko sa upuan at nakita ko naman na nakatingin sa'kin ng masama ang katabi ko na si summer.

"Why are you staring at?" Taas kilay na tanong ko sakanya.

"Kailan pa naging masama ang pag-tingin?" Mataray na tanong niya.

"Ngayon ngayon lang 3seconds ago." Sagot ko saka nako umupo sa upuan ko at hindi na ulit siya kinausap.

Habang wala pa ang teacher namin ay kinuha ko ang cellphone ko. Wala akong magawa kaya napadpad ako sa gallery. Unang una kong nakita doon ay ang letrato ng mga kapatid ko. The next thing I knew my tears starting to flow.

Dalawang taon ko na silang hindi nakikita, sigurado ako na malaki na rin ngayon si kenji, sayang at wala man lang ako sa tabi niya para masilayan ang paglaki niya. Sobrang miss na miss ko na silang dalawa at sana dumating ang araw na magkita ulit kami. Kahit minsan lang. Kahit sila lang. Sana.

"GoodMorning Class." kaagad ko ng itinago ang cellphone ko dahil sa pagdating ni Mrs. Ramirez

"Class I have an announcement." Mrs. Ramirez said.

"Magkakaroon tayo ng camping sa Mt. Arayat sa Pampanga. Doon ay igu-grupo ko kayo ng tig sasampong pares at magtatanim tayo ng mga seeds ng puno para makatulong tayo sa kalikasan." Sabi ni Mrs. Ramirez.

Lahat ng kaklase ko ay nagreact mostly ay mga babae.

Hindi naman ako against sa nais nilang ipagawa sa'min as long na makakatulong naman kami.

Pain and Regret Where stories live. Discover now