Friends?

4.7K 131 50
                                    

HINDI AKO JINX! ✌🏻️💚💚( Repub)
Yung mga talo ang lalong nag papalakas sa La Salle. Pasensya na sa foul words . Mahal nating lahat si Kim di ba? Sabaw 'to! In defeat and victory let's praise and glorify Him!
-Gabby
-----------------------
Dumiretso agad ang dalaga sa floor ng kaibigan. Wala ng doorbell or pag katok na nang yari dahil pumasok na lang siya condo unit nito na parang pag aari.

Sinilip niya ang sala at kusina kung nandoon ang kanyang hinahanap pero bigo siyang makita ang kaibigan. Pinuntahan niya ang kwarto nito at tumambad sa kanya ang nag hihilik na binata.

Napa-irap na lang siya sa nakita. Mukhang di ito na nood ng laban nila sa tv base sa naiwang bukas ang PS3 nito. Inis niyang hinampas ang binata ng unan sa mukha.

"Tang--"

Bago pa ito makapag mura ay hinampas na niya ito sa braso.

"Tangina ko? Baka tangina mo! Leche!" Nanlaki naman ang mata ng binata sa nakita niya.

Pumikit siya ng dalawang beses para siguraduhin na hindi aparisyon lamang ng dalaga ang nakikita.

"Anong ginagawa mo dito? Di ba may game kayo?"

"May game kami kaninang 4:30!! Newsflash: Alas nuwebe ma!" Pinang krus ng dalaga ang braso habang sinesermonan ang kaibigan na parang bata. "Did you even watch my game?"

"Ah---"

"Wag mo ng sagutin. Alam kong hindi." Pang babara niya sa kaibigan.

"Sorry. Pagod lang talaga ako sa training kaya di ako nakanood."

"Tsss.. Excuses."

"Bakit ang sungit mo?" Naka kunot noong tanong ng binata. "Natalo ba kayo?" Tanong niya kahit alam na niya ang result ng laban dahil gusto niyang inisin ang dalaga.

"Excuse me? We won against Ateneo." She exclaimed witn full of pride. "3 sets baby!"

"Na-single block ni Mika si Alyssa!" Proud na kwento niya sa isa sa mga highlights ng laban. "Ayun!

Tuwang tuwa ang gaga!"

"Good." Inaantok na sagot ng Binata.

"Hoy Almond! Yun lang sagot mo? Good lang?" Exaggerated na tanong ng dalaga. "Langya! 2 years kaming di nanalo sa Ateneo at pinag handaan namin tapos ang sagot mo...Good!?"

"Edi Very good! Happy?" Binatukan niya ang kaibigan dahil sa sagot.

"Takte naman Kim! Kakagising ko lang. Wag mong hampasin ang ulo ko." Sabi nito sabay subsob ng mukha sa unan.

"Oooy! Wag kang matulog." Hinila ni Kim ang kaibigan pero mas malakas ito sa kanya kaya naman na dala siya nito at napahiga sa tabi ni Almond.

"Leche." Yun na lang ang nasabi niya dahil ang lapit ng mukha ni Almond sa kanya. "Almond!! Tanggalin mo nga 'yang kamay mo. Pipilayan kita pag di mo tinanggal."

Pero imbes na tanggalin ni Almond ang kamay sa bewang ng dalaga ay mas lalo pa nitong hinigpitan.

"Ano bang gagawin? Bakit kailangan kong tumayo?"

"Kalbo, Samahan mo ko mag celebrate kasi!" Sabi ni Kim at sinapak ang braso ng kaibigan.

"Tulog na lang tayo."


"Nasa dorm sila Thomas, Jeron, at mga team mates ko tapos ako maiiwan?" Tumango naman si Almond bilang pang asar. "ASA!"

Kumawala naman si Kim sa bisig ni Almond. Bumangon na rin siya at nakita niya ang naka sibangot na mukha ni Kimberly Alano Fajardo.

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now