Chapter: 08

8.2K 172 18
                                    

Halos matulala ako at hindi makapagsalita ng makita ko ang parents ko kasama si summer. Please tell me, this is just a nightmare!

Dahan dahan akong tumayo at humarap sakanila habang tuloy tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Sakit, lungkot at galit.

Nakita ko sa mga mukha nila ang labis na pagkagulat at ganun din naman ako dahil hindi ko inaasahang makikita ko sila dito.

"Ate!" Nagulat ang lahat ng biglang sumigaw si kenji sabay takbo palapit sa'akin at niyakap ako nito.

Nung huli kaming magkita ay apat na taon pa lamang siya. He grew up so fast.

Lumuhod ako sa harapan niya at hinaplos ang mga pisngi  niya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

"Ate, where have you been? I missed you so mu--" Hindi natapos ni kenji ang sasabihin niya ng bigla siyang hilahin ni summer palayo saakin.

"Kenji! what are you saying?! Anong ate ang pinagsasabi mo diyan? Are you insane?!" Sigaw ni summer.

"Don't shout at my brother!" Sigaw ko kay summer.

"She's my sister!" Sigaw ni kenji habang iyak ng iyak. Nakita ko ang pagkagulat ni summer marahil sa pagkalito.

"Your b-brother? What the hell are you saying?!" Naguguluhang tanong nito.

"Please guys, stop." Pasigaw na sabi ni mommy at pagkatapos ay humarap siya sa yaya ni kenji.

"Rosy iuwi mo na muna si kenji." Sambit nito.

Bago umalis si kenji ay tumakbo ulit siya palapit sakin at niyakap ako nito ng sobrang higpit.

"God knows how much I missed you ate. Don't leave again okay? Stay please." Sabi nito at hinalikan ako sa magkabilang pisngi at umalis na.

"Mom, Dad! Siya yung sinasabi ko sainyo! Yan yung babaeng walang ibang ginawa kundi ang ipahiya ako sa school!" Sigaw ni summer.

"S-Schoolmate mo siya summer?" Hindi makapaniwalang tanong ni kuya kay summer pero saakin siya nakatingin.

"No! We're classmates." Maarteng sabi nito. 

Tinignan ko ang mga mukha nila, si mommy na halata mo ang sobrang pagkagulat at ganun din naman si daddy. Pareho ring may mga luhang nagbabadyang kumawala sakanilang mga mata. Are they crying for me? Marahil ay hindi nila inaasahan na makikita nila ako dito. Are they happy to see me again? Alam kong nakapa imposible naman ng iniisip ko. Baka nga ang akala nila ay matagal na kong patay eh.

"Summer aalis nako, wala akong panahon para makipag away sayo." Malamig kong sabi.

"No! Bakit ka aalis? Natatakot ka?" She asked while smirking.

"Of course not. Bakit naman ako matatakot sayo? Kasi nandito ang parents mo? Oh Anyway." Huminto ako sa pagsasalita at humarap sa parents niya. "It's nice to meet you Mr and Mrs. Rodriguez, I'm Audrey Rodriguez btw just in case you forgot." Mapait na sambit ko. Pinagmasdan lang nila ko.

"A-Audrey.." Napatingin ako kay kuya ng bigla niyang sambitin ang pangalan ko. I couldn't help but to looked away.

"Mom. Remember what you promised me a week ago? You told me na kapag nagkita kayo ng babaeng 'to, sasampalin mo siya sa harapan ko." Sabi ni summer na parang batang nagdadabog. Pinagmasdan ko siya. Naawa ako sakanya. Nakakaawa siya sa pagiging immature niya.

"Summer stop! That's too much! Para kang bata! Stop acting like a brat!" Sermon sa kanya ni kuya kevin.

"No kuya! Magkakaroon ng gulo dito kapag hindi ninyo sinunod ang gusto ko! Kilala nyo ko at hindi ako nagbibiro!" Sigaw ni summer

Pain and Regret Where stories live. Discover now