Level Up

7.1K 178 19
                                    

HI! Thank you for your heart warming message. Kinilig ako sa haba ng mensahe mo! Hahaha. Thank you for supporting my one shot stories! God Bless you.

____________________________________________________________

Kakatapos lang mag practice ang basketball team at ng klase ko nang biglang may sumulpot na duwende sa tapat ng class room ko at hinila ako para mag lunch. Sino naman ako para tanggihan ang gracia, di ba? Kahit alam kong kukulitin lang ako nito.

"Ara"

Tinignan ko lang siya nang masama. Nakaka-inis kasi, alam naman niyang busy ako pero nangungulit pa rin. Never disturb when I am eating California Maki.

"Shut and wait for me to finish eating my precious California Maki."

"So mas mahalaga yang Maki kaysa sa akin?"

I look at him with disgust. Seriously? What's with him? Ang weird niya these past few weeks. Akala ko ba walang emotional and psychological effect yung injury niya, pero ano 'to? I immediately touch his forehead.

"Wala namang lagnat." Bulong ko sa sarili ko.

"Hoy! Ano ba?" Sabay hawi sa kamay ko. Concern lang naman ako sa kanya eh.

"You're acting weird these past few weeks." Mahina kong sabi na nag pa-kunot ng noo niya na ginantihan ko rin.

"Weird? Wag mo nga akong igaya sayo." Sinamaan ko na lang siya ng tingin at kumain ulit. Okay, binabawi ko na yung sinabi ko. Normal na ulit siya. Maybe I am the one who is getting weirder.

Kukuha na sana ako ulit ng California Maki nang inagaw niya yung chops sticks ko. Hinampas ko ang kamay niya. He's not weird but he is getting into my nerves.

"Aray! Ara naman ang sakit." Binitiwan niya yung chopsticks saka hinimas ang kanang kamay.

"Don't mess with my California Maki." Sabay kuha ng chopsticks at California Maki.

"Naks naman! Parang "Don't mess with Mika Reyes" lang ahh.." and for the nth time tinignan ko lang siya nang masama. " I'm getting your attention pero your not paying eh." His voice sounds irritated but still has the evidence of lambing. Wait? Ang conyo. Wait? Did I just say lambing?

"California Maki is greater than Thomas Torres. Alam mo yan , di ba?" I continue eating. California Maki is my forever bae. It gives the satisfaction that I need and helps me resist bad vibes, like the guy besides me. Indeed, God's greatest comfort food.

"I just want to ask if you want to come with me to watch Manila Clasico on Saturday." Two words that caught my attention, Manila Clasico.

"Now I got your attention." Then he flashed his beautiful smile that makes everyone fall.

"What time?" Totally ignoring his last statement.

"2pm, Araneta Coliseum." He really knows how to bribe. May kailangan 'to for sure. Nararamdaman ng radar ko.

"May game kayo practice game kayo tomorrow with NU. Okay lang?" tanong ko. Siyempre dapat focus siya kinabukasan sa game nila, mamaya PBA pa ang sisihin ni Coach Juno pag natalo sila. NU kaya kalaban nila, depending champion at may cute din silang Chinito.

"Okay lang kay Coach Juno. Napag-handaan ko na rin nang mabuti yung Paolo Javelona na yun." Joke lang yung sinabi kong normal siya. Weird siya, Weird! Since last season may galit siya kay Javelona, wala namang ginagawang masama yung tao sa kanya.

"Bakit ba laging si Paolo Javelona ang kinakainisan mo?"

"Yung mata mo kasi!" sabi niya na may halong pang gigil. Alam kong maganda ang mata ko pero anong meron na hindi ko alam?

Sweet NothingsWhere stories live. Discover now