Kismet

6.2K 168 71
                                    

NO

This can't be real!!!

Agad agad?!

Isang try meron na agad?? Wait! Hindi ko naman ni-try!! Aksidente yun.  Aksidente!

Papatayin ako ng parents ko. Lalo na ni Bang.

Lumabas ako ng CR at nakita kong kumpleto ang bullies today. Buti na lang sabado at day off nilang lahat. I really need their help.

"Bullies."

Pag tawag atensyon ko sa kanila. Masyadong tutok sa One More Chance as if naman ngayon lang nila napanood.

"Alam kong masarap ang feeling  ng katatapos lang mag jebs. Wag mo nang i-announce."

Hindi ko alam imbes na mainis ako naiyak ako sa sinabi ni Kim. Mas importante ba talaga yung pinapanood nila kesa sa akin?

"Daks, di pa nakakaiyak yung scene bat umiiyak ka na?"

Nag lingon naman silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Mika.

"Papalitan mo si Bea Alonzo,Baks?"

"Hindi sa lahat ng panahon makikipag biruan ako sa inyo."

"Arabels, Saan mo nakuha yan?"
Masaksak ka sana ng baba mo Camille! Arghhhhh

"Tinatawag ko kayo tapos di niyo ko papansinin. Pwede niyong ulit ulitin ang one more chance pero ang problema ko hindi!"

Pinatay ni Cienne ang tv at saka  nila inilipat ang atensyon sa akin. Kanina gusto ko makuha ang atensyon nila pero ngayon na nasa akin na parang bigla akong niyakap ng yelo.

"Ara, Anong problema? Bakit ka nag kakaganyan? Ilang linggo ka nang weird?" Halata sa boses ni Cienne na nag aalala siya sa akin.

Huminga akong malalim at pumikit. Bahala na kung ano ang reaction nila basta kailangan ko na itong ilabas. Baka kasi matulungan nila ako.

"Buntis ako."

Dumilat ako dahil walang nag react o kung ano pa man. Expected ko pa naman na mag wawala o sisigaw sila pero wala.

Bigla naman silang tumayo sabay sabay at pumalakpak.

"Daks, pwede ka na! Ang galing mo ! San ka mag o-audition?"

"Tatalunin mo si Bea Baks!

"Di ko naman alam na may ganyan lang talent Arabels!"

"Pang Oscar ka best!"

"O pwede na natin ituloy yung one more chance?"

Namumuro na talaga tong Negra na to sa akin.

"Bakit ba ayaw niyong maniwala?"

Nakaka- frustrate! Hindi ko nga alam ang gagawin ko tapos sila hindi pa naniniwala.

"Eh Ara wag ka sanang ma-offend ha. Paano niyo nagawa yun ni Bang? "

"Nag kiskisan tapos poof buntis ka na?"

"Egg cell at egg cell? Paano yun?"

"Ara, shibs din ako pero imposible kasi eh. Ano ba natira mo at nag kakaganyan ka?"

"Tsaka di ba si Bang ang girl sa Relationship niyo eh di dapat siya yung buntis if ever nag pa-invitro kayo?"

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now