Give and Take

11.5K 196 27
                                    

Hi ate! You are one of my favorite authors. I made this acount para makapag sulat ng thomara fanfics! And you are one of the people na nag inspire sa akin kaya I dedictae to you my first one shot.

_________________________________

"Hoy Victonara! Wag na wag mo kong tatalikuran ng ganyan. Di pa tayo tapos mag usap." sigaw ng midget na lalaki sa likod ko.


Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Kunyari wala akong narinig. Dire-diretso akong pumasok sa condo namin.


"Di mo ba ko kakausapin?" rinig sa boses niya ang pag kaasar niya. Well, asar na rin naman ako.


Hinarap ko siya at nakipag sukatan ng titig. "If we are going to talk about that nonsense topic that will lead to a heated argumentation, I prefer to give you a silent treatment hangang lumamig na yang ulo mo." singhal ko sa kanya.


"We need to talk about this,Victonara. Alam mong kailangan natin i-settle to." Marahas niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri. Parehas mainit ang ulo namin kaya alam ko maaring mag kasakitan kami pag nag usap kami ngayon, hindi pisikal.


I sighed in defeat. Maybe it's about time na nga to talk about this topic. Akala ko nag kasundo na kami, Akala ko lang pala. " Mag pahinga ka muna bago maligo tapos mag dinner tayo saka tayo mag usap."


Hindi ko na tinignan ang reaksyon niya. Pumunta ako sa laundry room para ilagay ang marurumi niya damit tapos ay nag prepare na nang lulutuin ko. I will cook Sinigang dahil favorite niya , baka sakaling lumamig ang ulo after ng dinner. Foods are stress reliever lalo na yung mga favorite natin.


Makalipas ang ilang minuto naluto na rin yung Sinigang at yung sinaing. Ilalagay ko na sana yung ulam sa mangkok nang maramdaman ko na may tao sa likod. Lumingon ako sa likod ko at di nga ako nag kamali nasa likod ko nga si Thomas.

"Ako na diyan. I-ready mo na lang yung lamesa." Tumango na lang tapos pumunta na sa lamesa para ayusin yung mga plates and, spoon and fork.Umupo ako sa pwesto ko after kong maayos ang lamesa.


Pinag mamasdan ko ang likod niya. Kahit nakatalikod alam mo na ang gwapo gwapo niya tapos parang ang bango bango niya lagi. Yung built ng katawan niya hindi ganon ka-muscular, hindi rin ganon ka-chubby, tama lang... tama lang para maging huggable siya.


5 years na simula nang mag karoon siya ng ganitong effect sa akin. 5 years na simula nang mag karoon ng kami, pero he still have this same effect to me. Everyday parang laging bago o fresh yung love namin. Araw araw nahuhulog ako nang pauulit ulit sa kanya at kailanman di ako mag sisi na I took the chance to fall for him, because the chance that God gave to us changed my life forever. God use him to turn my life 180 degrees at wala nang balikan kahit na para siyang minion na nag transform into gremlin pag nagagalit. It won't make me love him less because of that.


Natigil ang daydream ko nang binaba niya ang mangkok sa harapan ko.


"Para kang sira ngumingiti ng mag isa." Naka-serious mode pa rin siya kaya napa-irap na lang ako.Tinitigan lang niya ako na parang may hinihintay siya na sabihin ako pero hinid ako nag salita. "Let's pray." then we utter our prayer silently.


Tanging kubyertos lamang ang maririnig, minsan naman ninanakawan ako ng tingin pero tataasan ko lang siya ng kilay. Maya't maya ang malalim na buntong hininga niya halatang disappointed sa nang yari sa amin today. Kung dati nakaka ilang kanin siya pag sinigang ang ulam ngayon naman ay unti lang ang kinain niya. Effects of jealousy is really fatal.


Tumayo siya para ilagay ang plato niya sa sink at pumunta sa likod ng upuan niya saka ako tinitigan na parang iniisip kung ano ang sasabihin niya sa akin.


Sweet NothingsWhere stories live. Discover now